Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online

BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Isaias 11:1-16

11  At lalabas ang isang maliit na sanga+ mula sa tuod ni Jesse;+ at mula sa kaniyang mga ugat ay magiging mabunga+ ang isang sibol.+  At sasakaniya ang espiritu ni Jehova,+ ang espiritu ng karunungan+ at ng pagkaunawa,+ ang espiritu ng payo at ng kalakasan,+ ang espiritu ng kaalaman+ at ng pagkatakot kay Jehova;+  at magkakaroon siya ng kasiyahan sa pagkatakot kay Jehova.+ At hindi siya hahatol ayon lamang sa nakita ng kaniyang mga mata, ni sasaway man ayon lamang sa narinig ng kaniyang mga tainga.+  At sa katuwiran ay hahatulan niya ang mga maralita,+ at sa katapatan ay sasaway siya alang-alang sa maaamo sa lupa. At sasaktan niya ang lupa sa pamamagitan ng tungkod ng kaniyang bibig;+ at sa pamamagitan ng espiritu ng kaniyang mga labi ay papatayin niya ang balakyot.+  At katuwiran ang magiging sinturon ng kaniyang baywang,+ at katapatan ang sinturon ng kaniyang mga balakang.+  At ang lobo ay tatahan ngang sandali kasama ng lalaking kordero,+ at ang leopardo ay hihigang kasama ng batang kambing, at ang guya at ang may-kilíng na batang leon+ at ang patabaing hayop ay magkakasamang lahat;+ at isang munting bata lamang ang mangunguna sa kanila.  At ang baka at ang oso ay manginginain; ang kanilang mga anak ay magkakasamang hihiga. At maging ang leon ay kakain ng dayami gaya ng toro.+  At ang batang sumususo ay maglalaro sa lungga ng kobra;+ at sa siwang ng liwanag ng makamandag na ahas ay ilalagay nga ng batang inawat sa suso ang kaniyang kamay.  Hindi sila mananakit+ o maninira man sa aking buong banal na bundok;+ sapagkat ang lupa ay tiyak na mapupuno ng kaalaman kay Jehova gaya ng tubig na tumatakip sa dagat.+ 10  At mangyayari sa araw na iyon+ na magkakaroon ng ugat ni Jesse+ na tatayo bilang isang hudyat para sa mga bayan.+ Sa kaniya ay babaling ang mga bansa upang mag-usisa,+ at ang kaniyang pahingahang-dako ay magiging maluwalhati.+ 11  At mangyayari sa araw na iyon na muling iaabot ni Jehova ang kaniyang kamay, sa ikalawang pagkakataon,+ upang kunin ang nalabi ng kaniyang bayan na malalabi mula sa Asirya+ at mula sa Ehipto+ at mula sa Patros+ at mula sa Cus+ at mula sa Elam+ at mula sa Sinar+ at mula sa Hamat at mula sa mga pulo sa dagat.+ 12  At siya ay tiyak na magtataas ng isang hudyat para sa mga bansa at titipunin niya ang mga nanabog mula sa Israel;+ at ang mga nangalat mula sa Juda ay pipisanin niya mula sa apat na dulo ng lupa.+ 13  At ang paninibugho ng Efraim ay maaalis,+ at maging yaong mga napopoot sa Juda ay lilipulin. Ang Efraim ay hindi maninibugho sa Juda, ni ang Juda man ay mapopoot sa Efraim.+ 14  At sila ay lilipad sa balikat ng mga Filisteo sa dakong kanluran;+ magkasama silang mandarambong sa mga anak ng Silangan.+ Sa Edom at sa Moab ay iuunat nila ang kanilang kamay,+ at ang mga anak ni Ammon ay magiging mga sakop nila.+ 15  At tiyak na puputulin ni Jehova ang dila ng dagat ng Ehipto,+ at ikakaway niya ang kaniyang kamay sa may Ilog+ sa ningas ng kaniyang espiritu. At sasaktan niya ito sa pitong batis nito, at palalakarin nga niya ang mga tao na suot ang kanilang mga sandalyas.+ 16  At magkakaroon ng isang lansangang-bayan+ mula sa Asirya para sa nalabi+ ng kaniyang bayan na malalabi,+ kung paanong nagkaroon nga para sa Israel noong araw na umahon siya mula sa lupain ng Ehipto.

Talababa