Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online

BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Isaias 41:1-29

41  “Magbigay-pansin kayo sa akin nang tahimik, kayong mga pulo;+ at ang mga liping pambansa+ ay magpanibagong-lakas. Palapitin sila.+ Sa panahong iyon ay pagsalitain sila. Magpisan tayong sama-sama para sa paghatol.+  “Sino ang pumukaw sa isa mula sa sikatan ng araw?+ Sino ang ayon sa katuwiran ay tumawag sa kaniya sa Kaniyang paanan, upang ibigay sa harap niya ang mga bansa, at upang ipasupil sa kaniya ang mga hari?+ Sino ang nagbibigay sa kanila sa kaniyang tabak na parang alabok, anupat itinataboy silang gaya lamang ng pinaggapasan sa pamamagitan ng kaniyang busog?+  Sino ang tumutugis sa kanila, na mapayapang idinaraan ang kaniyang mga paa sa landas na hindi niya pinanggalingan?  Sino ang kumilos+ at gumawa nito, na tumatawag sa mga salinlahi mula sa pasimula?+ “Ako, si Jehova, ang Una;+ at sa mga huli ay gayon pa rin ako.”+  Nakita ng mga pulo+ at nagsimulang matakot. Ang mismong mga dulo ng lupa ay nagsimulang manginig.+ Sila ay lumapit at patuloy na dumarating.  Tinulungan nila ang kani-kaniyang kasama, at ang isa ay nagsasabi sa kaniyang kapatid: “Magpakalakas ka.”+  Kaya pinalakas ng bihasang manggagawa ang platero;+ yaon namang nagpapakinis sa pamamagitan ng martilyong pampanday ay sa kaniya na pukpok nang pukpok sa palihan, na sinasabi tungkol sa pagkakahinang: “Ito ay mabuti.” Sa dakong huli ay may isang nagkakabit nito sa pamamagitan ng mga pako upang hindi ito makilos.+  “Ngunit ikaw, O Israel, ay aking lingkod,+ ikaw, O Jacob, na aking pinili,+ ang binhi ni Abraham+ na aking kaibigan;+  ikaw, na tinanganan ko mula sa mga dulo ng lupa,+ at ikaw, na tinawag ko mula pa sa malalayong bahagi nito.+ Kaya naman sinabi ko sa iyo, ‘Ikaw ay aking lingkod;+ pinili kita,+ at hindi kita itinakwil.+ 10  Huwag kang matakot, sapagkat ako ay sumasaiyo.+ Huwag kang luminga-linga, sapagkat ako ang iyong Diyos.+ Patitibayin kita.+ Talagang tutulungan kita.+ Talagang aalalayan kitang mabuti sa pamamagitan ng aking kanang kamay+ ng katuwiran.’+ 11  “Narito! Lahat niyaong nag-iinit laban sa iyo ay mapapahiya at maaaba.+ Ang mga taong nakikipag-away sa iyo ay mauuwi sa wala at malilipol.+ 12  Hahanapin mo sila, ngunit hindi mo sila masusumpungan, ang mga taong nakikipagtunggali sa iyo.+ Sila ay magiging waring bagay na di-umiiral at walang kabuluhan,+ ang mga taong nakikipagdigma sa iyo. 13  Sapagkat ako, si Jehova na iyong Diyos, ay nakahawak sa iyong kanang kamay,+ ang Isa na nagsasabi sa iyo, ‘Huwag kang matakot.+ Ako ang tutulong sa iyo.’+ 14  “Huwag kang matakot, ikaw na uod+ na si Jacob, kayong mga tao ng Israel.+ Ako ang tutulong sa iyo,” ang sabi ni Jehova, na iyo ngang Manunubos,+ ang Banal ng Israel. 15  “Narito! Ginawa kitang isang panggiik na kareta,+ isang bagong kasangkapang panggiik na may mga ngiping doble ang talim. Yuyurakan mo ang mga bundok at dudurugin ang mga iyon; at ang mga burol ay gagawin mong gaya lamang ng ipa.