Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online

BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Hagai 1:1-15

1  Nang ikalawang taon ni Dario na hari,+ nang ikaanim na buwan, noong unang araw ng buwan, ang salita ni Jehova ay dumating sa pamamagitan ni Hagai+ na propeta kay Zerubabel+ na anak ni Sealtiel,+ na gobernador ng Juda,+ at kay Josue+ na anak ni Jehozadak+ na mataas na saserdote, na nagsasabi:  “Ito ang sinabi ni Jehova ng mga hukbo,+ ‘Kung tungkol sa bayang ito, sinabi nila: “Ang panahon ay hindi pa dumarating, ang panahon ng bahay ni Jehova, upang iyon ay itayo.” ’ ”+  At ang salita ni Jehova ay patuloy na dumating sa pamamagitan ni Hagai na propeta, na nagsasabi:  “Ito ba ang panahon upang tumahan kayo sa inyong mga bahay na may mga entrepanyo,+ samantalang ang bahay na ito ay giba?+  At ngayon ay ito ang sinabi ni Jehova ng mga hukbo, ‘Ituon ninyo ang inyong puso sa inyong mga lakad.+  Naghasik kayo ng maraming binhi, ngunit ang ipinapasok ay kakaunti.+ May kainan, ngunit hindi hanggang sa mabusog.+ May inuman, ngunit hindi hanggang sa malango. May pagsusuot ng mga damit, ngunit walang sinumang umiinit; at siya na nagpapaupa ay nagpapaupa kapalit ng isang supot na may mga butas.’ ”+  “Ito ang sinabi ni Jehova ng mga hukbo, ‘Ituon ninyo ang inyong puso sa inyong mga lakad.’+  “ ‘Umahon kayo sa bundok, at kumuha kayo ng kahoy.+ At itayo ninyo ang bahay,+ upang kalugdan ko iyon+ at ako ay luwalhatiin,’+ ang sabi ni Jehova.”  “ ‘Humanap ng marami, ngunit narito, kakaunti lamang;+ at dinala ninyo iyon sa loob ng bahay, at hinipan ko iyon+—sa anong dahilan?’+ ang sabi ni Jehova ng mga hukbo. ‘Dahilan sa aking bahay na giba, samantalang kayo ay tumatakbo, bawat isa para sa kaniyang sariling bahay.+ 10  Kaya sa inyo ay pinigilan ng langit ang kaniyang hamog, at pinigilan ng lupa ang kaniyang ani.+ 11  At patuloy akong tumawag ng katuyuan sa lupa, at sa mga bundok, at sa butil, at sa bagong alak,+ at sa langis, at sa anumang isisibol ng lupa, at sa makalupang tao, at sa alagang hayop, at sa lahat ng pinagpapagalan ng mga kamay.’ ”+ 12  At si Zerubabel+ na anak ni Sealtiel, at si Josue na anak ni Jehozadak+ na mataas na saserdote, at ang lahat ng mga nalalabi sa bayan ay nagsimulang makinig sa tinig ni Jehova na kanilang Diyos,+ at sa mga salita ni Hagai+ na propeta, ayon sa pagkakasugo sa kaniya ni Jehova na kanilang Diyos; at ang bayan ay nagsimulang matakot dahil kay Jehova.+ 13  At si Hagai na mensahero+ ni Jehova ay nagsabi sa bayan ayon sa atas ng mensahero mula kay Jehova,+ na sinasabi: “ ‘Ako ay sumasainyo,’+ ang sabi ni Jehova.” 14  At pinukaw ni Jehova ang espiritu+ ni Zerubabel na anak ni Sealtiel, na gobernador ng Juda, at ang espiritu ni Josue+ na anak ni Jehozadak na mataas na saserdote, at ang espiritu ng lahat ng mga nalalabi sa bayan; at nagsimula silang pumasok at ginawa ang gawain sa bahay ni Jehova ng mga hukbo na kanilang Diyos.+ 15  Ito ay noong ikadalawampu’t apat na araw ng ikaanim na buwan nang ikalawang taon ni Dario+ na hari.

Talababa