Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online

BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Isaias 3:1-26

3  Sapagkat, narito! ang tunay na Panginoon,+ si Jehova ng mga hukbo, ay nag-aalis sa Jerusalem+ at sa Juda ng panustos at ng tukod, ng buong panustos na tinapay at ng buong panustos na tubig,+  ng makapangyarihang lalaki at mandirigma, ng hukom at propeta,+ at ng manghuhula at matandang lalaki,+  ng pinuno ng lima-limampu+ at taong lubhang iginagalang at tagapayo at dalubhasa sa mga sining ng mahika, at ng dalubhasang engkantador.+  At mga batang lalaki nga ang gagawin kong kanilang mga prinsipe, at di-makatuwirang kapangyarihan ang mamamahala sa kanila.+  At sisiilin nga ng mga tao ang isa’t isa, ng bawat isa ang kaniyang kapuwa.+ Sila ay sasalakay, ang batang lalaki laban sa matandang lalaki,+ at ang itinuturing na mababa laban sa isang dapat parangalan.+  Sapagkat ang bawat isa ay hahawak sa kaniyang kapatid na lalaki sa bahay ng kaniyang ama, na sinasabi: “Mayroon kang balabal. Dapat kang maging diktador+ sa amin, at ang ibinagsak na karamihang ito ay dapat na mapasailalim ng iyong kamay.”  Ilalakas niya ang kaniyang tinig sa araw na iyon, na sinasabi: “Hindi ako magiging manggagamot ng sugat; at sa aking bahay ay walang tinapay ni balabal. Huwag ninyo akong gawing diktador ng bayan.”  Sapagkat ang Jerusalem ay nabuwal, at ang Juda ay bumagsak,+ sapagkat ang kanilang dila at ang kanilang mga pakikitungo ay laban kay Jehova,+ sa paggawi nang mapaghimagsik sa paningin ng kaniyang kaluwalhatian.+  Ang mismong anyo ng kanilang mga mukha ay nagpapatotoo nga laban sa kanila,+ at ang kanilang kasalanang gaya ng sa Sodoma ay inihahayag ng mga iyon.+ Hindi nila iyon itinatago. Sa aba ng kanilang kaluluwa! Sapagkat nagdulot sila ng kapahamakan sa kanilang sarili.+ 10  Sabihin ninyo na mapapabuti ang matuwid,+ sapagkat kakainin nila ang mismong bunga ng kanilang mga pakikitungo.+ 11  Sa aba ng balakyot!—Kapahamakan; sapagkat ang pakikitungo na ginawa ng kaniyang sariling mga kamay ay gagawin sa kaniya!+ 12  Kung tungkol sa aking bayan, ang mga tagapagbigay-atas nito ay nakikitungo nang may kabagsikan, at mga babae lamang ang namamahala rito.+ O bayan ko, inililigaw ka niyaong mga umaakay sa iyo,+ at ang daan ng iyong mga landas ay kanilang ginulo.+ 13  Si Jehova ay tumatayo upang makipaglaban at nakatayo upang maglapat ng hatol sa mga bayan.+ 14  Si Jehova ay papasok upang hatulan ang matatanda sa kaniyang bayan at ang mga prinsipe nito.+ “At kayo ang sumunog sa ubasan. Ang ninakaw sa napipighati ay nasa inyong mga bahay.+ 15  Ano ang ibig ninyong sabihin anupat dinudurog ninyo ang aking bayan, at ginigiling ninyo ang mismong mga mukha ng mga napipighati?”+ ang sabi ng Soberanong Panginoon, si Jehova ng mga hukbo. 16  At sinasabi ni Jehova: “Sa dahilang ang mga anak na babae ng Sion ay nagpalalo at sila ay lumalakad na unat ang kanilang mga leeg at itinitingin nang mapang-akit ang kanilang mga mata, sila ay lumalakad nang patiyad, at sa pamamagitan ng kanilang mga paa ay nagpapakalansing sila,+ 17  paglalangibin nga ni Jehova ang tuktok ng ulo ng mga anak na babae ng Sion,+ at ihahantad ni Jehova ang kanila mismong noo.+ 18  Sa araw na iyon ay aalisin ni Jehova ang kagandahan ng mga pulseras sa paa at ng mga pamigkis sa ulo at ng mga palamuting hugis-buwan,+ 19  ang mga palawit sa tainga at ang mga pulseras at ang mga talukbong,+ 20  ang mga putong at ang mga kadenilya sa paa at ang mga pamigkis sa dibdib+ at ang ‘mga bahay ng kaluluwa’ at ang mga palamuting kabibi na humihiging,+ 21  ang mga singsing sa daliri at ang mga singsing sa ilong,+ 22  ang mariringal na kasuutan at ang mga pang-ibabaw na tunika at ang mga balabal at ang mga supot, 23  at ang mga salaming pangkamay+ at ang mga pang-ilalim na kasuutan at ang mga turbante+ at ang malalaking talukbong.+ 24  “At mangyayari nga na sa halip na langis ng balsamo+ ay magkakaroon lamang ng amoy-amag; at sa halip na sinturon, lubid; at sa halip na maarteng ayos ng buhok, pagkakalbo;+ sa halip na isang marangyang kasuutan, pagbibigkis ng telang-sako;+ isang herong tanda+ sa halip na kariktan. 25  Sa pamamagitan ng tabak ay mabubuwal ang iyong mga lalaki, at ang iyong kalakasan naman sa pamamagitan ng digmaan.+ 26  At ang kaniyang mga pasukan ay magdadalamhati+ at mamimighati, at lubusan siyang aalisan ng laman. Uupo siya sa mismong lupa.”+

Talababa