Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online

BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Hukom 14:1-20

14  At si Samson ay lumusong sa Timnah+ at nakakita ng isang babae sa Timnah mula sa mga anak ng mga Filisteo.  Kaya umahon siya at nagsaysay sa kaniyang ama at sa kaniyang ina at nagsabi: “May isang babae na nakita ko sa Timnah mula sa mga anak ng mga Filisteo, at ngayon ay kunin ninyo siya para sa akin bilang asawa.”+  Ngunit sinabi sa kaniya ng kaniyang ama at ng kaniyang ina: “Wala bang babae sa gitna ng mga anak na babae ng iyong mga kapatid at sa gitna ng aking buong bayan,+ kung kaya yayaon ka upang kumuha ng asawa mula sa mga di-tuling Filisteo?”+ Gayunma’y sinabi ni Samson sa kaniyang ama: “Siya lamang ang kunin mo para sa akin, sapagkat siya lamang ang marapat sa aking paningin.”  Kung tungkol sa kaniyang ama at sa kaniyang ina, hindi nila alam na iyon ay mula kay Jehova,+ na naghahanap siya ng pagkakataon laban sa mga Filisteo, sapagkat nang mismong panahong iyon ay namamahala ang mga Filisteo sa Israel.+  Sa gayon ay lumusong si Samson sa Timnah+ kasama ang kaniyang ama at ang kaniyang ina. Nang makarating siya hanggang sa mga ubasan ng Timnah, aba, narito! isang may-kilíng na batang leon ang umuungal nang masalubong siya.  Nang magkagayon ay kinilos siya ng espiritu ni Jehova,+ anupat niluray niya ito, gaya ng pagluray sa isang batang kambing na lalaki, at walang anumang bagay ang nasa kaniyang kamay. At hindi niya sinabi sa kaniyang ama o sa kaniyang ina kung ano ang ginawa niya.  At nagpatuloy siya sa paglusong at nakipag-usap sa babae; at ito ay marapat pa rin sa paningin ni Samson.+  At pagkalipas ng sandaling panahon ay bumalik siya upang iuwi niya ito sa bahay.+ Samantala ay lumiko siya upang tingnan ang bangkay ng leon, at narito, may isang kulupon ng mga bubuyog sa loob ng bangkay ng leon, at pulot-pukyutan.+  Kaya kinayod niya iyon sa kaniyang mga palad at nagpatuloy sa paglakad, na kumakain habang siya ay naglalakad.+ Nang makasama niyang muli ang kaniyang ama at ang kaniyang ina, kaagad niya silang binigyan, at sila ay kumain. At hindi niya sinabi sa kanila na mula sa bangkay ng leon niya kinayod ang pulot-pukyutan. 10  At ang kaniyang ama ay nagpatuloy sa paglusong patungo sa babae, at si Samson ay nagdaos doon ng isang piging;+ sapagkat ganiyan ang ginagawa noon ng mga kabinataan. 11  At nangyari nga, nang makita nila siya, kaagad silang kumuha ng tatlumpung abay na lalaki, upang ang mga ito ay manatiling kasama niya. 12  Nang magkagayon ay sinabi ni Samson sa kanila: “Pakisuyo, pahintulutan ninyo akong magharap ng isang bugtong sa inyo.+ Kung walang pagsalang masasabi ninyo iyon sa akin sa loob ng pitong araw+ ng piging at malulutas nga ninyo iyon, bibigyan ko kayo ng tatlumpung pang-ilalim na kasuutan at tatlumpung damit na pambihis.+ 13  Ngunit kung hindi ninyo masasabi sa akin, kayo naman ang magbibigay sa akin ng tatlumpung pang-ilalim na kasuutan at tatlumpung damit na pambihis.” Dahil dito ay sinabi nila sa kaniya: “Iharap mo ang iyong bugtong, at iparinig mo iyon sa amin.” 14  Sa gayon ay sinabi niya sa kanila: “Mula sa kumakain+ ay may lumabas na makakain, At mula sa malakas ay may lumabas na matamis.”+ At hindi nila masabi ang bugtong sa loob ng tatlong araw. 15  At nangyari nga na noong ikaapat na araw ay sinabi nila sa asawa ni Samson: “Linlangin mo ang iyong asawa upang sabihin niya sa amin ang bugtong.+ Kung hindi ay susunugin ka namin at ang sambahayan ng iyong ama sa apoy.+ Kukunin ba ninyo ang aming mga pag-aari+ kung kaya ninyo kami inanyayahan rito?” 16  At ang asawa ni Samson ay tumangis sa kaniya+ at nagsabi: “Kinapopootan mo lamang ako, gayon nga, at hindi mo ako iniibig.+ May bugtong kang iniharap sa mga anak ng aking bayan,+ ngunit sa akin ay hindi mo pa iyon sinasabi.” Dahil dito ay sinabi niya rito: “Aba, sa aking sariling ama at sa aking sariling ina ay hindi ko pa iyon sinasabi,+ at dapat ko bang sabihin iyon sa iyo?” 17  Ngunit patuloy itong tumangis sa kaniya nang pitong araw habang nagpapatuloy ang piging para sa kanila, at nangyari nga, nang ikapitong araw ay sinabi na rin niya rito, dahil ginipit siya nito.+ Pagkatapos ay sinabi nito ang bugtong sa mga anak ng kaniyang bayan.+ 18  Sa gayon ay sinabi sa kaniya ng mga lalaki ng lunsod nang ikapitong araw bago pa siya pumasok sa loobang silid:+ “Ano ang mas matamis kaysa sa pulot-pukyutan, At ano ang mas malakas kaysa sa leon?”+ Sinabi naman niya sa kanila: “Kung hindi ninyo ipinang-araro ang aking batang baka,+ Hindi sana ninyo nalutas ang aking bugtong.”+ 19  At kinilos siya ng espiritu ni Jehova,+ kung kaya lumusong siya sa Askelon+ at nagpabagsak ng tatlumpung lalaki sa kanila at kinuha niya ang hinubad niya sa kanila at ibinigay niya ang mga damit sa mga nakapagsabi ng bugtong.+ At ang kaniyang galit ay patuloy na nag-iinit, at umahon siya patungo sa bahay ng kaniyang ama. 20  At ang asawa+ ni Samson ay naging pag-aari ng isang abay niyang lalaki+ na nakasama niya.

Talababa