Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online

BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Hukom 12:1-15

12  At ang mga lalaki ng Efraim ay natipon at tumawid na pahilaga at nagsabi kay Jepte: “Bakit ka tumawid upang makipaglaban sa mga anak ni Ammon, at sa amin ay hindi ka nanawagan upang sumama sa iyo?+ Ang iyong bahay mismo ay susunugin naming kasama mo sa apoy.”+  Ngunit sinabi ni Jepte sa kanila: “Ako ay naging isang natatanging kalaban, ako at ang aking bayan, laban sa mga anak ni Ammon.+ At humingi ako sa inyo ng saklolo, at hindi ninyo ako iniligtas mula sa kanilang kamay.  Nang makita kong hindi kayo tagapagligtas, ipinasiya ko ngang ilagay ang aking kaluluwa sa aking sariling palad+ at pumaroon laban sa mga anak ni Ammon.+ Sa gayon ay ibinigay sila ni Jehova sa aking kamay. Kaya bakit kayo sumampa laban sa akin sa araw na ito upang makipaglaban sa akin?”  Kaagad na tinipon ni Jepte ang lahat ng mga lalaki ng Gilead+ at nakipaglaban sa Efraim; at pinabagsak ng mga lalaki ng Gilead ang Efraim, sapagkat sinabi nila: “Kayo ay mga lalaking tumakas mula sa Efraim, O Gilead, sa loob ng Efraim, sa loob ng Manases.”  At naunang nabihag ng Gilead ang mga tawiran ng Jordan+ kaysa sa Efraim; at nangyari nga na kapag sinabi ng mga lalaki ng Efraim na tumatakas: “Paraanin mo ako,” sasabihin naman ng mga lalaki ng Gilead sa bawat isa: “Ikaw ba ay Efraimita?” Kapag sinabi niya: “Hindi!”  sasabihin naman nila sa kaniya: “Pakisuyong sabihin mong Shibolet.”+ At sasabihin niya: “Sibolet,” sapagkat hindi niya masabi nang wasto ang salita. At susunggaban nila siya at papatayin siya sa mga tawiran ng Jordan. Sa gayon ay nabuwal nang panahong iyon ang apatnapu’t dalawang libo mula sa Efraim.+  At si Jepte ay patuloy na naghukom sa Israel nang anim na taon, pagkatapos ay namatay si Jepte na Gileadita at inilibing sa kaniyang lunsod sa Gilead.  At si Ibzan mula sa Betlehem+ ay nagsimulang maghukom sa Israel pagkatapos niya.+  At nagkaroon siya ng tatlumpung anak na lalaki at tatlumpung anak na babae. Siya ay nagsugo sa labas at nagpasok ng tatlumpung anak na babae para sa kaniyang mga anak na lalaki mula sa labas. At siya ay patuloy na naghukom sa Israel nang pitong taon. 10  At si Ibzan ay namatay at inilibing sa Betlehem. 11  At pagkatapos niya, si Elon na Zebulonita+ ay nagsimulang maghukom sa Israel. At siya ay patuloy na naghukom sa Israel nang sampung taon. 12  At si Elon na Zebulonita ay namatay at inilibing sa Aijalon sa lupain ng Zebulon. 13  At pagkatapos niya, si Abdon na anak ni Hilel na Piratonita+ ay nagsimulang maghukom sa Israel. 14  At nagkaroon siya ng apatnapung anak at tatlumpung apo na sumasakay sa pitumpung hustong-gulang na asno.+ At siya ay patuloy na naghukom sa Israel nang walong taon. 15  At si Abdon na anak ni Hilel na Piratonita ay namatay at inilibing sa Piraton sa lupain ng Efraim sa bundok ng Amalekita.+

Talababa