Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online

BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Jeremias 10:1-25

10  Dinggin ninyo ang salita na sinalita ni Jehova laban sa inyo, O sambahayan ng Israel.  Ito ang sinabi ni Jehova: “Huwag na huwag kayong matuto ng lakad ng mga bansa,+ at huwag kayong mangilabot sa mga tanda sa langit, dahil ang mga bansa ay nangingilabot sa mga iyon.+  Sapagkat ang mga kaugalian ng mga bayan+ ay isa lamang singaw, dahil isang punungkahoy+ lamang mula sa kagubatan ang pinutol ng isa, ang gawa ng mga kamay ng bihasang manggagawa sa pamamagitan ng daras.+  Sa pamamagitan ng pilak at ginto ay pinagaganda niya iyon.+ Sa pamamagitan ng mga pako at ng mga martilyo ay ikinakabit nila ang mga iyon, upang walang mabuwal.+  Sila ay gaya ng panakot ng ibon sa bukid ng mga pipino, at hindi makapagsalita.+ Kailangang buhatin sila, sapagkat hindi sila makahakbang.+ Huwag kayong matakot dahil sa kanila, sapagkat hindi sila makagagawa ng anumang kapaha-pahamak at, isa pa, ang paggawa ng anumang mabuti ay wala sa kanila.”+  Talagang walang sinumang katulad mo, O Jehova.+ Ikaw ay dakila, at ang iyong pangalan ay dakila sa kalakasan.+  Sino ang hindi matatakot sa iyo,+ O Hari ng mga bansa,+ sapagkat sa iyo nga nararapat; sapagkat sa gitna ng lahat ng marurunong sa mga bansa at sa gitna ng lahat ng kanilang mga pagkahari ay talagang walang sinumang katulad mo.+  At sila ay pawang walang-katuwiran at hangal.+ Ang isang punungkahoy ay isa lamang payo ukol sa kawalang-kabuluhan.+  Pilak na pinitpit upang maging mga pohas ang dinadala mula pa sa Tarsis,+ at ginto mula sa Upaz,+ ang gawa ng bihasang manggagawa at ng mga kamay ng platero; ang kanilang pananamit ay sinulid na asul at lanang tinina sa mamula-mulang purpura. Lahat ng mga iyon ay gawa ng mga taong dalubhasa.+ 10  Ngunit si Jehova ay totoo ngang Diyos.+ Siya ang Diyos na buháy+ at ang Hari hanggang sa panahong walang takda.+ Dahil sa kaniyang pagkagalit ay uuga ang lupa,+ at walang mga bansa na makatatagal sa ilalim ng kaniyang pagtuligsa.+ 11  Ito ang sasabihin ninyo sa kanila: “Ang mga diyos+ na hindi siyang maygawa ng langit at ng lupa ang siyang malilipol mula sa lupa+ at mula sa silong ng langit na ito.” 12  Siya ang Maylikha ng lupa sa pamamagitan ng kaniyang kapangyarihan,+ ang Isa na matibay na nagtatatag ng mabungang lupain sa pamamagitan ng kaniyang karunungan,+ at ang Isa na sa pamamagitan ng kaniyang unawa ay nag-unat ng langit.+ 13  Sa pamamagitan ng kaniyang tinig ay pinangyayari niya ang pagkagulo ng tubig sa langit,+ at nagpapailanlang siya ng singaw mula sa dulo ng lupa.+ Gumawa pa man din siya ng mga paagusan para sa ulan,+ at inilalabas niya ang hangin mula sa kaniyang mga imbakan.+ 14  Ang bawat tao ay gumagawi nang lubhang di-makatuwiran anupat walang nalalaman.+ Ang bawat platero ay tiyak na mapapahiya dahil sa inukit na imahen;+ sapagkat ang kaniyang binubong imahen ay kabulaanan,+ at walang espiritu sa kanila.+ 15  Sila ay walang kabuluhan, isang gawang kakutyaan.+ Sa panahon ng pagtutuon ng pansin sa kanila ay malilipol sila.+ 16  Ang Bahagi ng Jacob+ ay hindi gaya ng mga bagay na ito, sapagkat siya ang Tagapag-anyo ng lahat ng bagay,+ at ang Israel ang baston ng kaniyang mana.+ Jehova ng mga hukbo ang kaniyang pangalan.+ 17  Pulutin mo sa lupa ang iyong dala-dalahan,+ O babaing nananahanan sa ilalim ng kaigtingan.+ 18  Sapagkat ito ang sinabi ni Jehova: “Narito, patatalsikin ko ang mga tumatahan sa lupa sa pagkakataong ito,+ at pipighatiin ko sila upang matuklasan nila.”+ 19  Sa aba ko dahil sa aking pagkasira!+ Ang aking sugat ay nagdulot ng sakit. At ako ay nagsabi: “Tiyak na ito ang aking sakit, at papasanin ko ito.+ 20  Ang aking tolda ay sinamsaman, at ang lahat ng aking mga panaling pantolda ay napatid.+ Nilisan ako ng sarili kong mga anak, at wala na sila.+ Wala nang naglaladlad ng aking tolda o nagtataas ng aking mga telang pantolda. 21  Sapagkat ang mga pastol ay gumawi nang di-makatuwiran,+ at hindi nila hinanap si Jehova.+ Kaya naman hindi sila kumilos nang may kaunawaan, at ang lahat ng kanilang mga hayop na nanginginain ay nangalat.”+ 22  Makinig kayo! Isang ulat! Narito, iyon ay dumating, gayundin ang isang malakas na pagdagundong mula sa lupain ng hilaga,+ upang ang mga lunsod ng Juda ay gawing tiwangwang na kaguhuan, na tirahan ng mga chakal.+ 23  Nalalaman kong lubos, O Jehova, na ang lakad ng makalupang tao ay hindi sa kaniyang sarili. Hindi sa taong lumalakad ang magtuwid man lamang ng kaniyang hakbang.+ 24  Ituwid mo ako, O Jehova, ngunit sa pamamagitan ng kahatulan;+ huwag sa iyong galit,+ upang hindi mo ako iuwi sa wala.+ 25  Ibuhos mo ang iyong pagngangalit sa mga bansang+ nagwawalang-bahala sa iyo,+ at sa mga pamilyang hindi tumatawag sa iyong pangalan.+ Sapagkat nilamon nila ang Jacob.+ Oo, nilamon nila siya, at patuloy nila siyang nililipol;+ at ang kaniyang tinatahanang dako ay itiniwangwang nila.+

Talababa