Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online | BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Isaias 12:1-6

12  At sa araw na iyon+ ay tiyak na sasabihin mo: “Pasasalamatan kita, O Jehova, sapagkat bagaman nagalit ka sa akin, ang iyong galit ay napawi sa kalaunan,+ at inaliw mo ako.+  Narito! Ang Diyos ay aking kaligtasan.+ Ako ay magtitiwala at hindi manghihilakbot;+ sapagkat si Jah Jehova ay aking lakas+ at aking kalakasan,+ at siya ay naging kaligtasan ko.”+  May-pagbubunying sasalok nga kayo ng tubig mula sa mga bukal ng kaligtasan.+  At sa araw na iyon ay tiyak na sasabihin ninyo: “Magpasalamat kayo kay Jehova!+ Tumawag kayo sa kaniyang pangalan.+ Ihayag ninyo sa gitna ng mga bayan ang kaniyang mga ginagawa.+ Banggitin ninyo na ang kaniyang pangalan ay natanyag.+  Umawit kayo kay Jehova,+ sapagkat siya ay gumawa ng mga dakilang bagay.+ Ito ay inihahayag sa buong lupa.  “Humiyaw ka nang malakas at sumigaw sa kagalakan, O ikaw na babaing tumatahan sa Sion, sapagkat sa iyong gitna ay dakila ang Banal ng Israel.”+

Talababa