Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online

BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Hebreo 5:1-14

5  Sapagkat ang bawat mataas na saserdote na kinukuha mula sa mga tao ay inaatasan alang-alang sa mga tao sa mga bagay na may kinalaman sa Diyos,+ upang siya ay makapaghandog ng mga kaloob at mga hain para sa mga kasalanan.+  Nagagawa niyang makitungo nang mahinahon sa mga walang-alam at sa mga nagkakamali yamang siya rin ay napalilibutan ng kaniyang sariling kahinaan,+  at dahil dito ay kailangan niyang maghandog ukol sa mga kasalanan para sa kaniyang sarili kung paanong para rin sa mga tao.+  Gayundin, ang isang tao ay tumatanggap ng karangalang ito, hindi ayon sa kaniyang sariling kagustuhan,+ kundi tangi lamang kung tinawag siya ng Diyos,+ na gaya rin ni Aaron.+  Gayundin naman, hindi niluwalhati ng Kristo ang kaniyang sarili+ sa pagiging mataas na saserdote,+ kundi niluwalhati+ niyaong nagsalita may kinalaman sa kaniya: “Ikaw ang aking anak; ako, ngayon, ako ay naging iyong ama.”+  Gaya rin ng sinasabi niya sa iba pang dako: “Ikaw ay isang saserdote magpakailanman ayon sa paraang gaya ng kay Melquisedec.”+  Nang mga araw ng kaniyang laman ay naghandog [si Kristo] ng mga pagsusumamo at ng mga pakiusap+ din sa Isa na may kakayahang magligtas sa kaniya mula sa kamatayan, na may malalakas+ na paghiyaw at mga luha, at malugod siyang pinakinggan dahil sa kaniyang makadiyos na takot.+  Bagaman siya ay Anak, natuto siya ng pagkamasunurin mula sa mga bagay na kaniyang pinagdusahan;+  at pagkatapos na siya ay mapasakdal,+ siya ang nagkaroon ng pananagutan sa walang-hanggang kaligtasan+ ng lahat ng sumusunod sa kaniya,+ 10  sapagkat tiyakang tinawag siya ng Diyos na mataas na saserdote ayon sa paraang gaya ng kay Melquisedec.+ 11  May kinalaman sa kaniya ay marami kaming masasabi at mahirap na maipaliwanag, yamang naging mapurol kayo sa inyong pakikinig.+ 12  Sapagkat bagaman dapat nga sanang maging mga guro+ na kayo dahilan sa panahon, kayo ay muling nangangailangan na may magturo sa inyo mula sa pasimula ng mga panimulang bagay+ ng mga sagradong kapahayagan ng Diyos;+ at kayo ay naging gaya ng nangangailangan ng gatas, hindi ng matigas na pagkain.+ 13  Sapagkat ang bawat isa na tumatanggap ng gatas ay walang-kabatiran sa salita ng katuwiran, sapagkat siya ay isang sanggol.+ 14  Ngunit ang matigas na pagkain ay nauukol sa mga taong may-gulang, sa kanila na dahil sa paggamit ay nasanay ang kanilang mga kakayahan sa pang-unawa+ na makilala kapuwa ang tama at ang mali.+

Talababa