Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online

BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Genesis 47:1-31

47  Kaya pumaroon si Jose at nag-ulat kay Paraon at nagsabi:+ “Ang aking ama at ang aking mga kapatid at ang kanilang mga kawan at ang kanilang mga bakahan at ang lahat ng kanilang tinatangkilik ay dumating mula sa lupain ng Canaan, at narito, sila ay nasa lupain ng Gosen.”+  At mula sa buong bilang ng kaniyang mga kapatid ay kumuha siya ng limang lalaki, upang maiharap niya sila kay Paraon.+  Nang magkagayon ay sinabi ni Paraon sa kaniyang mga kapatid: “Ano ang inyong hanapbuhay?”+ Kaya sinabi nila kay Paraon: “Ang iyong mga lingkod ay mga tagapagpastol ng tupa,+ kami at ang aming mga ninuno.”+  Pagkatapos ay sinabi nila kay Paraon: “Naparito kami upang manirahan bilang mga dayuhan sa lupain,+ sapagkat walang pastulan ang iyong mga lingkod para sa kawan,+ sapagkat ang taggutom sa lupain ng Canaan ay matindi.+ At ngayon, pakisuyo, patahanin mo ang iyong mga lingkod sa lupain ng Gosen.”+  Dahil dito ay sinabi ni Paraon kay Jose: “Ang iyong ama at ang iyong mga kapatid ay naparito sa iyo.  Ang lupain ng Ehipto ay nasa iyong kapamahalaan.+ Patahanin mo ang iyong ama at ang iyong mga kapatid sa pinakamainam ng lupain.+ Patahanin mo sila sa lupain ng Gosen,+ at kung may kilala kang mga lalaking malalakas ang loob+ sa kanila, atasan mo sila bilang mga pinuno sa aking bakahan.”+  Nang magkagayon ay dinala ni Jose si Jacob na kaniyang ama at ipinakilala siya kay Paraon, at pinagpala ni Jacob si Paraon.+  Si Paraon ngayon ay nagsabi kay Jacob: “Ilan ang mga araw ng mga taon ng iyong buhay?”  Kaya sinabi ni Jacob kay Paraon: “Ang mga araw ng mga taon ng aking paninirahan bilang dayuhan ay isang daan at tatlumpung taon.+ Kakaunti at nakapipighati ang mga araw ng mga taon ng aking buhay,+ at ang mga iyon ay hindi pa umabot sa mga araw ng mga taon ng buhay ng aking mga ama nang mga araw ng kanilang paninirahan bilang dayuhan.”+ 10  Pagkatapos ay pinagpala ni Jacob si Paraon at umalis mula sa harap ni Paraon.+ 11  Sa gayon ay pinatahan ni Jose ang kaniyang ama at ang kaniyang mga kapatid at binigyan niya sila ng pag-aari sa lupain ng Ehipto, sa pinakamainam ng lupain, sa lupain ng Rameses,+ gaya ng iniutos ni Paraon. 12  At patuloy na pinaglaanan ni Jose ng tinapay+ ang kaniyang ama at ang kaniyang mga kapatid at ang buong sambahayan ng kaniyang ama, ayon sa dami ng maliliit na bata.+ 13  At walang tinapay sa buong lupain, sapagkat ang taggutom ay lubhang matindi;+ at ang lupain ng Ehipto at ang lupain ng Canaan ay nanlupaypay dahil sa taggutom.+ 14  At kinuha ni Jose ang lahat ng salapi na masusumpungan sa lupain ng Ehipto at sa lupain ng Canaan kapalit ng mga binutil na binibili+ ng mga tao; at dinadala ni Jose ang salapi sa bahay ni Paraon. 15  Sa kalaunan ay naubos ang salapi mula sa lupain ng Ehipto at sa lupain ng Canaan, at ang lahat ng Ehipsiyo ay nagsimulang pumaroon kay Jose, na sinasabi: “Bigyan mo kami ng tinapay!+ At bakit kami mamamatay sa harap mo dahil ubos na ang salapi?”+ 16  Nang magkagayon ay sinabi ni Jose: “Ibigay ninyo ang inyong mga alagang hayop at bibigyan ko kayo ng tinapay bilang kapalit ng inyong mga alagang hayop, kung ubos na ang salapi.” 