Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online

BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Isaias 4:1-6

4  At pitong babae ang susunggab nga sa isang lalaki sa araw na iyon,+ na sinasabi: “Kami ay kakain ng aming sariling tinapay at magbibihis ng aming sariling mga balabal; tawagin lamang sana kami sa iyong pangalan upang maalis ang aming kadustaan.”+  Sa araw na iyon ang pasisibulin ni Jehova+ ay magiging kagayakan at kaluwalhatian,+ at ang bunga ng lupain ay magiging isang bagay na maipagmamalaki+ at isang bagay na maganda para roon sa mga nagmula sa Israel na nakatakas.+  At mangyayari nga na yaong mga nalalabi sa Sion at yaong mga natitira sa Jerusalem ay sasabihing banal sa kaniya,+ ang lahat ng nakasulat ukol sa buhay sa Jerusalem.+  Kapag nahugasan na ni Jehova ang dumi ng mga anak na babae ng Sion+ at papalisin+ niya ang pagbububo ng dugo+ ng Jerusalem mula sa loob nito sa pamamagitan ng espiritu ng paghatol at sa pamamagitan ng espiritu ng pagsunog,+  tiyak na lalalangin din ni Jehova sa ibabaw ng bawat tatag na dako ng Bundok Sion+ at sa ibabaw ng kaniyang dako ng pagtitipon ang isang ulap kapag araw at ang isang usok, at ang liwanag ng nagliliyab na apoy+ kapag gabi;+ sapagkat sa ibabaw ng lahat ng kaluwalhatian ay magkakaroon ng isang silungan.+  At magkakaroon ng isang kubol na siyang lilim kapag araw laban sa tuyong init,+ at kanlungan at taguang dako sa bagyong maulan at sa pagpatak ng ulan.+

Talababa