Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online | BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Genesis 42:1-38

42  Nang maglaon ay nakita ni Jacob na may mga binutil sa Ehipto.+ Sa gayon ay sinabi ni Jacob sa kaniyang mga anak: “Bakit pa kayo nagtitinginan sa isa’t isa?”  At isinusog niya: “Narito, narinig ko na may mga binutil sa Ehipto.+ Bumaba kayo roon at bumili kayo roon ng para sa atin, upang tayo ay manatiling buháy at hindi mamatay.”  Kaya ang sampung kapatid+ ni Jose ay bumaba upang bumili ng mga butil mula sa Ehipto.  Ngunit hindi isinugo ni Jacob si Benjamin,+ na kapatid ni Jose, kasama ng iba pa niyang mga kapatid, sapagkat sinabi niya: “Baka isang nakamamatay na sakuna ang mangyari sa kaniya.”+  Kaya ang mga anak ni Israel ay sumama sa iba pa na pumaparoon upang bumili, sapagkat may taggutom sa lupain ng Canaan.+  At si Jose ang taong may kapangyarihan sa lupain.+ Siya ang nagbibili sa lahat ng tao sa lupa.+ Dahil dito ay pumaroon ang mga kapatid ni Jose at yumukod sa kaniya na ang kanilang mga mukha ay nakaharap sa lupa.+  Nang makita ni Jose ang kaniyang mga kapatid, kaagad niya silang nakilala, ngunit sinadya niyang hindi nila siya makilala.+ Kaya nagsalita siya sa kanila nang may kabagsikan at sinabi sa kanila: “Saan kayo nanggaling?” na dito ay sinabi nila: “Sa lupain ng Canaan upang bumili ng pagkain.”+  Sa gayon ay nakilala ni Jose ang kaniyang mga kapatid, ngunit hindi nila siya nakilala.  Kaagad na naalaala ni Jose ang mga panaginip na napanaginipan niya may kaugnayan sa kanila,+ at sinabi niya sa kanila: “Kayo ay mga tiktik! Kayo ay pumarito upang makita ang lantad na kalagayan ng lupain!”+ 10  Nang magkagayon ay sinabi nila sa kaniya: “Hindi, panginoon+ ko, kundi ang iyong mga lingkod+ ay pumarito upang bumili ng pagkain. 11  Kaming lahat ay mga anak ng iisang lalaki. Kami ay mga taong matuwid. Ang iyong mga lingkod ay hindi mga tiktik.”+ 12  Ngunit sinabi niya sa kanila: “Hindi! Sapagkat kayo ay pumarito upang makita ang lantad na kalagayan ng lupain!”+ 13  Dahil dito ay sinabi nila: “Ang iyong mga lingkod ay labindalawang magkakapatid na lalaki.+ Kami ay mga anak ng iisang lalaki+ sa lupain ng Canaan; at narito, ang bunso ay kasama ng aming ama ngayon,+ samantalang ang isa pa ay wala na.”+ 14  Gayunman, sinabi ni Jose sa kanila: “Gaya nga ng sinalita ko sa inyo, na sinasabi, ‘Kayo ay mga tiktik!’ 15  Sa ganito kayo susubukin. Buháy si Paraon, hindi kayo aalis dito malibang pumarito ang inyong bunsong kapatid.+ 16  Isugo ninyo ang isa sa inyo upang madala niya ang inyong kapatid habang kayo ay nakagapos, upang masubok ang inyong mga salita kung may katotohanan sa inyo.+ At kung hindi, kung gayon, buháy si Paraon, kayo ay mga tiktik.” 17  Sa gayon ay inilagay niya silang sama-sama sa kulungan sa loob ng tatlong araw. 18  Pagkatapos ay sinabi ni Jose sa kanila nang ikatlong araw: “Gawin ninyo ito at manatili kayong buháy. Ako ay natatakot+ sa tunay na Diyos. 19  Kung kayo ay matuwid, ang isa sa inyong mga kapatid ay manatiling nakagapos sa inyong bahay-kulungan,+ ngunit ang iba pa sa inyo ay yumaon, kumuha kayo ng mga binutil dahil sa taggutom sa inyong mga sambahayan.+ 20  Pagkatapos ay dadalhin ninyo sa akin ang inyong bunsong kapatid, upang ang inyong mga salita ay mapatunayang mapagkakatiwalaan; at hindi kayo mamamatay.”+ At gayon ang ginawa nila. 21  At sila ay nagsimulang magsabi sa isa’t isa: “Walang pagsalang tayo ay nagkasala may kinalaman sa ating kapatid,+ sapagkat nakita natin ang kabagabagan ng kaniyang kaluluwa nang magsumamo siya na kahabagan natin, ngunit hindi tayo nakinig. Iyan ang dahilan kung bakit dumating sa atin ang kabagabagang ito.”