Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online

BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Isaias 62:1-12

62  Alang-alang sa Sion ay hindi ako titigil,+ at alang-alang sa Jerusalem+ ay hindi ako mananahimik hanggang sa ang kaniyang katuwiran ay suminag na gaya ng kaningningan,+ at ang kaniyang kaligtasan gaya ng sulo na nagniningas.+  “At tiyak na makikita ng mga bansa ang iyong katuwiran,+ O babae,+ at ng lahat ng mga hari ang iyong kaluwalhatian.+ At tatawagin ka nga sa isang bagong pangalan,+ na tutukuyin ng mismong bibig ni Jehova.  At ikaw ay magiging isang korona ng kagandahan sa kamay ni Jehova,+ at isang makaharing turbante sa palad ng iyong Diyos.  Hindi ka na tutukuying babae na pinabayaan nang lubusan;+ at ang iyong sariling lupain ay hindi na tutukuying tiwangwang;+ kundi ikaw ay tatawaging Ang Kaluguran Ko ay Nasa Kaniya,+ at ang iyong lupain ay Inaari Bilang Asawang Babae. Sapagkat si Jehova ay malulugod sa iyo, at ang iyong lupain ay aariin bilang asawang babae.+  Sapagkat kung paanong inaari ng binata ang isang dalaga bilang kaniyang asawang babae, aariin ka ng iyong mga anak bilang asawang babae.+ At gaya ng pagbubunyi ng kasintahang lalaki dahil sa kasintahang babae,+ ang iyong Diyos ay magbubunyi dahil sa iyo.+  Sa ibabaw ng iyong mga pader, O Jerusalem, ay nag-atas ako ng mga bantay.+ Sa buong araw at sa buong gabi, sa tuwina, ay huwag silang manatiling nakatigil.+ “Kayo na bumabanggit tungkol kay Jehova,+ huwag magkaroon ng katahimikan sa ganang inyo,+  at huwag ninyo siyang bigyan ng katahimikan hanggang sa mailagay niya nang matibay, oo, hanggang sa maitalaga niya ang Jerusalem bilang isang kapurihan sa lupa.”+  Ipinanumpa ni Jehova ang kaniyang kanang kamay+ at ang kaniyang malakas na bisig:+ “Hindi ko na ibibigay ang iyong butil bilang pagkain sa iyong mga kaaway,+ ni iinumin man ng mga banyaga ang iyong bagong alak,+ na pinagpagalan mo.  Kundi sila mismong nagpipisan niyaon ang kakain niyaon, at tiyak na pupurihin nila si Jehova; at sila mismong nagtitipon niyaon ang iinom niyaon sa loob ng aking mga banal na looban.”+ 10  Lumabas kayo, lumabas kayo sa mga pintuang-daan. Hawanin ninyo ang daan ng bayan.+ Tambakan ninyo, tambakan ninyo ang lansangang-bayan. Alisan ninyo iyon ng mga bato.+ Magtaas kayo ng isang hudyat para sa mga bayan.+ 11  Narito! Ipinarinig iyon ni Jehova hanggang sa pinakamalayong bahagi ng lupa:+ “Sabihin ninyo sa anak na babae ng Sion,+ ‘Narito! Ang iyong kaligtasan ay dumarating.+ Narito! Ang gantimpala na kaniyang ibinibigay ay nasa kaniya,+ at ang kabayaran na kaniyang ibinabayad ay nasa harap niya.’ ”+ 12  At tiyak na tatawagin sila ng mga tao na ang banal na bayan,+ yaong mga tinubos ni Jehova;+ at ikaw mismo ay tatawaging Hinanap, Isang Lunsod na Hindi Pinabayaan Nang Lubusan.+

Talababa