Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online

BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Hebreo 2:1-18

2  Iyan ang dahilan kung bakit natin kailangang magbigay ng higit kaysa sa karaniwang pansin sa mga bagay na narinig+ natin, upang hindi tayo kailanman maanod papalayo.+  Sapagkat kung ang salita na sinalita sa pamamagitan ng mga anghel+ ay naging matatag, at ang bawat pagsalansang at gawang pagsuway ay tumanggap ng kagantihan na kasuwato ng katarungan;+  paano tayo tatakas+ kung pinabayaan+ natin ang isang kaligtasan na gayon kadakila+ anupat pinasimulan itong salitain sa pamamagitan ng ating Panginoon+ at tiniyak+ sa atin niyaong mga nakarinig sa kaniya,  habang ang Diyos ay kasamang nagpapatotoo sa pamamagitan ng mga tanda at ng mga palatandaan din at iba’t ibang makapangyarihang mga gawa+ at sa pamamagitan ng mga pamamahagi+ ng banal na espiritu ayon sa kaniyang kalooban?+  Sapagkat hindi niya ipinasakop sa mga anghel ang darating na tinatahanang lupa,+ na tungkol dito ay nagsasalita kami.  Ngunit may isang saksi na nagbigay ng patotoo sa isang dako, na sinasabi: “Ano ang tao anupat iniingatan mo siya sa isipan,+ o ang anak ng tao anupat pinangangalagaan mo siya?+  Ginawa mo siyang mas mababa nang kaunti kaysa sa mga anghel; pinutungan mo siya ng kaluwalhatian at karangalan,+ at inatasan mo siya sa mga gawa ng iyong mga kamay.+  Ipinasakop mo ang lahat ng bagay sa ilalim ng kaniyang mga paa.”+ Sapagkat yamang ipinasakop niya sa kaniya ang lahat ng bagay,+ ang Diyos ay walang iniwang anumang bagay na hindi napasasakop sa kaniya.+ Bagaman ngayon ay hindi pa natin nakikitang napasasakop sa kaniya ang lahat ng bagay;+  ngunit nakikita natin si Jesus, na ginawang mababa nang kaunti kaysa sa mga anghel,+ na pinutungan ng kaluwalhatian+ at karangalan dahil sa pagdurusa ng kamatayan,+ upang sa pamamagitan ng di-sana-nararapat na kabaitan ng Diyos ay matikman niya ang kamatayan para sa bawat tao.+ 10  Sapagkat nararapat para sa isa na alang-alang sa kaniya ang lahat ng bagay+ at sa pamamagitan niya ang lahat ng bagay, sa pagdadala ng maraming anak sa kaluwalhatian,+ na pasakdalin ang Punong Ahente+ ng kanilang kaligtasan sa pamamagitan ng mga pagdurusa.+ 11  Sapagkat kapuwa siya na nagpapabanal at yaong mga pinababanal+ ay nagmumulang lahat sa isa,+ at sa dahilang ito ay hindi niya ikinahihiyang tawagin silang “mga kapatid,”+ 12  gaya ng kaniyang sinasabi: “Ipahahayag ko ang iyong pangalan sa aking mga kapatid; sa gitna ng kongregasyon ay pupurihin kita ng awit.”+ 13  At muli: “Ako ay magtitiwala sa kaniya.”+ At muli: “Narito! Ako at ang mumunting mga anak, na ibinigay sa akin ni Jehova.”+ 14  Samakatuwid, yamang ang “mumunting mga anak” ay mga kabahagi sa dugo at laman, siya rin sa katulad na paraan ay nakibahagi sa gayunding mga bagay,+ upang sa pamamagitan ng kaniyang kamatayan+ ay mapawi niya+ ang isa na may kakayahang magpangyari ng kamatayan,+ samakatuwid nga, ang Diyablo;+ 15  at upang mapalaya+ niya ang lahat niyaong mga dahil sa takot sa kamatayan+ ay napasailalim sa pagkaalipin sa buong buhay nila.+ 16  Sapagkat hindi naman talaga mga anghel ang tinutulungan niya, kundi ang binhi ni Abraham ang tinutulungan niya.+ 17  Dahil dito ay kinailangan siyang maging tulad ng kaniyang “mga kapatid” sa lahat ng bagay,+ upang siya ay maging isang mataas na saserdote na maawain at tapat sa mga bagay na may kinalaman sa Diyos,+ upang maghandog ng pampalubag-loob+ na hain para sa mga kasalanan ng mga tao.+ 18  Sapagkat yamang siya mismo ay nagdusa nang inilalagay sa pagsubok,+ magagawa niyang saklolohan yaong mga nalalagay sa pagsubok.+

Talababa