Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online

BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Isaias 35:1-10

35  Ang ilang at ang pook na walang tubig ay magbubunyi,+ at ang disyertong kapatagan ay magagalak at mamumulaklak na gaya ng safron.+  Iyon ay walang pagsalang mamumulaklak,+ at talagang magagalak iyon na may kagalakan at may hiyaw ng katuwaan.+ Ang kaluwalhatian ng Lebanon ay ibibigay roon,+ ang karilagan ng Carmel+ at ng Saron.+ May mga makakakita sa kaluwalhatian ni Jehova,+ sa karilagan ng ating Diyos.+  Palakasin ninyo ang mahihinang kamay, at patatagin ninyo ang mga tuhod na nangangatog.+  Sabihin ninyo sa mga may pusong nababalisa:+ “Magpakalakas kayo.+ Huwag kayong matakot.+ Narito! Ang inyong Diyos ay darating na may paghihiganti,+ ang Diyos taglay ang kagantihan.+ Siya ay darating at magliligtas sa inyo.”+  Sa panahong iyon ay madidilat ang mga mata ng mga bulag,+ at ang mga tainga ng mga bingi ay mabubuksan.+  Sa panahong iyon ay aakyat ang pilay na gaya ng lalaking usa,+ at ang dila ng pipi ay hihiyaw sa katuwaan.+ Sapagkat sa ilang ay bubukal ang tubig, at ang mga ilog sa disyertong kapatagan.  At ang lupang tigang sa init ay magiging gaya ng matambong lawa, at ang lupang uháw ay magiging gaya ng mga bukal ng tubig.+ Sa dakong tinatahanan ng mga chakal,+ na siyang kanilang pahingahang-dako, ay magkakaroon ng luntiang damo kasama ng mga tambo at mga halamang papiro.+  At magkakaroon nga roon ng isang lansangang-bayan,+ isa ngang daan; at iyon ay tatawaging Daan ng Kabanalan.+ Ang marumi ay hindi daraan doon.+ At iyon ay magiging para sa kaniya na lumalakad sa daan, at walang mangmang na maliligaw roon.  Hindi magkakaroon doon ng leon, at ang ganid na uri ng mababangis na hayop ay hindi sasampa roon.+ Walang masusumpungan doon;+ at ang mga tinubos ay doon lalakad.+ 10  At ang mismong mga tinubos ni Jehova ay babalik+ at paroroon nga sa Sion na may hiyaw ng kagalakan;+ at ang pagsasaya hanggang sa panahong walang takda ay mapapasakanilang ulo.+ Ang pagbubunyi at pagsasaya ay makakamtan nila, at ang pamimighati at pagbubuntunghininga ay mapaparam.+

Talababa