Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online

BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Isaias 25:1-12

25  O Jehova, ikaw ang aking Diyos.+ Dinadakila kita,+ pinupuri ko ang iyong pangalan,+ sapagkat gumawa ka ng mga kamangha-manghang bagay,+ mga pasiya+ mula noong unang mga panahon, sa katapatan,+ sa pagiging mapagkakatiwalaan.+  Sapagkat ang lunsod ay ginawa mong bunton ng mga bato, ang nakukutaang bayan naman ay gumuguhong kagibaan, isang tirahang tore ng mga taga-ibang bayan na hindi na magiging lunsod, na hindi itatayong muli maging hanggang sa panahong walang takda.+  Kaya nga luluwalhatiin ka niyaong isang malakas na bayan; ang bayan ng mapaniil na mga bansa, matatakot sila sa iyo.+  Sapagkat ikaw ay naging moog sa maralita, moog sa dukha sa kaniyang kabagabagan,+ kanlungan sa bagyong maulan, lilim+ sa init, kapag ang bugso ng mga mapaniil ay parang bagyong maulan laban sa isang pader.  Gaya ng init sa lupaing walang tubig, ang ingay ng mga taga-ibang bayan ay sinusupil mo, ang init sa pamamagitan ng lilim ng ulap.+ Ang mismong awitin ng mga mapaniil ay natitigil.+  At si Jehova ng mga hukbo ay tiyak na gagawa para sa lahat ng mga bayan,+ sa bundok+ na ito, ng isang piging ng mga putaheng malangis,+ isang piging ng alak na pinanatili sa latak, ng mga putaheng malangis na punô ng utak sa buto,+ ng alak+ na pinanatili sa latak, sinala.+  At sa bundok na ito ay tiyak na lalamunin niya ang mukha ng balot na bumabalot sa lahat ng mga bayan,+ at ang gawang hinabi na nakahabi sa lahat ng mga bansa.  Lalamunin niya ang kamatayan magpakailanman,+ at tiyak na papahirin ng Soberanong Panginoong Jehova ang mga luha mula sa lahat ng mukha.+ At ang kadustaan ng kaniyang bayan ay aalisin niya mula sa buong lupa,+ sapagkat si Jehova mismo ang nagsalita nito.  At sa araw na iyon ay tiyak na may magsasabi: “Narito! Ito ang ating Diyos.+ Umaasa tayo sa kaniya,+ at ililigtas niya tayo.+ Ito si Jehova.+ Umaasa tayo sa kaniya. Tayo ay magalak at magsaya sa kaniyang pagliligtas.”+ 10  Sapagkat ang kamay ni Jehova ay mananatili sa bundok na ito,+ at ang Moab ay yuyurakan+ sa kinaroroonan nito kung paanong ang bunton ng dayami ay niyuyurakan sa tapunan ng dumi.+ 11  At itatampal niya ang kaniyang mga kamay sa gitna nito gaya ng pagtampal ng manlalangoy upang makalangoy, at ibababa niya ang kapalaluan+ nito sa pamamagitan ng mapanlinlang na mga galaw ng kaniyang mga kamay. 12  At ang nakukutaang lunsod, kasama ng iyong matataas na tanggulang pader, ay ibubuwal niya; ibababa niya iyon, ilulugmok niya sa lupa, sa alabok.+

Talababa