Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online | BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Ezekiel 6:1-14

6  At ang salita ni Jehova ay patuloy na dumating sa akin, na nagsasabi:  “Anak ng tao, ituon mo ang iyong mukha sa mga bundok ng Israel at manghula+ ka sa kanila.+  At sasabihin mo, ‘O mga bundok ng Israel, dinggin ninyo ang salita ng Soberanong Panginoong Jehova:+ Ito ang sinabi ng Soberanong Panginoong Jehova sa mga bundok at sa mga burol,+ sa mga batis at sa mga libis: “Narito ako! Magpapasapit ako sa inyo ng isang tabak, at tiyak na wawasakin ko ang inyong matataas na dako.+  At ang inyong mga altar ay matitiwangwang+ at ang inyong mga patungan ng insenso ay mawawasak, at ang mga napatay sa inyo ay pangyayarihin kong mabulagta sa harap ng inyong mga karumal-dumal na idolo.+  At ilalagay ko ang mga bangkay ng mga anak ni Israel sa harap ng kanilang mga karumal-dumal na idolo, at pangangalatin ko ang inyong mga buto sa buong palibot ng inyong mga altar.+  Sa lahat ng inyong mga tahanang dako+ ang mga lunsod ay mawawasak+ at ang matataas na dako ay matitiwangwang, upang ang mga iyon ay mahandusay na wasak+ at ang inyong mga altar ay mahandusay na tiwangwang at masira+ at ang inyong mga karumal-dumal na idolo ay mapaglaho+ at ang inyong mga patungan ng insenso ay magiba+ at ang inyong mga gawa ay mapawi.  At ang napatay ay tiyak na mabubuwal sa gitna ninyo,+ at inyo ngang makikilala na ako ay si Jehova.+  “ ‘ “At kapag nangyari iyon ay hahayaan kong mapasainyo bilang nalabi yaong mga makatatakas mula sa tabak sa gitna ng mga bansa, kapag nangalat kayo sa mga lupain.+  At tiyak na aalalahanin ako ng mga nakatakas sa inyo sa gitna ng mga bansa na pagdadalhan sa kanila bilang bihag,+ sapagkat nasaktan ako dahil sa kanilang pusong mapakiapid na lumihis mula sa akin+ at dahil sa kanilang mga mata na sumusunod sa kanilang mga karumal-dumal na idolo upang makiapid;+ at tiyak na makadarama sila ng pagkasuklam sa kanilang mga mukha dahil sa masasamang bagay na ginawa nila sa lahat ng kanilang mga karima-rimarim na bagay.+ 10  At kanila ngang makikilala na ako ay si Jehova; hindi ako nagsalita nang walang kabuluhan+ tungkol sa pagsasagawa sa kanila ng kapaha-pahamak na bagay na ito.” ’+ 11  “Ito ang sinabi ng Soberanong Panginoong Jehova, ‘Ipalakpak mo ang iyong mga kamay+ at ipadyak mo ang iyong paa, at sabihin mo: “Ay!” dahil sa lahat ng masasamang karima-rimarim na bagay ng sambahayan ng Israel,+ sapagkat sa pamamagitan ng tabak,+ sa pamamagitan ng taggutom+ at sa pamamagitan ng salot ay mabubuwal sila.+ 12  Kung tungkol sa isang nasa malayo,+ sa pamamagitan ng salot ay mamamatay siya; at kung tungkol sa isang nasa malapit, sa pamamagitan ng tabak ay mabubuwal siya; at kung tungkol sa isang naiwan at naingatan, sa pamamagitan ng taggutom ay mamamatay siya, at tatapusin ko ang aking pagngangalit laban sa kanila.+ 13  At inyo ngang makikilala na ako ay si Jehova,+ kapag ang mga napatay sa kanila ay napasagitna ng kanilang mga karumal-dumal na idolo,+ sa buong palibot ng kanilang mga altar,+ sa ibabaw ng bawat mataas na burol,+ sa lahat ng taluktok ng mga bundok+ at sa ilalim ng bawat mayabong na punungkahoy+ at sa ilalim ng bawat masanga at malaking punungkahoy,+ ang dakong pinaghandugan nila ng nakagiginhawang amoy para sa lahat ng kanilang karumal-dumal na idolo.+ 14  At iuunat ko ang aking kamay laban sa kanila+ at ang lupain ay gagawin kong tiwangwang na kaguhuan, isa ngang pagkatiwangwang na masahol pa sa ilang sa dakong Dibla, sa lahat ng kanilang tahanang dako. At kanila ngang makikilala na ako ay si Jehova.’ ”

Talababa