Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online

BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Isaias 27:1-13

27  Sa araw na iyon si Jehova,+ taglay ang kaniyang matigas at malaki at matibay na tabak,+ ay magbabaling ng kaniyang pansin sa Leviatan,+ ang umuusad na serpiyente,+ sa Leviatan nga, ang likong serpiyente, at tiyak na papatayin niya ang dambuhalang hayop-dagat+ na nasa dagat.  Sa araw na iyon ay umawit kayo sa kaniya:+ “Isang ubasan+ ng alak na bumubula!  Akong si Jehova ang nag-iingat sa kaniya.+ Sa bawat sandali ay didiligin ko siya.+ Upang walang sinumang magbaling ng kaniyang pansin laban sa kaniya, iingatan ko siya maging sa gabi’t araw.+  Walang pagngangalit ang sumasaakin.+ Sino ang magbibigay sa akin ng mga tinikang-palumpong+ at mga panirang-damo sa pagbabaka? Tatapakan ko ang mga iyon. Ang mga iyon ay magkasabay kong sisilaban.+  Kung hindi ay tumangan siya sa aking moog, makipagpayapaan siya sa akin; ang pakikipagpayapaan sa akin ay gawin niya.”+  Sa mga araw na dumarating ay mag-uugat ang Jacob, ang Israel+ ay mamumulaklak at magsisibol nga; at talagang pupunuin nila ng bunga ang ibabaw ng mabungang lupain.+  Dapat ba siyang saktan ng sugat na gaya niyaong nagmula sa isang nananakit sa kaniya? O dapat ba siyang patayin na gaya ng pagpaslang sa mga napatay sa kaniya?+  Kasabay ng panakot na sigaw ay makikipaglaban ka rito kapag ito ay payayaunin. Patatalsikin niya ito ng kaniyang bugso, yaon ngang matindi sa araw ng hanging silangan.+  Kaya sa ganitong paraan ay ipagbabayad-sala ang kamalian ng Jacob,+ at ito ang buong bunga kapag inalis niya ang kaniyang kasalanan,+ kapag ang lahat ng mga bato ng altar ay ginawa niyang parang mga batong yeso na pinulbos, anupat ang mga sagradong poste+ at ang mga patungan ng insenso ay hindi na matatayo.+ 10  Sapagkat ang nakukutaang lunsod ay mag-iisa, ang pastulan ay iiwan at pababayaang gaya ng ilang.+ Doon manginginain ang guya, at doon iyon hihiga; at uubusin nga niya ang mga sanga nito.+ 11  Kapag natuyo na ang mumunting sanga nito, ang mga iyon ay babaliin ng mga babae na pumaparoon, at sisindihan ang mga iyon.+ Sapagkat hindi ito bayan na may matalas na unawa.+ Kaya naman hindi ito pagpapakitaan ng awa ng kaniyang Maylikha, at hindi ito pagpapakitaan ng lingap ng kaniyang Tagapag-anyo.+ 12  At mangyayari nga na sa araw na iyon ay lalagasin ni Jehova ang bunga,+ mula sa umaagos na daloy ng Ilog+ hanggang sa agusang libis ng Ehipto,+ at gayon kayo kukuning isa-isa,+ O mga anak ni Israel. 13  At mangyayari nga na sa araw na iyon ay hihipan ang isang malaking tambuli,+ at yaong mga napapahamak sa lupain ng Asirya+ at yaong mga nakapanabog sa lupain ng Ehipto+ ay tiyak na darating at yuyukod+ kay Jehova sa banal na bundok sa Jerusalem.+

Talababa