Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online | BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Isaias 6:1-13

6  Noong taóng mamatay si Haring Uzias+ ay nakita ko naman si Jehova,+ na nakaupo sa isang trono+ na matayog at nakataas, at pinupuno ng kaniyang laylayan ang templo.+  May mga serapin na nakatayo sa itaas niya.+ Bawat isa ay may anim na pakpak. Ang dalawa ay itinatakip niya sa kaniyang mukha,+ at ang dalawa ay itinatakip niya sa kaniyang mga paa, at ang dalawa ay ginagamit niya sa paglipad.  At ang isang ito ay tumawag sa isang iyon at nagsabi: “Banal, banal, banal si Jehova ng mga hukbo.+ Ang kabuuan ng buong lupa ay kaniyang kaluwalhatian.”  At ang mga paikutan+ ng mga pintuan ay nagsimulang manginig dahil sa tinig niyaong tumatawag, at ang bahay ay unti-unting napuno ng usok.+  At sinabi ko: “Sa aba ko! Sapagkat para na rin akong pinatahimik, dahil ako ay lalaking may maruruming labi,+ at sa gitna ng isang bayan na may maruruming labi ay tumatahan ako;+ sapagkat nakita ng aking mga mata ang Hari mismo, si Jehova ng mga hukbo!”+  Sa gayon, ang isa sa mga serapin ay lumipad patungo sa akin, at sa kaniyang kamay ay may nagbabagang uling+ na kinuha niya sa altar+ sa pamamagitan ng mga sipit.  At sinaling niya ang aking bibig+ at sinabi: “Narito! Sinaling nito ang iyong mga labi, at ang iyong kamalian ay naalis at ang iyong kasalanan ay naipagbayad-sala.”+  At narinig ko ang tinig ni Jehova na nagsasabi: “Sino ang aking isusugo, at sino ang yayaon para sa amin?”+ At sinabi ko: “Narito ako! Isugo mo ako.”+  At siya ay nagsabi: “Yumaon ka, at sabihin mo sa bayang ito, ‘Dinggin ninyo nang paulit-ulit, gayunma’y hindi ninyo mauunawaan; at tingnan ninyo nang paulit-ulit, gayunma’y hindi ninyo malalaman.’+ 10  Gawin mong manhid ang puso ng bayang ito,+ at gawin mong bingi ang kanila mismong mga tainga,+ at pagdikitin mo ang kanila mismong mga mata, upang hindi nila makita ng kanilang mga mata at sa pamamagitan ng kanilang mga tainga ay hindi nila marinig, at upang ang kanilang puso ay hindi makaunawa at upang hindi nga sila manumbalik at magtamo ng kagalingan para sa kanilang sarili.”+ 11  Dahil dito ay sinabi ko: “Hanggang kailan, O Jehova?”+ At sinabi niya: “Hanggang sa ang mga lunsod ay gumuho, na walang isa mang tumatahan, at ang mga bahay ay mawalan ng makalupang tao, at ang lupa ay masira tungo sa pagkatiwangwang;+ 12  at lubusan ngang ilayo ni Jehova ang mga makalupang tao, at ang pagkatiwangwang ay maging napakalubha sa gitna ng lupain.+ 13  At mananatili pa roon ang isang ikasampu,+ at iyon ay muling magiging isang bagay na susunugin, tulad ng isang malaking punungkahoy at tulad ng isang dambuhalang punungkahoy na kapag pinutol ang mga iyon+ ay naroon ang isang tuod;+ isang binhing banal ang magiging tuod niyaon.”+

Talababa