+ 16  Tatahipin+ mo sila, at isang hangin ang tatangay sa kanila,+ at isang buhawi ang magtataboy sa kanila sa iba’t ibang dako.+ At ikaw ay magagalak kay Jehova.+ Dahil sa Banal ng Israel ay ipaghahambog mo ang iyong sarili.”+ 17  “Ang mga napipighati at ang mga dukha ay naghahanap ng tubig,+ ngunit wala nga. Dahil sa uhaw+ ay natuyo ang kanila mismong dila.+ Ako mismo, si Jehova, ang sasagot sa kanila.+ Ako, ang Diyos ng Israel, ay hindi magpapabaya sa kanila.+ 18  Sa mga hantad na burol ay magbubukas ako ng mga ilog, at sa gitna ng mga kapatagang libis, mga bukal.+ Ang ilang ay gagawin kong matambong lawa ng tubig, at ang lupaing walang tubig ay mga dakong binubukalan ng tubig.+ 19  Sa ilang ay ilalagay ko ang punong sedro, ang akasya at ang mirto at ang puno ng langis.+ Sa disyertong kapatagan ay ilalagay ko ang puno ng enebro, ang fresno at ang sipres nang magkakasabay;+ 20  upang ang mga tao ay makakita at makaalam at magbigay ng pansin at magkaroon ng kaunawaan nang magkakasabay, na ang mismong kamay ni Jehova ang gumawa nito, at ang Banal ng Israel ang siyang lumalang nito.”+ 21  “Iharap ninyo ang inyong usaping ipinakikipagtalo,”+ ang sabi ni Jehova. “Ilabas ninyo ang inyong mga argumento,”+ ang sabi ng Hari ng Jacob.+ 22  “Ilabas ninyo at sabihin sa amin ang mga bagay na mangyayari. Ang mga unang bagay—kung ano ang mga iyon—sabihin ninyo, upang maituon namin ang aming puso at malaman ang kinabukasan ng mga iyon. O iparinig ninyo sa amin ang mga bagay na darating.+ 23  Sabihin ninyo ang mga bagay na darating pagkatapos, upang malaman namin na kayo ay mga diyos.+ Oo, dapat kayong gumawa ng mabuti o gumawa ng masama, upang aming mapagmasdan at makita rin iyon.+ 24  Narito! Kayo ay bagay na di-umiiral, at ang inyong nagawa ay walang anuman.+ Karima-rimarim ang sinumang pumipili sa inyo.+ 25  “Ako ay may isang pinukaw mula sa hilaga, at siya ay darating.+ Mula sa sikatan ng araw+ ay tatawag siya sa aking pangalan. At darating siya sa mga kinatawang tagapamahala na waring sila ay luwad+ at gaya ng magpapalayok na yumuyurak sa putik. 26  “Sino ang nakapagsabi ng anumang bagay mula sa pasimula, upang malaman namin, o mula noong mga panahong nakalipas, upang masabi namin, ‘Tama siya’?+ Talagang walang sinumang nagsasabi. Talagang walang sinumang nagpaparinig. Talagang walang sinumang nakaririnig sa anumang pananalita ninyo.”+ 27  May isang nauna, na nagsasabi sa Sion: “Narito! Narito sila!”+ at sa Jerusalem ay magbibigay ako ng isang tagapagdala ng mabuting balita.+ 28  At patuloy akong tumingin, at wala ni isa mang tao; at sa mga ito ay wala ring sinumang nagbibigay ng payo.+ At patuloy ko silang tinatanong, upang sila ay makasagot. 29  Narito! Silang lahat ay bagay na di-umiiral. Ang kanilang mga gawa ay walang anuman. Ang kanilang mga binubong imahen ay hangin at kabulaanan.+

Talababa