Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online | BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Hukom 17:1-13

17  At may isang lalaki mula sa bulubunduking pook ng Efraim+ na ang pangalan ay Mikas.  Nang maglaon ay sinabi niya sa kaniyang ina: “Ang isang libo’t isang daang pirasong pilak na kinuha sa iyo at na isinumpa mo+ at sinabi mo rin sa aking pandinig—narito! ang pilak ay nasa akin. Ako ang kumuha niyaon.”+ Dahil dito ay sinabi ng kaniyang ina: “Pagpalain nawa ni Jehova ang aking anak.”+  Sa gayon ay isinauli niya sa kaniyang ina ang isang libo’t isang daang pirasong pilak;+ at sinabi pa ng kaniyang ina: “Walang pagsalang dapat kong pabanalin kay Jehova ang pilak mula sa aking kamay para sa aking anak, upang gumawa ng isang inukit na imahen+ at isang binubong estatuwa;+ at ngayon ay isasauli ko iyon sa iyo.”  Sa gayon ay ibinalik niya ang pilak sa kaniyang ina, at ang kaniyang ina ay kumuha ng dalawang daang pirasong pilak at ibinigay ang mga iyon sa panday-pilak.+ At gumawa siya ng isang inukit na imahen+ at isang binubong estatuwa;+ at iyon ay inilagay sa bahay ni Mikas.  Kung tungkol sa lalaking si Mikas, siya ay may isang bahay ng mga diyos,+ at siya ay gumawa ng isang epod+ at terapim+ at pinuspos niya ng kapangyarihan ang kamay ng isa sa kaniyang mga anak,+ upang magsilbi siyang saserdote para sa kaniya.+  Noong mga araw na iyon ay walang hari sa Israel.+ Kung tungkol sa bawat isa, kung ano ang tama sa kaniyang sariling paningin ay siyang kinagawian niyang gawin.+  At may isang kabataang lalaki ng Betlehem+ sa Juda mula sa pamilya ni Juda, at siya ay isang Levita.+ At siya ay naninirahan doon nang sandaling panahon.  At ang lalaki ay yumaon mula sa lunsod ng Betlehem sa Juda upang manirahan nang sandaling panahon saanman siya makasumpong ng dako. Sa kalaunan habang humahayo sa kaniyang lakad ay pumasok siya sa bulubunduking pook ng Efraim hanggang sa bahay ni Mikas.+  Nang magkagayon ay sinabi ni Mikas sa kaniya: “Saan ka nanggaling?” At sinabi niya sa kaniya: “Ako ay isang Levita mula sa Betlehem sa Juda, at ako ay yumayaon upang manirahan nang sandaling panahon saanman ako makasusumpong ng dako.” 10  Kaya sinabi ni Mikas sa kaniya: “Manahanan kang kasama ko at magsilbi kang ama+ at saserdote+ para sa akin, at ako, sa ganang akin, ay magbibigay sa iyo ng sampung pirasong pilak sa bawat taon at ng karaniwang iginagayak na kasuutan at ng iyong panustos.” Sa gayon ay pumasok ang Levita. 11  Kaya ang Levita ay nagpasiya sa kaniyang sarili na manahanang kasama ng lalaki, at ang kabataang lalaki ay naging gaya ng isa sa kaniyang mga anak para sa kaniya. 12  Isa pa, pinuspos ni Mikas ng kapangyarihan ang kamay ng Levita,+ upang ang kabataang lalaki ay magsilbing saserdote+ para sa kaniya at manatili sa bahay ni Mikas. 13  Kaya sinabi ni Mikas: “Ngayon ay alam kong gagawan ako ng mabuti ni Jehova, sapagkat ang Levita ay naging saserdote para sa akin.”+

Talababa