Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online

BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Isaias 52:1-15

52  Gumising ka, gumising ka, magsuot ka ng iyong lakas,+ O Sion! Magsuot ka ng iyong magagandang kasuutan,+ O Jerusalem, na banal na lunsod!+ Sapagkat hindi na muling papasok sa iyo ang di-tuli at marumi.+  Pagpagan mo ng alabok ang iyong sarili,+ bumangon ka, umupo ka, O Jerusalem. Kalagin mo ang mga panali na nasa iyong leeg, O bihag na anak na babae ng Sion.+  Sapagkat ito ang sinabi ni Jehova: “Ipinagbili kayo nang walang kapalit,+ at tutubusin kayo nang walang salapi.”+  Sapagkat ito ang sinabi ng Soberanong Panginoong Jehova: “Sa Ehipto lumusong ang aking bayan noong unang pagkakataon upang manirahan doon bilang mga dayuhan;+ at siniil naman sila ng Asirya nang walang dahilan.”  “At ngayon, ano ang interes ko rito?” ang sabi ni Jehova. “Sapagkat ang aking bayan ay kinuha nang walang kapalit.+ Mismong ang mga namamahala sa kanila ay patuloy na nagpapalahaw,”+ ang sabi ni Jehova, “at lagi na, sa buong araw, ang aking pangalan ay pinakikitunguhan nang walang galang.+  Sa dahilang iyon ay makikilala ng aking bayan ang aking pangalan,+ sa dahilang iyon nga sa araw na iyon, sapagkat ako ang Isa na nagsasalita.+ Narito! Ako nga.”  Pagkaganda-ganda sa ibabaw ng mga bundok ng mga paa+ niyaong nagdadala ng mabuting balita,+ na naghahayag ng kapayapaan,+ na nagdadala ng mabuting balita tungkol sa bagay na mas mabuti,+ na naghahayag ng kaligtasan,+ na nagsasabi sa Sion: “Ang iyong Diyos ay naging hari!”+  Pakinggan mo! Ang iyong mga bantay+ ay naglakas ng kanilang tinig.+ Sabay-sabay silang humihiyaw nang may kagalakan; sapagkat magkikita sila nang mata sa mata+ kapag muling tinipon ni Jehova ang Sion.+  Magsaya kayo, sabay-sabay kayong humiyaw nang may kagalakan, kayong mga wasak na dako ng Jerusalem,+ sapagkat inaliw ni Jehova ang kaniyang bayan;+ tinubos niya ang Jerusalem.+ 10  Hinubdan ni Jehova ang kaniyang banal na bisig sa paningin ng lahat ng mga bansa;+ at makikita ng lahat ng mga dulo ng lupa ang pagliligtas ng ating Diyos.+ 11  Lumayo kayo, lumayo kayo, lumabas kayo riyan,+ huwag kayong humipo ng anumang bagay na marumi;+ lumabas kayo mula sa gitna niya,+ manatili kayong malinis, kayong mga nagdadala ng mga kagamitan ni Jehova.+ 12  Sapagkat lalabas kayo nang walang takot, at yayaon kayo na hindi parang tumatakas.+ Sapagkat si Jehova ay yayaon sa unahan ninyo,+ at ang Diyos ng Israel ang magiging inyong bantay sa likuran.+ 13  Narito! Ang aking lingkod+ ay kikilos nang may kaunawaan.+ Siya ay mapapasa mataas na katayuan at tiyak na itataas at dadakilain nang lubha.+ 14  Kung paanong marami ang tumitig sa kaniya sa pagkamangha+—gayon na lamang ang pagkasira kung tungkol sa kaniyang kaanyuan+ na higit kaysa kanino pa mang lalaki at kung tungkol sa kaniyang matikas na anyo+ na higit kaysa roon sa mga anak ng sangkatauhan— 15  sa gayunding paraan ay gugulatin niya ang maraming bansa.+ Sa kaniya ay ititikom ng mga hari ang kanilang bibig,+ sapagkat ang hindi pa naisasalaysay sa kanila ay makikita nga nila, at ang hindi pa nila naririnig ay pag-iisipan nila.+

Talababa