Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online

BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Isaias 33:1-24

33  Sa aba mo na nananamsam, na hindi ka naman sinasamsaman, at sa iyo na nakikitungo nang may kataksilan, gayong hindi ka naman pinakikitunguhan nang may kataksilan!+ Kapag natapos ka na bilang mananamsam, ikaw ay sasamsaman.+ Kapag nagawa mo nang makitungo nang may kataksilan, makikitungo sila sa iyo nang may kataksilan.+  O Jehova, pagpakitaan mo kami ng lingap.+ Sa iyo kami umaasa.+ Maging bisig+ ka namin sa bawat umaga,+ oo, ang aming kaligtasan sa panahon ng kabagabagan.+  Sa ingay ng kaguluhan ay tumakas ang mga bayan.+ Sa iyong pagbangon ay nangalat ang mga bansa.+  At ang samsam+ ninyo ay titipunin ngang gaya ng mga ipis kapag nagtitipon, gaya ng pagdaluhong ng mga kulupon ng balang na dumadaluhong laban sa isa.+  Si Jehova ay tiyak na matatanyag,+ sapagkat tumatahan siya sa kaitaasan.+ Pupunuin niya ang Sion ng katarungan at katuwiran.+  At ang pagiging mapagkakatiwalaan ng iyong mga panahon ay magsisilbing saganang kaligtasan+—karunungan at kaalaman,+ ang pagkatakot kay Jehova,+ na siyang kayamanan niya.  Narito! Ang kanila mismong mga bayani ay sumisigaw sa lansangan; ang mismong mga mensahero ng kapayapaan+ ay tatangis nang may kapaitan.  Ang mga lansangang-bayan ay itiniwangwang;+ ang dumaraan sa landas ay naglaho.+ Sinira niya ang tipan;+ kinasuklaman niya ang mga lunsod;+ hindi niya pinahalagahan ang taong mortal.+  Ang lupain ay nagdalamhati, natuyot.+ Ang Lebanon ay nalito;+ iyon ay nabulok. Ang Saron+ ay naging gaya ng disyertong kapatagan; at ang Basan at ang Carmel ay nagpapagpag ng kanilang mga dahon.+ 10  “Ngayon ay titindig ako,”+ sabi ni Jehova, “ngayon ay dadakilain ko ang aking sarili;+ ngayon ay itataas ko ang aking sarili.+ 11  Naglilihi kayo ng tuyong damo;+ manganganak kayo ng pinaggapasan. Ang inyong espiritu, gaya ng apoy,+ ang lalamon sa inyo.+ 12  At ang mga bayan ay magiging gaya ng mga pinagsunugan ng apog. Gaya ng mga tinik na pinutol, sila ay palalagablabin sa apoy.+ 13  Dinggin ninyong mga nasa malayo kung ano ang gagawin ko!+ At kilalanin ninyong mga nasa malapit ang aking kalakasan.+ 14  Sa Sion ay nanghihilakbot ang mga makasalanan;+ pinanaigan ng pangangatog ang mga apostata:+ ‘Sino sa atin ang makatatahan nang kahit sandali kung may apoy na lumalamon?+ Sino sa atin ang makatatahan nang kahit sandali kung may namamalaging mga ningas?’+ 15  “May isa na lumalakad sa namamalaging katuwiran+ at nagsasalita ng bagay na matuwid,+ na nagtatakwil ng di-tapat na pakinabang na galing sa mga pandaraya,+ na nagpapagpag ng kaniyang mga kamay sa pagkuha ng suhol,+ na nagtatakip ng kaniyang tainga sa pakikinig sa pagbububo ng dugo, at nagpipikit ng kaniyang mga mata upang hindi makakita ng kasamaan.+ 16  Siya ang tatahan sa mga kaitaasan;+ ang kaniyang magiging matibay na kaitaasan ay mga dakong mabato na mahirap puntahan.+ Ang kaniyang tinapay ay tiyak na mabibigay sa kaniya;+ ang kaniyang laang tubig ay di-kakapusin.”+ 17  Isang hari sa kaniyang kakisigan ang siyang mamamasdan ng iyong mga mata;+ makikita nila ang isang lupain sa malayo.+ 18  Ang iyong puso ay pabulong+ na sasambit tungkol sa isang nakatatakot na bagay: “Nasaan ang kalihim? Nasaan ang tagapagbayad?+ Nasaan ang bumibilang ng mga tore?”+ 19  Wala kang makikitang bayan na di-nagpapakundangan, isang bayan na napakalalim ng wika upang pakinggan, na may dilang nauutal na hindi mo maunawaan.+ 20  Masdan mo ang Sion,+ ang bayan ng ating mga kapistahan!+ Makikita ng iyong sariling mga mata ang Jerusalem bilang isang tahimik na tinatahanang dako, isang tolda na hindi ililigpit ninuman.+ Hindi kailanman mabubunot ang mga pantoldang tulos nito, at walang isa man sa mga lubid nito ang mapapatid.+ 21  Kundi doon ang Isa na Maringal,+ si Jehova, ay magiging isang dako ng mga ilog para sa atin,+ ng mga kanal na maluluwang. Doon ay walang pangkat ng mga barko ang paroroon, at walang maringal na barko ang tatawid doon. 22  Sapagkat si Jehova ang ating Hukom,+ si Jehova ang ating Tagapagbigay-batas,+ si Jehova ang ating Hari;+ siya ang magliligtas sa atin.+ 23  Ang iyong mga lubid ay makakalag; ang kanilang palo ay hindi nila maitatayong matatag; hindi sila naglaladlad ng layag. Sa panahong iyon ay paghahati-hatian nga ang maraming samsam; ang mga pilay mismo ay kukuha ng maraming bagay na madarambong.+ 24  At walang sinumang tumatahan ang magsasabi: “Ako ay may sakit.”+ Ang bayan na mananahanan sa lupain ay yaong mga pinagpaumanhinan sa kanilang kamalian.+

Talababa