Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online

BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Hukom 16:1-31

16  Minsan ay pumaroon si Samson sa Gaza+ at nakakita siya roon ng isang babaing patutot at pumasok siya sa kaniya.+  At may ulat na isinaysay sa mga Gazita, na nagsasabi: “Si Samson ay pumasok dito.” Sa gayon ay pinalibutan nila siya+ at inabangan siya nang buong gabi sa pintuang-daan ng lunsod.+ At nanatili silang tahimik nang buong gabi, na sinasabi: “Kapag lumiwanag na sa kinaumagahan ay papatayin nga natin siya.”+  Gayunman, si Samson ay nanatiling nakahiga hanggang hatinggabi at pagkatapos ay bumangon siya nang maghatinggabi at sinunggaban ang mga pinto ng pintuang-daan ng lunsod+ at ang dalawang posteng panggilid at binunot niya ang mga iyon kasama ang halang at ipinasan niya sa kaniyang mga balikat at dinala+ niya ang mga iyon hanggang sa taluktok ng bundok na nasa tapat ng Hebron.+  At nangyari nga na pagkatapos niyaon ay umibig siya sa isang babae sa agusang libis ng Sorek, at ang kaniyang pangalan ay Delaila.+  At ang mga panginoon ng alyansa+ ng mga Filisteo ay pumaroon sa kaniya at nagsabi sa kaniya: “Linlangin+ mo siya at tingnan mo kung nasaan ang kaniyang pambihirang lakas at kung sa anong paraan kami makapananaig sa kaniya at kung ano ang maipantatali namin sa kaniya upang magapi siya; at kami naman ay magbibigay sa iyo ng isang libo isang daang pirasong pilak bawat isa.”+  Sa kalaunan ay sinabi ni Delaila kay Samson: “Pakisuyo, sabihin mo sa akin, Nasaan ang iyong pambihirang lakas at ano ang maipantatali sa iyo upang magapi ka?”+  Nang magkagayon ay sinabi ni Samson sa kaniya: “Kung tatalian nila ako ng pitong sariwang litid+ na hindi pa natutuyo, ako nga ay manghihina at magiging tulad ng isang pangkaraniwang tao.”  Sa gayon ay dinala sa kaniya ng mga panginoon ng alyansa+ ng mga Filisteo ang pitong sariwang litid na hindi pa natutuyo. Nang dakong huli ay tinalian niya siya ng mga iyon.  At ang mga mananambang ay nakaupo sa kaniyang loobang silid,+ at sinabi niya sa kaniya: “Ang mga Filisteo+ ay nariyan na sa iyo, Samson!” Sa gayon ay pinatid niya ang mga litid, kung paanong napapatid ang pinilipit na sinulid ng maiikling hibla kapag nakaamoy ito ng apoy.+ At ang kaniyang lakas ay hindi nahayag.+ 10  At sinabi ni Delaila+ kay Samson: “Narito! Pinaglaruan mo ako upang makapagsalita ka sa akin ng mga kasinungalingan.+ Ngayon ay sabihin mo sa akin, pakisuyo, kung ano ang maipantatali sa iyo.” 11  Sa gayon ay sinabi niya sa kaniya: “Kung tatalian nila akong mahigpit ng mga bagong lubid na hindi pa nagagamit sa anumang gawain, ako nga ay manghihina at magiging tulad ng isang pangkaraniwang tao.” 12  Sa gayon ay kumuha si Delaila ng mga bagong lubid at itinali sa kaniya ang mga iyon at sinabi sa kaniya: “Ang mga Filisteo ay nariyan na sa iyo, Samson!” Samantala, ang mga mananambang ay nakaupo sa loobang silid.+ At pinatid niya ang mga iyon mula sa kaniyang mga bisig na parang sinulid.+ 13  Pagkatapos ay sinabi ni Delaila kay Samson: “Hanggang ngayon ay pinaglalaruan mo ako upang makapagsalita ka sa akin ng mga kasinungalingan.+ Sabihin mo sa akin kung ano ang maipantatali sa iyo.”+ Nang magkagayon ay sinabi niya sa kaniya: “Kung ihahabi mo sa pitong tirintas sa aking ulo ang sinulid na paayon.”+ 14  Sa gayon ay pinagtibay niya ang mga iyon sa pamamagitan ng tulos, pagkatapos ay sinabi niya sa kaniya: “Ang mga Filisteo ay nariyan na sa iyo, Samson!”+ At gumising siya mula sa kaniyang pagkakatulog at binunot niya ang tulos ng habihan at ang sinulid na paayon. 15  At sinabi niya sa kaniya: “Ano’t nangangahas kang sabihin, ‘Iniibig kita,’+ gayong ang puso mo ay hindi sumasaakin? Sa tatlong ulit na ito ay pinaglaruan mo ako at hindi mo sinasabi sa akin kung nasaan ang iyong pambihirang lakas.”+ 16  At nangyari nga na dahil ginigipit+ niya siya ng kaniyang mga salita sa lahat ng pagkakataon at lagi siyang pinipilit, ang kaniyang kaluluwa ay hindi na nakatiis hanggang sa gusto na niyang mamatay.