Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online | BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Habakuk 2:1-20

2  Sa aking bahay-tanod ay mananatili akong nakatayo,+ at mananatili akong nakapuwesto sa balwarte; at ako ay magbabantay,+ upang tingnan kung ano ang sasalitain niya sa pamamagitan ko+ at kung ano ang itutugon ko sa pagsaway sa akin.+  At si Jehova ay sumagot sa akin at nagsabi: “Isulat mo ang pangitain, at iukit mo nang malinaw sa mga tapyas,+ upang ang bumabasa nito nang malakas ay magawa iyon nang may katatasan.+  Sapagkat ang pangitain ay sa takdang panahon pa,+ at iyon ay patuloy na nagmamadali patungo sa kawakasan, at hindi iyon magsisinungaling. Kung iyon man ay magluwat, patuloy mong hintayin iyon; sapagkat iyon ay walang pagsalang magkakatotoo.+ Hindi iyon maaantala.  “Narito! Ang kaniyang kaluluwa ay nagmamalaki;+ hindi iyon naging matapat sa loob niya. Ngunit kung tungkol sa matuwid, sa pamamagitan ng kaniyang katapatan ay mananatili siyang buháy.+  At, tunay nga, dahil ang alak ay nakikitungo nang may kataksilan,+ ang matipunong lalaki ay mapagmapuri sa sarili;+ at hindi niya mararating ang kaniyang tunguhin,+ siya na nagpaluwang ng kaniyang kaluluwa na gaya ng Sheol, at siya na gaya ng kamatayan at walang kasiyahan.+ At patuloy niyang tinitipon sa kaniyang sarili ang lahat ng mga bansa at pinipisan sa kaniyang sarili ang lahat ng mga bayan.+  Hindi ba ang mga ito mismo, silang lahat, ay magbabangon laban sa kaniya ng kasabihan+ at ng parunggit na pananalita, ng mga pasaring sa kaniya? At may magsasabi,“ ‘Sa aba niya na nagpaparami ng hindi kaniya+—O hanggang kailan!+—at nagpapabigat ng utang laban sa kaniyang sarili!  Hindi ba biglang titindig yaong mga sumisingil sa iyo ng patubo, at gigising yaong mga yumuyugyog sa iyo nang malakas, at sa kanila ikaw ay tiyak na magiging bagay na madarambong?+  Dahil ikaw mismo ay nanamsam sa maraming bansa, sasamsaman ka ng lahat ng nalalabi sa mga bayan,+ dahil sa pagbububo ng dugo ng mga tao at sa pandarahas sa lupa, sa bayan at sa lahat ng tumatahan doon.+  “ ‘Sa aba niyaong nagtitipon ng masamang pakinabang para sa kaniyang sambahayan,+ upang mailagay ang kaniyang pugad sa mataas na dako, upang maligtas mula sa abot ng bagay na kapaha-pahamak!+ 10  Ikaw ay nagpanukala ng kahiya-hiyang bagay sa iyong sambahayan, ang paglipol sa maraming bayan;+ at ang iyong kaluluwa ay nagkakasala.+ 11  Sapagkat mula sa pader ay hihiyaw ang bato nang may paghihinagpis, at mula sa kayariang kahoy ay sasagutin ito ng tahilan.+ 12  “ ‘Sa aba niyaong nagtatayo ng lunsod sa pamamagitan ng pagbububo ng dugo, at matibay na nagtatag ng bayan sa pamamagitan ng kalikuan!+ 13  Narito! Hindi ba dahil kay Jehova ng mga hukbo kung kaya ang mga bayan ay magpapagal para lamang sa apoy, at kung kaya ang mga liping pambansa ay magpapakapagod na wala namang kabuluhan?+ 14  Sapagkat ang lupa ay mapupuno ng kaalaman sa kaluwalhatian ni Jehova kung paanong ang tubig ay tumatakip sa dagat.+ 15  “ ‘Sa aba niyaong nagbibigay sa kaniyang mga kasamahan ng maiinom, na isinasama roon ang iyong pagngangalit at galit, upang lasingin sila,+ sa layuning masdan ang kanilang mga bahaging ikinahihiya.+ 16  Tiyak na malilipos ka ng kasiraang-puri sa halip na kaluwalhatian.+ Uminom ka rin, ikaw mismo,+ at maituring na di-tuli.+ Ang kopa ng kanang kamay ni Jehova ay babalik sa iyo,+ at ang kadustaan ay mapapasaiyong kaluwalhatian; 17  sapagkat ang karahasang ginawa sa Lebanon+ ang siyang tatakip sa iyo, at ang pagkaganid sa mga hayop na sumisindak sa kanila, dahil sa pagbububo ng dugo ng mga tao at sa karahasang ginawa sa lupa,+ sa bayan at sa lahat ng tumatahan doon.+ 18  Ano ang naging pakinabang sa inukit na imahen,+ nang ito ay ukitin ng tagapag-anyo nito, isang binubong estatuwa, at tagapagturo ng kabulaanan?+ nang ang tagapag-anyo ng anyo nito ay magtiwala rito,+ anupat gumawa ng walang-silbing mga diyos na pipi?+ 19  “ ‘Sa aba niyaong nagsasabi sa piraso ng kahoy: “Gumising ka!” sa isang batong pipi: “Gising na! Ito mismo ay magbibigay ng tagubilin”!+ Narito! Ito ay nababalutan ng ginto at pilak,+ at walang hininga sa loob nito.+ 20  Ngunit si Jehova ay nasa kaniyang banal na templo.+ Tumahimik ka sa harap niya, buong lupa!’ ”+

Talababa