17  At pinasimulan nilang dalhin kay Jose ang kanilang mga alagang hayop; at patuloy silang binibigyan ni Jose ng tinapay bilang kapalit ng kanilang mga kabayo at ng mga alagang hayop sa kawan at ng mga alagang hayop sa bakahan at ng mga asno,+ at patuloy siyang naglalaan sa kanila ng tinapay bilang kapalit ng lahat ng kanilang mga alagang hayop nang taóng iyon. 18  Sa kalaunan ay natapos ang taóng iyon, at sila ay nagsimulang pumaroon sa kaniya nang sumunod na taon at nagsabi sa kaniya: “Hindi namin itatago sa aking panginoon ngunit ang salapi at ang kawan ng mga alagang hayop ay naubos na sa aking panginoon.+ Wala nang naiiwan sa harap ng aking panginoon maliban sa aming mga katawan at sa aming lupain.+ 19  Bakit kami mamamatay sa harap ng iyong mga mata,+ kami at ang aming lupain? Bilhin mo kami at ang aming lupain kapalit ng tinapay,+ at kami kasama na ang aming lupain ay magiging mga alipin kay Paraon; at bigyan mo kami ng binhi upang kami ay mabuhay at hindi mamatay at ang aming lupain ay hindi matiwangwang.”+ 20  Kaya binili ni Jose ang buong lupain ng mga Ehipsiyo para kay Paraon,+ sapagkat ipinagbili ng mga Ehipsiyo ang kani-kaniyang bukid, sapagkat mahigpit ang kapit sa kanila ng taggutom; at ang lupain ay naging kay Paraon. 21  Kung tungkol sa mga tao, inilipat niya sila sa mga lunsod mula sa isang dulo ng teritoryo ng Ehipto hanggang sa kabilang dulo nito.+ 22  Tanging ang lupain ng mga saserdote ang hindi niya binili,+ sapagkat ang mga rasyon para sa mga saserdote ay mula kay Paraon at kinakain nila ang kanilang mga rasyon na ibinibigay sa kanila ni Paraon.+ Iyan ang dahilan kung bakit hindi nila ipinagbili ang kanilang lupain.+ 23  Nang magkagayon ay sinabi ni Jose sa mga tao: “Tingnan ninyo, ngayon ay binili ko na kayo at ang inyong lupain para kay Paraon. Narito ang binhi para sa inyo, at hasikan ninyo nito ang lupain.+ 24  Kapag iyon ay nagbunga+ na, kung magkagayon ay ibigay ninyo ang isang kalima kay Paraon,+ ngunit ang apat na bahagi ay magiging inyo bilang binhi para sa bukid at bilang pagkain na makakain ninyo at ng mga nasa inyong mga bahay at ng inyong maliliit na bata.”+ 25  Dahil dito ay sinabi nila: “Iningatan mo ang aming mga buhay.+ Makasumpong nawa kami ng lingap sa paningin ng aking panginoon, at kami ay magiging mga alipin kay Paraon.”+ 26  At ginawa ni Jose na iyon ay maging batas hanggang sa araw na ito na sa lupaing ari-arian ng Ehipto ay dapat mapunta kay Paraon ang ikalimang bahagi. Tanging ang lupain ng mga saserdote bilang naiibang pangkat ang hindi naging kay Paraon.+ 27  At si Israel ay nagpatuloy na manahanan sa lupain ng Ehipto, sa lupain ng Gosen;+ at sila ay namayan doon at naging palaanakin at lubhang dumami.+ 28  At si Jacob ay nabuhay sa lupain ng Ehipto sa loob ng labimpitong taon, anupat ang mga araw ni Jacob, ang mga taon ng kaniyang buhay, ay naging isang daan at apatnapu’t pitong taon.+ 29  Nang maglaon ay sumapit ang mga araw upang si Israel ay mamatay.+ Kaya tinawag niya ang kaniyang anak na si Jose at sinabi sa kaniya: “Kung ako ngayon ay nakasumpong ng lingap sa iyong paningin, pakisuyo, ilagay mo ang iyong kamay sa ilalim ng aking hita,+ at magpakita ka ng maibiging-kabaitan at ng pagiging mapagkakatiwalaan sa akin.+ (Pakisuyo, huwag mo akong ilibing sa Ehipto.)+ 30  At hihiga akong kasama ng aking mga ama,+ at dadalhin mo ako mula sa Ehipto at ililibing mo ako sa kanilang libingan.”+ Kaya sinabi niya: “Ako mismo ang gagawa bilang pagtupad sa iyong salita.” 31  Pagkatapos ay sinabi niya: “Sumumpa ka sa akin.” Kaya sumumpa siya sa kaniya.+ Sa gayon ay nagpatirapa si Israel sa ulunan ng higaan.+

Talababa