+ 17  Sa wakas ay ibinunyag niya sa kaniya ang kaniyang buong puso+ at sinabi sa kaniya: “Ang labaha+ ay hindi pa dumaraan sa aking ulo, sapagkat ako ay isang Nazareo ng Diyos mula pa sa tiyan ng aking ina.+ Kung ako ay aahitan, ang aking lakas nga ay tiyak na hihiwalay sa akin, at ako ay talagang manghihina at magiging gaya ng lahat ng tao.”+ 18  Nang makita ni Delaila na ibinunyag niya sa kaniya ang kaniyang buong puso, kaagad siyang nagsugo at tinawag ang mga panginoon ng alyansa ng mga Filisteo,+ na sinasabi: “Pumarito kayo sa pagkakataong ito, sapagkat ibinunyag niya sa akin ang kaniyang buong puso.”+ At ang mga panginoon ng alyansa ng mga Filisteo ay pumaroon sa kaniya upang madala nila ang salaping nasa kanilang kamay.+ 19  At pinatulog niya siya sa kaniyang mga tuhod. Nang magkagayon ay tinawag niya ang lalaki at ipinaahit dito ang pitong tirintas sa kaniyang ulo, pagkatapos ay nagpasimula na siyang manaig sa kaniya, at ang kaniyang lakas ay patuloy na humiwalay sa kaniya. 20  At sinabi niya: “Ang mga Filisteo ay nariyan na sa iyo, Samson!” At gumising siya mula sa kaniyang pagkakatulog at nagsabi: “Ako ay lalabas na gaya ng dati+ at makaaalpas.” At hindi niya alam na si Jehova ang humiwalay na sa kaniya.+ 21  Sa gayon ay sinunggaban siya ng mga Filisteo at dinukit ang kaniyang mga mata+ at inilusong siya sa Gaza+ at iginapos siya ng dalawang pangaw na tanso;+ at siya ay naging tagagiling+ sa bahay-bilangguan.+ 22  Samantala, ang buhok sa kaniyang ulo ay nagpasimulang lumago pagkaahit sa kaniya.+ 23  Kung tungkol sa mga panginoon ng alyansa ng mga Filisteo, sila ay nagtipon upang maghain ng isang malaking hain para kay Dagon+ na kanilang diyos at upang magsaya, at sinasabi nila: “Ibinigay ng ating diyos sa ating kamay si Samson na ating kaaway!”+ 24  Nang makita siya ng bayan, kaagad nilang pinuri ang kanilang diyos,+ “sapagkat,” ang sabi nila, “ibinigay ng ating diyos sa ating kamay ang ating kaaway+ at ang nagwasak ng ating lupain+ at ang isa na nagparami ng mga napatay sa atin.”+ 25  At nangyari nga na dahil ang kanilang puso ay masaya,+ pinasimulan nilang sabihin: “Tawagin si Samson upang mapagkatuwaan natin siya.”+ Sa gayon ay tinawag nila si Samson mula sa bahay-bilangguan upang mapaglaruan siya sa harap nila;+ at itinayo nila siya sa pagitan ng mga haligi. 26  Nang magkagayon ay sinabi ni Samson sa bata na humahawak sa kaniya sa kaniyang kamay: “Pahintulutan mo akong hipuin ang mga haligi kung saan matibay na nakatatag ang bahay at pasandalin mo ako sa mga iyon.” 27  (Nagkataon noon na ang bahay ay punô ng mga lalaki at babae at ang lahat ng mga panginoon ng alyansa ng mga Filisteo ay naroroon;+ at sa bubong ay may mga tatlong libong lalaki at babae na nakatingin habang pinagkakatuwaan si Samson.)+ 28  At si Samson+ ay tumawag kay Jehova+ at nagsabi: “Soberanong Panginoong Jehova, alalahanin mo ako,+ pakisuyo, at palakasin+ mo ako, pakisuyo, nitong minsan na lamang, O ikaw na tunay na Diyos, at pahintulutan mo akong ipaghiganti ang aking sarili sa mga Filisteo ng paghihiganti para sa isa sa aking dalawang mata.”+ 29  Sa gayon ay itinukod ni Samson ang kaniyang sarili sa dalawang haligi sa gitna kung saan matibay na nakatatag ang bahay, at nahawakan niya ang mga iyon, ang isa sa kaniyang kanan at ang isa sa kaniyang kaliwang kamay. 30  At sinabi ni Samson: “Mamatay nawa ang aking kaluluwa+ kasama ng mga Filisteo.” Pagkatapos ay inubos niya ang kaniyang buong lakas, at ang bahay ay bumagsak sa mga panginoon ng alyansa at sa buong bayan na nasa loob niyaon,+ anupat ang mga namatay na pinatay niya sa kaniyang sariling kamatayan ay mas marami kaysa roon sa mga pinatay niya noong siya ay nabubuhay.+ 31  Nang dakong huli, ang kaniyang mga kapatid at ang buong sambahayan ng kaniyang ama ay lumusong at kinuha siya at iniahon siya at inilibing siya sa pagitan ng Zora+ at Estaol+ sa dakong libingan ni Manoa+ na kaniyang ama. Kung tungkol sa kaniya, siya ay naghukom sa Israel nang dalawampung taon.+

Talababa