Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online | BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Filipos 3:1-21

3  Sa katapus-tapusan, mga kapatid ko, patuloy kayong magsaya sa Panginoon.+ Ang pagsulat ng gayunding mga bagay sa inyo ay hindi kaabalahan para sa akin, kundi ito ay bilang pag-iingat sa inyo.  Mag-ingat kayo sa mga aso,+ mag-ingat kayo sa mga manggagawa ng pinsala, mag-ingat kayo sa mga pumuputol ng laman.+  Sapagkat tayo ang mga may tunay na pagtutuli,+ na nag-uukol ng sagradong paglilingkod sa pamamagitan ng espiritu ng Diyos+ at ipinaghahambog natin si Kristo Jesus+ at ang ating pagtitiwala ay hindi sa laman,+  bagaman ako, kung may sinuman, ay may mga saligan nga upang magtiwala rin sa laman. Kung ang sinumang ibang tao ay nag-iisip na may mga saligan siya upang magtiwala sa laman, lalo na ako:+  tinuli nang ikawalong araw,+ mula sa angkan ng pamilya ni Israel, sa tribo ni Benjamin,+ isang Hebreo na ipinanganak mula sa mga Hebreo;+ kung may kinalaman sa kautusan, isang Pariseo;+  kung may kinalaman sa sigasig, pinag-usig ang kongregasyon;+ kung may kinalaman sa katuwiran na sa pamamagitan ng kautusan, isa na napatunayang walang kapintasan.  Gayunma’y anumang bagay na mga pakinabang para sa akin, ang mga ito ay itinuring kong kawalan dahil sa Kristo.+  Aba, kung tungkol diyan, tunay ngang ang lahat ng bagay ay itinuturing ko rin na kawalan dahil sa nakahihigit na halaga ng kaalaman tungkol kay Kristo Jesus na aking Panginoon.+ Dahil sa kaniya ay tinanggap ko ang kawalan ng lahat ng bagay at itinuturing kong mga basura ang mga iyon,+ upang matamo ko si Kristo  at masumpungang kaisa niya, na taglay, hindi ang sarili kong katuwiran, na resulta ng kautusan,+ kundi yaong sa pamamagitan ng pananampalataya+ kay Kristo, ang katuwiran na nanggagaling sa Diyos salig sa pananampalataya,+ 10  upang makilala siya at ang kapangyarihan ng kaniyang pagkabuhay-muli+ at ang pakikibahagi sa kaniyang mga pagdurusa,+ na ipinasasakop ang aking sarili sa isang kamatayan na tulad ng sa kaniya,+ 11  upang tingnan kung sa anumang paraan ay makakamtan ko ang mas maagang pagkabuhay-muli+ mula sa mga patay. 12  Hindi sa tinanggap ko na ito o napasakdal na ako,+ kundi ako ay nagsusumikap+ upang tingnan kung mahahawakan+ ko rin yaong ipinanghawak+ din sa akin ni Kristo Jesus. 13  Mga kapatid, hindi ko pa itinuturing ang aking sarili na nakahawak na roon; ngunit may isang bagay tungkol dito: Nililimot ang mga bagay na nasa likuran+ at inaabot ang mga bagay na nasa unahan,+ 14  ako ay nagsusumikap patungo sa tunguhin+ ukol sa gantimpala+ ng paitaas na pagtawag+ ng Diyos sa pamamagitan ni Kristo Jesus. 15  Kung gayon, tayong lahat na mga may-gulang,+ magkaroon tayo ng ganitong pangkaisipang saloobin;+ at kung kayo ay may kaisipang nakahilig nang di-gayon sa anumang paraan, isisiwalat sa inyo ng Diyos ang nabanggit na saloobin. 16  Gayunpaman, sa anumang antas tayo nakagawa na ng pagsulong, patuloy tayong lumakad nang maayos+ sa rutina ring ito. 17  Magkaisa kayong maging mga tagatulad+ ko, mga kapatid, at ituon ang inyong mata doon sa mga lumalakad sa paraang kaayon ng halimbawang nakita ninyo sa amin.+ 18  Sapagkat marami, madalas ko silang binabanggit noon ngunit ngayon ay binabanggit ko rin sila na may pagtangis, ang lumalakad bilang mga kaaway ng pahirapang tulos ng Kristo,+ 19  at ang katapusan nila ay pagkapuksa,+ at ang diyos nila ay ang kanilang tiyan,+ at ang kaluwalhatian nila ay nasa kanilang kahihiyan,+ at ang mga kaisipan nila ay nasa mga bagay na nasa lupa.+ 20  Kung para sa atin, ang ating pagkamamamayan+ ay nasa langit,+ na mula sa dako ring iyon ay hinihintay natin nang may pananabik+ ang isang tagapagligtas, ang Panginoong Jesu-Kristo,+ 21  na siyang magbabagong-anyo sa ating abang katawan+ upang maiayon sa kaniyang maluwalhating katawan+ ayon sa pagkilos+ ng kapangyarihang taglay niya, upang ipasakop+ nga sa kaniyang sarili ang lahat ng bagay.

Talababa