Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online

BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Isaias 47:1-15

47  Bumaba ka at umupo ka sa alabok,+ O anak na dalaga ng Babilonya.+ Umupo ka sa lupa kung saan walang trono,+ O anak na babae ng mga Caldeo.+ Sapagkat hindi mo na muling mararanasan na maselan at mayumi ang itatawag sa iyo ng mga tao.+  Kumuha ka ng gilingang pangkamay+ at maggiling ka ng harina. Alisin mo ang iyong talukbong.+ Hubarin mo ang mahabang saya.+ Ilantad mo ang binti.+ Tawirin mo ang mga ilog.  Dapat mong ilantad ang iyong kahubaran.+ Gayundin, ang iyong kadustaan ay dapat na makita.+ Paghihiganti ang gagawin ko,+ at hindi ko sasalubungin ang sinumang tao nang may kabaitan.  “May Isa na tumutubos sa atin.+ Jehova ng mga hukbo ang kaniyang pangalan,+ ang Banal ng Israel.”+  Umupo kang tahimik+ at pumasok ka sa kadiliman,+ O anak na babae ng mga Caldeo;+ sapagkat hindi mo na muling mararanasan na Ginang+ ng mga Kaharian+ ang itatawag sa iyo ng mga tao.  Nagalit ako sa aking bayan.+ Nilapastangan ko ang aking mana,+ at ibinigay ko sila sa iyong kamay.+ Hindi ka nagpakita sa kanila ng kaawaan.+ Sa matandang lalaki ay ginawa mong napakabigat ng iyong pamatok.+  At lagi mong sinasabi: “Hanggang sa panahong walang takda ay magiging Ginang+ ako, magpakailanman.” Hindi mo isinapuso ang mga bagay na ito; hindi mo inalaala ang wakas ng bagay.+  At ngayon ay dinggin mo ito, ikaw na babaing mahilig sa kaluguran, ang isa na nakaupong tiwasay,+ ang isa na nagsasabi sa kaniyang puso: “Ako nga, at wala nang iba pa.+ Hindi ako uupo bilang balo, at hindi ko mararanasan ang pagkawala ng mga anak.”+  Ngunit biglang darating sa iyo ang dalawang bagay na ito, sa isang araw:+ ang pagkawala ng mga anak at ang pagkabalo. Sa kanilang hustong sukat ay darating sa iyo ang mga ito,+ dahil sa dami ng iyong mga panggagaway, dahil sa buong lakas ng iyong mga engkanto—na labis-labis.+ 10  At patuloy kang nagtitiwala sa iyong kasamaan.+ Sinabi mo: “Walang nakakakita sa akin.”+ Ang iyong karunungan at ang iyong kaalaman+—ito ang naglayo sa iyo; at patuloy mong sinasabi sa iyong puso: “Ako nga, at wala nang iba pa.” 11  At darating sa iyo ang kapahamakan; wala kang engkantong malalaman laban doon. At sasapit sa iyo ang kapighatian;+ hindi mo iyon maiiwasan. At biglang+ darating sa iyo ang pagkagiba na hindi mo dating nalalaman. 12  Manatili ka ngayon sa iyong mga engkanto at sa dami ng iyong mga panggagaway,+ na pinagpapagalan mo mula pa sa iyong pagkabata; upang marahil ay makinabang ka, upang marahil ay masindak mo ang mga tao. 13  Nanghimagod ka sa karamihan ng iyong mga tagapayo. Tumayo sila ngayon at iligtas ka, ang mga mananamba ng langit, ang mga tumitingin sa mga bituin,+ yaong mga naghahayag ng kaalaman sa panahon ng mga bagong buwan may kinalaman sa mga bagay na darating sa iyo. 14  Narito! Sila ay naging gaya ng pinaggapasan.+ Isang apoy ang tiyak na susunog sa kanila.+ Hindi nila maililigtas ang kanilang kaluluwa+ mula sa kapangyarihan ng liyab.+ Hindi magkakaroon ng ningas ng mga baga upang makapagpainit ang mga tao, walang liwanag ng apoy na sa harap nito ay makauupo. 15  Tiyak na magiging gayon sila sa iyo, na mga kasama mong nagpagal bilang iyong mga engkantador+ mula pa sa iyong pagkabata. Magpapagala-gala nga sila, bawat isa ay sa kaniyang sariling pook. Walang sinumang magliligtas sa iyo.+

Talababa