Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online

BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Galacia 6:1-18

6  Mga kapatid, bagaman ang isang tao ay makagawa ng anumang maling hakbang+ bago niya mabatid ito, kayong may mga espirituwal+ na kuwalipikasyon ay magsikap na ibalik sa ayos ang gayong tao sa espiritu ng kahinahunan,+ habang minamataan ng bawat isa ang kaniyang sarili,+ dahil baka matukso rin kayo.+  Patuloy ninyong dalhin ang mga pasanin+ ng isa’t isa, at sa gayon ay tuparin ninyo ang kautusan ng Kristo.+  Sapagkat kung iniisip ng sinuman na siya ay mahalaga samantalang siya ay walang anuman,+ nililinlang niya ang kaniyang sariling isipan.  Kundi patunayan ng bawat isa kung ano ang kaniyang sariling gawa,+ at kung magkagayon ay magkakaroon siya ng dahilan na magbunyi may kinalaman sa kaniyang sarili lamang, at hindi kung ihahambing+ sa ibang tao.  Sapagkat ang bawat isa ay magdadala ng kaniyang sariling pasan.+  Bukod diyan, ang sinumang bibigang+ tinuturuan ng salita ay magbahagi+ ng lahat ng mabubuting bagay sa isa na nagbibigay ng gayong bibigang pagtuturo.+  Huwag kayong palíligaw:+ Ang Diyos ay hindi isa na malilibak.+ Sapagkat anuman ang inihahasik ng isang tao, ito rin ang kaniyang aanihin;+  sapagkat siyang naghahasik may kinalaman sa kaniyang laman ay mag-aani ng kasiraan mula sa kaniyang laman,+ ngunit siyang naghahasik may kinalaman sa espiritu+ ay mag-aani ng buhay na walang hanggan mula sa espiritu.+  Kaya huwag tayong manghihimagod sa paggawa ng kung ano ang mainam,+ sapagkat sa takdang kapanahunan ay mag-aani tayo kung hindi tayo manghihimagod.+ 10  Kung gayon nga, habang tayo ay may panahong kaayaaya para rito,+ gumawa tayo ng mabuti sa lahat, ngunit lalo na roon sa mga may kaugnayan sa atin sa pananampalataya.+ 11  Tingnan ninyo kung gaano kalalaking mga titik ang isinulat ko sa inyo ng aking sariling kamay.+ 12  Lahat niyaong mga nagnanais na magpakita ng kalugud-lugod na kaanyuan sa laman ang siyang mga pumipilit sa inyo na magpatuli,+ upang huwag lamang silang pag-usigin dahil sa pahirapang tulos ng Kristo,+ si Jesus. 13  Sapagkat kahit yaong mga nagpapatuli mismo ay hindi tumutupad sa Kautusan,+ kundi nais nila kayong maging tuli upang magkaroon sila ng dahilan ukol sa paghahambog sa inyong laman. 14  Huwag nawang mangyari na ako ay maghambog, malibang sa pahirapang tulos+ ng ating Panginoong Jesu-Kristo, na sa pamamagitan niya ang sanlibutan ay naibayubay sa akin+ at ako naman sa sanlibutan. 15  Sapagkat walang anuman ang pagtutuli ni ang di-pagtutuli,+ kundi ang bagong paglalang.+ 16  At sa lahat niyaong mga lalakad nang maayos ayon sa alituntuning ito ng paggawi, sumakanila nawa ang kapayapaan at awa, maging sa Israel ng Diyos.+ 17  Mula ngayon ay huwag na akong guluhin ng sinuman, sapagkat dala ko sa aking katawan ang mga herong tanda+ ng isang alipin ni Jesus.+ 18  Ang di-sana-nararapat na kabaitan ng ating Panginoong Jesu-Kristo ay sumaespiritu+ nawa na inyong ipinakikita, mga kapatid. Amen.

Talababa