Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online

BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Isaias 8:1-22

8  At sinabi ni Jehova sa akin: “Kumuha ka para sa iyo ng isang malaking tapyas+ at isulat mo roon sa pamamagitan ng panulat ng taong mortal, ‘Maher-salal-has-baz.’  At bigyan mo ako ng katibayan+ para sa akin mula sa tapat na mga saksi,+ si Uria na saserdote+ at si Zacarias na anak ni Jeberekias.”  Sa gayon ay lumapit ako sa propetisa, at siya ay nagdalang-tao at sa kalaunan ay nagsilang ng isang anak na lalaki.+ At si Jehova ay nagsabi sa akin: “Tawagin mong Maher-salal-has-baz ang kaniyang pangalan,  sapagkat bago matuto ang batang lalaki na tumawag ng,+ ‘Ama ko!’ at ‘Ina ko!’ may isang magdadala ng yaman ng Damasco at ng samsam mula sa Samaria sa harap ng hari ng Asirya.”+  At si Jehova ay nagsalita pa sa akin, na sinasabi:  “Sa dahilang itinakwil+ ng bayang ito ang tubig ng Siloa+ na umaagos nang banayad, at ipinagbubunyi+ si Rezin at ang anak ni Remalias;+  kaya naman, narito! isasampa ni Jehova laban sa kanila+ ang malakas at maraming tubig ng Ilog,+ ang hari ng Asirya+ at ang kaniyang buong kaluwalhatian.+ At siya ay tiyak na aahon sa lahat ng kaniyang mga batis at aapaw sa lahat ng kaniyang mga pampang  at magdaraan sa Juda. Siya ay babaha nga at daraan.+ Hanggang sa leeg ay aabot siya.+ At pupunuin ng pagkakaunat ng kaniyang mga pakpak+ ang lapad ng iyong lupain, O Emmanuel!”+  Maging mapaminsala kayo, O kayong mga bayan, at magkadurug-durog; at makinig kayo, lahat kayong nasa malalayong bahagi ng lupa!+ Magbigkis kayo ng inyong sarili,+ at magkadurug-durog!+ Magbigkis kayo ng inyong sarili, at magkadurug-durog! 10  Magplano kayo ng isang pakana, at iyon ay malalansag!+ Salitain ninyo ang anumang salita, at hindi iyon matatayo, sapagkat ang Diyos ay sumasaamin!+ 11  Sapagkat ito ang sinabi sa akin ni Jehova nang may kalakasan ng kamay, upang mailihis niya ako mula sa paglakad sa daan ng bayang ito, na sinasabi: 12  “Huwag ninyong sabihin, ‘Isang sabuwatan!’ may kinalaman sa lahat ng palaging sinasabi ng bayang ito, ‘Isang sabuwatan!’+ at ang kinatatakutan nila ay huwag ninyong katakutan, ni manginig man kayo dahil doon.+ 13  Si Jehova ng mga hukbo—siya ang Isa na dapat ninyong ituring na banal,+ at siya ang dapat ninyong katakutan,+ at siya ang Isa na dapat maging sanhi ng inyong panginginig.”+ 14  At siya ay magiging gaya ng isang sagradong dako;+ ngunit gaya ng bato na kahahampasan at gaya ng malaking bato na katitisuran+ ng dalawang sambahayan ng Israel, gaya ng bitag at gaya ng silo sa mga tumatahan sa Jerusalem.+ 15  At marami sa kanila ang tiyak na matitisod at mabubuwal at mababalian, at masisilo at mahuhuli.+ 16  Ilulon ninyo ang katibayan,+ lagyan ninyo ng tatak ang kautusan sa gitna ng aking mga alagad!+ 17  At patuloy akong maghihintay kay Jehova,+ na nagkukubli ng kaniyang mukha mula sa sambahayan ni Jacob,+ at ako ay aasa sa kaniya.+ 18  Narito! Ako at ang mga anak na ibinigay sa akin ni Jehova+ ay gaya ng mga tanda+ at gaya ng mga himala sa Israel mula kay Jehova ng mga hukbo, na tumatahan sa Bundok Sion.+ 19  At kung sasabihin nila sa inyo: “Sumangguni kayo sa mga espiritista+ o sa mga may espiritu ng panghuhula na humuhuni+ at nagsasalita nang pabulong,” hindi ba sa Diyos nito dapat sumangguni ang alinmang bayan?+ [Dapat bang sumangguni] sa mga patay para sa mga buháy?+ 20  Sa kautusan at sa katibayan!+ Tiyak na lagi nilang sasalitain ang ayon sa kapahayagang+ ito na hindi magkakaroon ng liwanag ng bukang-liwayway.+ 21  At ang bawat isa ay tiyak na daraan sa lupain na nagigipit at gutóm;+ at mangyayari nga na sa dahilang siya ay gutóm at pinag-init niya sa galit ang kaniyang sarili, isusumpa nga niya ang kaniyang hari at ang kaniyang Diyos+ at titingala. 22  At sa lupa ay titingin siya, at, narito! kabagabagan at kadiliman,+ karimlan, panahon ng kahirapan at dilim na walang liwanag.+

Talababa