Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online

BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Isaias 39:1-8

39  Nang panahong iyon ay nagpadala si Merodac-baladan+ na anak ni Baladan na hari ng Babilonya+ ng mga liham at ng isang kaloob+ kay Hezekias, pagkarinig niya na ito ay nagkasakit ngunit lumakas nang muli.+  Kaya si Hezekias ay nagsimulang magsaya dahil sa kanila+ at ipinakita sa kanila ang kaniyang imbakang-yaman,+ ang pilak at ang ginto at ang langis ng balsamo+ at ang mainam na langis at ang kaniyang buong taguan ng mga armas+ at ang lahat ng masusumpungan sa kaniyang kabang-yaman. Walang anumang bagay na hindi ipinakita sa kanila ni Hezekias sa kaniyang sariling bahay+ at sa kaniyang buong pamunuan.+  Pagkatapos nito ay pumaroon si Isaias na propeta kay Haring Hezekias at sinabi sa kaniya:+ “Ano ang sinabi ng mga lalaking ito, at saan sila nanggaling bago pumarito sa iyo?” Kaya sinabi ni Hezekias: “Pumarito sila sa akin mula sa isang malayong lupain, mula sa Babilonya.”+  At sinabi pa niya: “Ano ang nakita nila sa iyong bahay?”+ Dito ay sinabi ni Hezekias: “Ang lahat ng nasa aking bahay ay nakita nila. Wala akong hindi ipinakita sa kanila sa aking kabang-yaman.”  At sinabi ni Isaias kay Hezekias:+ “Dinggin mo ang salita ni Jehova ng mga hukbo,  ‘Narito! Ang mga araw ay dumarating, at ang lahat ng nasa iyong sariling bahay at inimbak ng iyong mga ninuno hanggang sa araw na ito ay dadalhin nga sa Babilonya.’+ ‘Walang anumang maiiwan,’+ ang sabi ni Jehova.  ‘At ang ilan sa sarili mong mga anak na manggagaling sa iyo, na ipanganganak sa iyo, ay kukunin+ at magiging mga opisyal nga ng korte+ sa palasyo ng hari ng Babilonya.’ ”+  Sa gayon ay sinabi ni Hezekias kay Isaias: “Ang salita ni Jehova na sinalita mo ay mabuti.”+ At sinabi pa niya: “Sapagkat ang kapayapaan at katotohanan+ ay magpapatuloy sa aking sariling mga araw.”+

Talababa