Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online

BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Isaias 26:1-21

26  Sa araw na iyon+ ay aawitin ang awit+ na ito sa lupain ng Juda:+ “Mayroon kaming matibay na lunsod.+ Itinatalaga niya ang kaligtasan bilang mga pader at muralya.+  Buksan ninyo ang mga pintuang-daan+ upang makapasok ang matuwid na bansa na nag-iingat ng tapat na paggawi.+  Ang hilig na lubos na nasusuhayan ay iingatan mo sa namamalaging kapayapaan,+ sapagkat sa iyo nagtitiwala ang isang iyon.+  Magtiwala kayo kay Jehova+ sa habang panahon, sapagkat nasa kay Jah Jehova ang Bato+ ng mga panahong walang takda.  “Sapagkat ibinuwal niya yaong mga tumatahan sa kaitaasan,+ ang mataas na bayan.+ Ibinababa niya iyon, ibinababa niya iyon sa lupa; idinidikit niya iyon sa alabok.+  Yuyurakan iyon ng paa, ng mga paa niyaong napipighati, ng mga yapak ng mga maralita.”+  Ang landas ng matuwid ay katapatan.+ Yamang matapat ka, papatagin mo ang mismong landasin ng matuwid.+  Oo, dahil sa landas ng iyong mga kahatulan, O Jehova, umaasa kami sa iyo.+ Ang iyong pangalan at ang iyong pinakaalaala+ ay siyang pagnanasa ng kaluluwa.+  Ninasa kita ng aking kaluluwa sa gabi;+ oo, ang aking espiritu sa loob ko ay patuloy na humahanap sa iyo;+ sapagkat, kapag may mga kahatulan mula sa iyo para sa lupa,+ katuwiran+ ang siyang matututuhan ng mga tumatahan sa mabungang lupain.+ 10  Pagpakitaan man ng lingap ang balakyot, hindi rin siya matututo ng katuwiran.+ Sa lupain ng katapatan ay gagawi siya nang walang katarungan+ at hindi niya makikita ang karilagan ni Jehova.+ 11  O Jehova, ang iyong kamay ay naging mataas,+ ngunit hindi nila iyon namamasdan.+ Kanilang mamamasdan at mapapahiya+ sila dahil sa sigasig sa iyong bayan. Oo, ang mismong apoy+ para sa iyong mga kalaban ang lalamon sa kanila. 12  O Jehova, maglalapat ka ng kapayapaan sa amin,+ sapagkat maging ang lahat ng aming mga gawa ay isinagawa mo para sa amin.+ 13  O Jehova na aming Diyos, ang ibang mga panginoon bukod sa iyo ay nagmay-ari sa amin.+ Sa pamamagitan mo lamang namin mababanggit ang iyong pangalan.+ 14  Sila ay patay; hindi sila mabubuhay.+ Palibhasa’y inutil sa kamatayan,+ hindi sila babangon.+ Kaya ibinaling mo ang iyong pansin upang malipol mo sila at mapawi ang lahat ng pagbanggit sa kanila.+ 15  Dinagdagan mo ang bansa; O Jehova, dinagdagan mo ang bansa;+ niluwalhati mo ang iyong sarili.+ Pinalawak mo ang lahat ng mga hanggahan ng lupain.+ 16  O Jehova, sa panahon ng kabagabagan ay ibinaling nila sa iyo ang kanilang pansin;+ sila ay nagbuhos ng bulong na panalangin nang tumanggap sila ng iyong disiplina.+ 17  Gaya ng babaing nagdadalang-tao na malapit nang manganak, na may mga kirot ng pagdaramdam, na humihiyaw dahil sa mga hapdi ng kaniyang panganganak, nagkagayon nga kami dahil sa iyo, O Jehova.+ 18  Nagdalang-tao kami, nagkaroon kami ng mga kirot ng pagdaramdam;+ gayunman, nanganak kami ng hangin. Wala kaming naisasagawang tunay na pagliligtas kung tungkol sa lupain,+ at walang tumatahan sa mabungang lupain ang nahuhulog upang maipanganak.+ 19  “Ang iyong mga patay ay mabubuhay.+ Ang isang bangkay ko—sila ay babangon.+ Gumising kayo at humiyaw nang may kagalakan, kayong mga tumatahan sa alabok!+ Sapagkat ang iyong hamog+ ay gaya ng hamog ng mga malva,+ at maging yaong mga inutil sa kamatayan ay palalaglagin ng lupa upang maipanganak.+ 20  “Yumaon ka, bayan ko, pumasok ka sa iyong mga loobang silid, at isara mo ang iyong mga pinto sa likuran mo.+ Magtago ka nang sandali hanggang sa makaraan ang pagtuligsa.+ 21  Sapagkat, narito! si Jehova ay lumalabas mula sa kaniyang dako upang hingan ng sulit ang kamalian ng tumatahan sa lupain laban sa kaniya,+ at tiyak na ilalantad ng lupain ang kaniyang pagbububo ng dugo+ at hindi na tatakpan ang mga napatay sa kaniya.”+

Talababa