Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online

BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Isaias 63:1-19

63  Sino ang isang ito na dumarating mula sa Edom,+ yaong ang mga kasuutan ay may matitingkad na kulay mula sa Bozra,+ ang isang ito na may marangal na pananamit, na humahayo sa kasaganaan ng kaniyang kapangyarihan? “Ako, ang Isa na nagsasalita sa katuwiran,+ ang Isa na sagana sa kapangyarihang magligtas.”+  Bakit mapula ang iyong pananamit, at ang iyong mga kasuutan ay gaya niyaong sa yumayapak sa pisaan ng ubas?+  “Ang alilisan ng alak ay niyapakan kong mag-isa,+ habang wala akong kasamang tao mula sa mga bayan. At patuloy ko silang niyapakan sa aking galit,+ at patuloy ko silang niyurakan sa aking pagngangalit.+ At ang kanilang pumupulandit na dugo ay tumilamsik sa aking mga kasuutan,+ at ang aking buong pananamit ay narumhan ko.  Sapagkat ang araw ng paghihiganti ay nasa aking puso,+ at ang mismong taon ng aking mga tinubos ay dumating na.  At ako ay tumitingin, ngunit walang tumulong; at ako ay nagsimulang manggilalas, ngunit walang sinumang nag-alok ng pag-alalay.+ Kaya naglaan sa akin ng kaligtasan ang aking bisig,+ at ang aking pagngangalit+ ang siyang umalalay sa akin.  At patuloy kong niyapakan ang mga bayan sa aking galit, at nilasing ko sila ng aking pagngangalit+ at ibinubo ko sa lupa ang kanilang pumupulandit na dugo.”+  Ang mga maibiging-kabaitan ni Jehova ay babanggitin ko,+ ang mga kapurihan ni Jehova, ayon sa lahat ng ginawa sa atin ni Jehova,+ ang sagana ngang kabutihan sa sambahayan ng Israel+ na ginawa niya sa kanila ayon sa kaniyang kaawaan+ at ayon sa kasaganaan ng kaniyang mga maibiging-kabaitan.  At sinabi niya: “Tunay na sila ay aking bayan,+ mga anak na hindi magbubulaan.”+ Kaya sa kanila ay siya ang naging Tagapagligtas.+  Sa lahat ng kanilang kapighatian ay napipighati siya.+ At ang kaniyang sariling mensahero ang nagligtas sa kanila.+ Dahil sa kaniyang pag-ibig at sa kaniyang habag ay tinubos niya sila,+ at binuhat niya sila at dinala sila sa lahat ng mga araw noong sinaunang panahon.+ 10  Ngunit sila ay naghimagsik+ at pinagdamdam ang kaniyang banal na espiritu.+ Siya ngayon ay naging kaaway+ nila; siya ay nakipagdigma laban sa kanila.+ 11  At ang isa ay nagsimulang makaalaala sa mga araw noong sinaunang panahon, si Moises na kaniyang lingkod: “Nasaan ang Isa na nag-ahon sa kanila mula sa dagat+ kasama ng mga pastol ng kaniyang kawan?+ Nasaan ang Isa na naglagay sa kaniya ng Kaniyang banal na espiritu?+ 12  Ang Isa na nag-uunat ng Kaniyang magandang bisig+ sa kanang kamay ni Moises; ang Isa na humahati sa tubig mula sa harap nila+ upang gumawa ng isang pangalang namamalagi nang walang takda para sa kaniyang sarili;+ 13  ang Isa na pumapatnubay sa kanila sa dumadaluyong na tubig anupat gaya ng isang kabayo sa ilang ay hindi sila natisod?+ 14  Gaya ng paglusong ng isang hayop sa kapatagang libis, pinagpahinga sila ng mismong espiritu ni Jehova.”+ Gayon mo inakay ang iyong bayan upang gumawa ng isang magandang pangalan para sa iyong sarili.+ 15  Tumanaw ka mula sa langit+ at tumingin ka mula sa iyong marangal na tahanan ng kabanalan at kagandahan.+ Nasaan ang iyong sigasig+ at ang iyong buong kalakasan, ang pagkabagabag ng iyong mga panloob na bahagi,+ at ang iyong kaawaan?+ Sa akin ay nagpigil ang mga ito.+ 16  Sapagkat ikaw ang aming Ama;+ bagaman hindi kami nakilala ni Abraham at hindi kami nakikilala ni Israel, ikaw, O Jehova, ang aming Ama. Aming Manunubos noong sinaunang panahon ang iyong pangalan.+ 17  O Jehova, bakit mo kami patuloy na inililigaw mula sa iyong mga daan? Bakit mo pinatitigas ang aming puso laban sa pagkatakot sa iyo?+ Magbalik ka alang-alang sa iyong mga lingkod, ang mga tribo ng iyong minanang pag-aari.+ 18  Sa kaunting panahon ay nagtaglay ng pagmamay-ari ang iyong banal na bayan.+ Niyapakan ng aming mga kalaban ang iyong santuwaryo.+ 19  Sa loob ng mahabang panahon ay naging gaya kami niyaong mga hindi mo pinamahalaan, gaya niyaong mga hindi tinawag sa iyong pangalan.+

Talababa