Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online

BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Genesis 45:1-28

45  Dahil dito ay hindi na nakapagpigil si Jose sa harap ng lahat niyaong nakatayo sa tabi niya.+ Kaya sumigaw siya: “Palabasin ninyo ang lahat mula sa harap ko!” At wala nang iba pa ang nakatayong kasama niya habang nagpapakilala si Jose sa kaniyang mga kapatid.+  At inilakas niya ang kaniyang tinig sa pagtangis,+ anupat narinig iyon ng mga Ehipsiyo at narinig iyon ng sambahayan ni Paraon.  Nang dakong huli ay sinabi ni Jose sa kaniyang mga kapatid: “Ako ay si Jose. Buháy pa ba ang aking ama?” Ngunit ang kaniyang mga kapatid ay hindi makasagot sa kaniya, sapagkat sila ay nagugulumihanan dahilan sa kaniya.+  Kaya sinabi ni Jose sa kaniyang mga kapatid: “Lumapit kayo sa akin, pakisuyo.” Sa gayon ay lumapit sila sa kaniya. Nang magkagayon ay sinabi niya: “Ako ay si Jose na inyong kapatid, na ipinagbili ninyo sa Ehipto.+  Ngunit ngayon ay huwag kayong masaktan+ at huwag kayong magalit sa inyong sarili dahil ipinagbili ninyo ako rito; sapagkat isinugo ako ng Diyos sa unahan ninyo upang mag-ingat ng buhay.+  Sapagkat ito ang ikalawang taon ng taggutom sa gitna ng lupa,+ at mayroon pang limang taon na hindi magkakaroon ng panahon ng pag-aararo o pag-aani.+  Dahil dito ay isinugo ako ng Diyos sa unahan ninyo upang maglagay ng isang nalabi+ para sa inyo sa lupa at upang panatilihin kayong buháy sa pamamagitan ng isang malaking pagliligtas.  Kaya ngayon ay hindi kayo ang nagsugo sa akin dito,+ kundi ang tunay na Diyos, upang maatasan niya akong ama+ kay Paraon at panginoon para sa kaniyang buong bahay at bilang isa na namumuno sa buong lupain ng Ehipto.  “Umahon kayong madali sa aking ama, at sabihin ninyo sa kaniya, ‘Ito ang sinabi ng iyong anak na si Jose: “Inatasan ako ng Diyos bilang panginoon para sa buong Ehipto.+ Lumusong ka sa akin. Huwag kang magpaliban. 10  At manahanan ka sa lupain ng Gosen,+ at manatili kang malapit sa akin, ikaw at ang iyong mga anak at ang mga anak ng iyong mga anak at ang iyong mga kawan at ang iyong mga bakahan at ang lahat ng iyong tinatangkilik. 11  At maglalaan ako sa iyo ng pagkain doon, sapagkat mayroon pang limang taon na taggutom;+ baka ikaw at ang iyong sambahayan at ang lahat ng iyong tinatangkilik ay sumapit sa karalitaan.” ’ 12  At narito, nakikita ng inyong mga mata at ng mga mata ng kapatid kong si Benjamin na ang aking bibig ang nagsasalita sa inyo.+ 13  Kaya sabihin ninyo sa aking ama ang tungkol sa lahat ng aking kaluwalhatian sa Ehipto at ang lahat ng bagay na inyong nakita; at magmadali kayo at ibaba ninyo rito ang aking ama.” 14  Nang magkagayon ay sumubsob siya sa leeg ni Benjamin na kaniyang kapatid at nanangis, at si Benjamin ay tumangis sa kaniyang leeg.+ 15  At hinalikan niya ang lahat ng kaniyang mga kapatid at tumangis siya sa kanila,+ at pagkatapos ay nakipag-usap sa kaniya ang kaniyang mga kapatid. 16  At ang balita ay narinig sa sambahayan ni Paraon, na nagsasabi: “Ang mga kapatid ni Jose ay dumating!” At iyon ay naging mabuti sa paningin ni Paraon at ng kaniyang mga lingkod.+ 17  Kaya sinabi ni Paraon kay Jose: “Sabihin mo sa iyong mga kapatid, ‘Gawin ninyo ito: Pasanan ninyo ang inyong mga hayop na pantrabaho at pumasok kayo sa lupain ng Canaan,+ 18  at dalhin ninyo ang inyong ama at ang inyong mga sambahayan at pumarito kayo sa akin, upang maibigay ko sa inyo ang buti ng lupain ng Ehipto; at kainin ninyo ang katabaan ng lupain.+ 19  At ikaw mismo ay inuutusan:+ “Gawin mo ito: Kumuha kayo ng mga karwahe+ mula sa lupain ng Ehipto para sa inyong maliliit na bata at sa inyong mga asawa, at isakay ninyo roon ang inyong ama at pumarito kayo.+ 20  At huwag panghinayangan ng inyong mata ang inyong kasangkapan,+ sapagkat ang buti ng buong lupain ng Ehipto ay inyo.” ’ ”+ 21  Pagkatapos niyaon ay gayon ang ginawa ng mga anak ni Israel, at binigyan sila ni Jose ng mga karwahe ayon sa mga utos ni Paraon at binigyan sila ng mga panustos+ sa daan. 22  Sa bawat isa sa kanila ay nagbigay siya ng tig-iisang pamalit na balabal,+ ngunit kay Benjamin ay nagbigay siya ng tatlong daang pirasong pilak at limang pamalit na balabal.+ 23  At sa kaniyang ama ay nagpadala siya ng mga sumusunod: sampung asno na may pasang mabubuting bagay ng Ehipto at sampung asnong babae na may pasang mga butil at tinapay at panustos ng kaniyang ama sa daan. 24  Sa gayon ay pinayaon niya ang kaniyang mga kapatid, at sila ay humayo. Gayunman, sinabi niya sa kanila: “Huwag kayong mayamot sa isa’t isa habang nasa daan.”+ 25  At sila ay nagsimulang umahon mula sa Ehipto at sa kalaunan ay pumasok sa lupain ng Canaan kay Jacob na kanilang ama. 26  Nang magkagayon ay nag-ulat sila sa kaniya, na sinasabi: “Si Jose ay buháy pa, at siya ang namumuno sa buong lupain ng Ehipto!”+ Ngunit ang kaniyang puso ay namanhid, sapagkat hindi niya sila pinaniwalaan.+ 27  Nang salitain pa nila sa kaniya ang lahat ng salita ni Jose na sinalita niya sa kanila at makita niya ang mga karwahe na ipinadala ni Jose upang maglulan sa kaniya, ang espiritu ni Jacob na kanilang ama ay nagsimulang manumbalik.+ 28  Nang magkagayon ay bumulalas si Israel: “Sapat na! Si Jose na aking anak ay buháy pa! Ah, yayaon ako at titingnan ko siya bago ako mamatay!”+

Talababa