Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online

BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Jeremias 1:1-19

1  Ang mga salita ni Jeremias+ na anak ni Hilkias, isa sa mga saserdote na nasa Anatot+ sa lupain ng Benjamin;+  na dinatnan ng salita ni Jehova nang mga araw ni Josias+ na anak ni Amon,+ na hari ng Juda, noong ikalabintatlong taon ng kaniyang paghahari.+  At patuloy pa itong dumating nang mga araw ni Jehoiakim+ na anak ni Josias, na hari ng Juda, hanggang sa pagtatapos ng ikalabing-isang taon ni Zedekias+ na anak ni Josias, na hari ng Juda, hanggang sa yumaon sa pagkatapon ang Jerusalem nang ikalimang buwan.+  At ang salita ni Jehova ay nagsimulang dumating sa akin, na nagsasabi:  “Bago kita inanyuan sa tiyan+ ay nakilala kita,+ at bago ka lumabas mula sa bahay-bata ay pinabanal kita.+ Ginawa kitang propeta sa mga bansa.”  Ngunit sinabi ko: “Ay, O Soberanong Panginoong Jehova! Narito, hindi nga ako marunong magsalita,+ sapagkat ako ay isang bata lamang.”+  At sinabi ni Jehova sa akin: “Huwag mong sabihin, ‘Ako ay isang bata lamang.’ Kundi sa lahat niyaong pagsusuguan ko sa iyo ay paroroon ka; at ang lahat ng iuutos ko sa iyo ay sasalitain mo.+  Huwag kang matakot dahil sa kanilang mga mukha,+ sapagkat ‘Ako ay sumasaiyo upang iligtas ka,’+ ang sabi ni Jehova.”  Sa gayon ay iniunat ni Jehova ang kaniyang kamay at hinipo nito ang aking bibig.+ Pagkatapos ay sinabi ni Jehova sa akin: “Narito, inilagay ko ang aking mga salita sa iyong bibig.+ 10  Tingnan mo, inaatasan kita sa araw na ito sa mga bansa at sa mga kaharian,+ upang bumunot at magbagsak at magwasak at maggiba,+ upang magtayo at magtanim.”+ 11  At ang salita ni Jehova ay patuloy na dumating sa akin, na nagsasabi: “Ano ang nakikita mo, Jeremias?” Kaya sinabi ko: “Isang supling ng punong almendras ang nakikita ko.” 12  At sinabi ni Jehova sa akin: “Nakita mo nang mahusay, sapagkat ako ay nananatiling gising may kinalaman sa aking salita upang tuparin iyon.”+ 13  At ang salita ni Jehova ay dumating sa akin sa ikalawang pagkakataon, na nagsasabi: “Ano ang nakikita mo?” Kaya sinabi ko: “Isang palayok na maluwang ang bibig na hinihipan ang nakikita ko, at ang bibig nito ay palayo sa hilaga.” 14  Sa gayon ay sinabi ni Jehova sa akin: “Mula sa hilaga ay pakakawalan ang kapahamakan laban sa lahat ng tumatahan sa lupain.+ 15  Sapagkat ‘narito, tatawagin ko ang lahat ng pamilya ng mga kaharian sa hilaga,’ ang sabi ni Jehova;+ ‘at tiyak na paroroon sila at ilalagay ang kani-kaniyang trono sa pasukan ng mga pintuang-daan ng Jerusalem,+ at laban sa lahat ng kaniyang mga pader sa palibot at laban sa lahat ng mga lunsod ng Juda.+ 16  At sasalitain ko sa kanila ang aking mga kahatulan tungkol sa lahat ng kanilang kasamaan,+ sapagkat iniwan nila ako+ at patuloy silang gumagawa ng haing usok para sa ibang mga diyos+ at yumuyukod sa mga gawa ng kanilang mga kamay.’+ 17  “At ikaw naman, bigkisan mo ang iyong mga balakang,+ at bumangon ka at salitain mo sa kanila ang lahat ng iniuutos ko sa iyo. Huwag kang mangilabot dahil sa kanila,+ upang hindi kita pangilabutin sa harap nila. 18  Ngunit sa ganang akin, narito, ngayon ay ginawa kitang isang nakukutaang lunsod at isang haliging bakal at mga pader na tanso+ laban sa buong lupain,+ sa mga hari ng Juda, sa kaniyang mga prinsipe, sa kaniyang mga saserdote at sa bayan ng lupain.+ 19  At tiyak na makikipaglaban sila sa iyo, ngunit hindi sila mananaig laban sa iyo,+ sapagkat ‘Ako ay sumasaiyo,’+ ang sabi ni Jehova, ‘upang iligtas ka.’ ”+

Talababa