Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online

BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Isaias 20:1-6

20  Nang taóng dumating si Tartan+ sa Asdod,+ nang isugo siya ni Sargon na hari ng Asirya,+ at siya ay nakipagdigma laban sa Asdod at binihag ito;+  nang panahong iyon ay nagsalita si Jehova sa pamamagitan ng kamay ni Isaias na anak ni Amoz,+ na sinasabi: “Yumaon ka,+ at kalagin mo ang telang-sako mula sa iyong mga balakang;+ at ang iyong mga sandalyas ay alisin mo mula sa iyong mga paa.”+ At gayon ang ginawa niya, na lumalakad nang hubad at nakatapak.+  At si Jehova ay nagsabi: “Kung paanong ang aking lingkod na si Isaias ay lumalakad nang hubad at nakatapak nang tatlong taon bilang isang tanda+ at isang palatandaan laban sa Ehipto+ at laban sa Etiopia,+  gayon dadalhin ng hari ng Asirya ang kalipunan ng mga bihag ng Ehipto+ at ang mga tapon ng Etiopia, mga batang lalaki at matatandang lalaki, na hubad at nakatapak, at ang mga pigi ay hinubuan, ang kahubaran ng Ehipto.+  At tiyak na masisindak sila at ikahihiya nila ang Etiopia na kanilang pinananaligang pag-asa+ at ang Ehipto na kanilang kagandahan.+  At ang tumatahan sa baybaying lupaing ito ay tiyak na magsasabi sa araw na iyon, ‘Gayon ang kalagayan ng ating pinananaligang pag-asa, na patungo roon ay tumakas tayo upang magpatulong, upang maligtas dahil sa hari ng Asirya!+ At paano tayo makatatakas?’ ”

Talababa