Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online | BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Ezekiel 9:1-11

9  At tumawag siya sa aking pandinig sa malakas na tinig, na nagsasabi: “Palapitin ninyo yaong mga nagtutuon ng kanilang pansin sa lunsod, na ang bawat isa ay taglay sa kaniyang kamay ang kaniyang sandatang pamuksa!”  At, narito! may anim na lalaki na dumarating mula sa dako ng mataas+ na pintuang-daan na nakaharap sa hilaga, na ang bawat isa ay taglay sa kaniyang kamay ang kaniyang sandatang pandurog; at isang lalaki ang kasama nila na nadaramtan ng lino,+ na may tintero ng kalihim sa kaniyang mga balakang, at sila ay pumasok at tumayo sa tabi ng altar na tanso.+  At kung tungkol sa kaluwalhatian ng Diyos ng Israel,+ ito ay pumailanlang mula sa ibabaw ng mga kerubin+ na kinaroroonan nito patungo sa pintuan ng bahay,+ at nagsimula siyang tumawag sa lalaking nadaramtan ng lino,+ na may tintero ng kalihim sa kaniyang mga balakang.  At sinabi ni Jehova sa kaniya: “Dumaan ka sa gitna ng lunsod, sa gitna ng Jerusalem, at lagyan mo ng marka ang mga noo ng mga taong nagbubuntunghininga at dumaraing+ dahil sa lahat ng karima-rimarim na bagay na ginagawa sa gitna nito.”+  At sa mga ito naman ay sinabi niya sa aking pandinig: “Dumaan kayo sa lunsod na kasunod niya at manakit kayo. Huwag maawa ang inyong mata, at huwag kayong mahabag.+  Ang matandang lalaki, binata at dalaga at maliit na bata at mga babae+ ay patayin ninyo—hanggang sa malipol. Ngunit sa sinumang taong may marka ay huwag kayong lumapit,+ at sa aking santuwaryo kayo magsimula.”+ Kaya nagsimula sila sa matatandang lalaki na nasa harap ng bahay.+  At sinabi pa niya sa kanila: “Dungisan ninyo ang bahay at punuin ninyo ng mga napatay+ ang mga looban. Humayo kayo!” At sila ay humayo at nanakit sa lunsod.  At nangyari nga, samantalang nananakit sila at ako ay naiwan, na isinubsob ko ang aking mukha+ at humiyaw ako at nagsabi: “Ay,+ O Soberanong Panginoong Jehova! Lilipulin mo ba ang lahat ng nalalabi sa Israel habang ibinubuhos mo sa Jerusalem ang iyong pagngangalit?”+  Kaya sinabi niya sa akin: “Ang kamalian ng sambahayan ng Israel at Juda+ ay pagkalaki-laki,+ at ang lupain ay punô ng pagbububo ng dugo+ at ang lunsod ay punô ng kalikuan;+ sapagkat sinabi nila, ‘Iniwan na ni Jehova ang lupain,+ at hindi nakikita ni Jehova.’+ 10  At sa ganang akin din naman, ang aking mata ay hindi maaawa,+ ni mahahabag man ako.+ Ang kanilang lakad ay tiyak na pasasapitin ko sa kanilang sariling ulo.”+ 11  At, narito! ang lalaking nadaramtan ng lino, na may tintero sa kaniyang mga balakang, ay nagbalik ng salita, na nagsasabi: “Nagawa ko na ang gaya ng iniutos mo sa akin.”+

Talababa