+ 22  Nang magkagayon ay sumagot si Ruben sa kanila, na sinasabi: “Hindi ba sinabi ko sa inyo, ‘Huwag kayong magkasala laban sa bata,’ ngunit hindi kayo nakinig?+ At ngayon ang kaniyang dugo, narito, iyon ay sinisingil nga.”+ 23  Kung tungkol sa kanila, hindi nila alam na nakikinig si Jose, sapagkat may tagapagsalin sa kanila. 24  Dahil dito ay humiwalay siya sa kanila at nagsimulang tumangis.+ Nang magkagayon ay bumalik siya sa kanila at nagsalita sa kanila at kinuha si Simeon+ mula sa kanila at iginapos siya sa harap ng kanilang mga mata.+ 25  Pagkatapos ay nag-utos si Jose, at pinunô nila ng mga butil ang kanilang mga lalagyan. Gayundin, dapat nilang ibalik ang salapi ng mga lalaki sa kani-kaniyang sako+ at bigyan sila ng mga panustos para sa paglalakbay.+ Gayon ang ginawa sa kanila. 26  Kaya isinakay nila ang kanilang mga binutil sa kanilang mga asno at yumaon mula roon. 27  Nang buksan ng isa ang kaniyang sako upang bigyan ng kumpay ang kaniyang asno sa dakong tuluyan,+ nakita niya ang kaniyang salapi, at narito, iyon ay nasa bibig ng kaniyang supot.+ 28  Dahil doon ay sinabi niya sa kaniyang mga kapatid: “Ang aking salapi ay nabalik at ngayon ay narito, iyon ay nasa aking supot!” Nang magkagayon ay nanlupaypay ang kanilang mga puso, anupat tumingin sila sa isa’t isa nang may panginginig,+ na sinasabi: “Ano itong ginawa ng Diyos sa atin?”+ 29  Nang maglaon ay dumating sila kay Jacob na kanilang ama sa lupain ng Canaan at sinabi nila sa kaniya ang lahat ng bagay na nangyari sa kanila, na sinasabi: 30  “Ang lalaki na panginoon ng lupain ay nagsalita sa amin nang may kabagsikan,+ sapagkat inakala niyang kami ay mga taong naniniktik sa lupain.+ 31  Ngunit sinabi namin sa kaniya, ‘Kami ay mga taong matuwid.+ Hindi kami mga tiktik. 32  Kami ay labindalawang magkakapatid na lalaki,+ na mga anak ng aming ama.+ Ang isa ay wala na,+ at ang bunso ay kasama ngayon ng aming ama sa lupain ng Canaan.’+ 33  Ngunit sinabi sa amin ng lalaki na panginoon ng lupain,+ ‘Sa ganito ko malalaman na kayo ay matuwid:+ Patigilin ninyong kasama ko ang isang kapatid ninyo.+ Pagkatapos ay kumuha kayo ng anumang bagay dahil sa taggutom sa inyong mga sambahayan at yumaon kayo.+ 34  At dalhin ninyo sa akin ang inyong bunsong kapatid, upang malaman ko na hindi kayo mga tiktik kundi kayo ay matuwid. Ang inyong kapatid ay ibabalik ko sa inyo, at kayo ay makapangangalakal sa lupain.’ ”+ 35  At nangyari, nang inaalisan nila ng laman ang kanilang mga sako ay naroon ang balot ng salapi ng bawat isa sa kaniyang sako. At nakita nila at gayundin ng kanilang ama ang kanilang mga balot ng salapi, at sila ay natakot. 36  Nang magkagayon ay bumulalas sa kanila si Jacob na kanilang ama: “Ako ang inyong inulila!+ Si Jose ay wala na at si Simeon ay wala na,+ at si Benjamin ay kukunin pa ninyo! Sa akin nga sumapit ang lahat ng bagay na ito!” 37  Ngunit sinabi ni Ruben sa kaniyang ama: “Ipapatay mo ang aking dalawang anak kung hindi ko siya maibabalik sa iyo.+ Ibigay mo siya sa aking pangangalaga, at ako ang siyang magbabalik sa kaniya sa iyo.”+ 38  Gayunman, sinabi niya: “Ang aking anak ay hindi bababang kasama ninyo, sapagkat ang kaniyang kapatid ay patay na at siya na lamang ang naiwan.+ Kung isang nakamamatay na sakuna ang mangyari sa kaniya sa daan na inyong paroroonan, tiyak na ibababa ninyo ang aking mga uban na may kasamang pamimighati sa Sheol.”+

Talababa