Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online

BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Ezekiel 47:1-23

47  At sa kalaunan ay ibinalik niya ako sa pasukan ng Bahay,+ at, narito! may tubig+ na lumalabas mula sa ilalim ng pintuan ng Bahay sa gawing silangan,+ sapagkat ang harap ng Bahay ay sa silangan. At ang tubig ay bumababa mula sa ilalim, mula sa gawing kanan ng Bahay, sa dakong timog ng altar.  At sa kalaunan ay inilabas niya ako sa daan ng hilagaang pintuang-daan+ at inilibot niya ako sa daan sa labas patungo sa pintuang-daan sa dakong labas na nakaharap sa silangan,+ at, narito! may tubig+ na tumutulo mula sa gawing kanan.  Nang ang lalaki ay lumabas sa gawing silangan taglay ang isang pising panukat sa kaniyang kamay,+ sumukat din siya ng isang libong siko at pinaraan ako sa tubig, tubig na hanggang sa mga bukung-bukong.  At nagpatuloy siyang sumukat ng isang libo at pagkatapos ay pinaraan ako sa tubig, tubig na hanggang sa mga tuhod. At nagpatuloy siyang sumukat ng isang libo at ngayon ay pinaraan ako—tubig na hanggang sa mga balakang.  At nagpatuloy siyang sumukat ng isang libo. Iyon ay isang ilog na hindi ko madaanan, sapagkat ang tubig ay tumaas, tubig na maaaring languyan, isang ilog na hindi madaraanan.  Sa gayon ay sinabi niya sa akin: “Nakikita mo ba ito, O anak ng tao?” Pagkatapos ay pinalakad niya ako at pinabalik ako sa pampang ng ilog.  Nang bumalik ako, aba, narito! sa pampang ng ilog ay may pagkarami-raming punungkahoy, sa panig na ito at sa panig na iyon.+  At sinabi niya sa akin: “Ang tubig na ito ay lumalabas patungo sa silanganing pook at bababa at daraan sa Araba.+ At ito ay paroroon sa dagat.+ Kapag nakarating na ito sa dagat,+ ang tubig nga nito ay mapagagaling.  At mangyayari nga na ang bawat kaluluwang buháy na nagkukulupon,+ sa bawat dakong paroonan ng agos na doble ang laki, ay magkakaroon ng buhay. At mangyayari nga na magkakaroon ng napakaraming isda, sapagkat doon tiyak na paroroon ang tubig na ito, at ang tubig-dagat ay mapagagaling,+ at ang lahat ng bagay ay mabubuhay sa paroroonan ng ilog. 10  “At mangyayari nga na ang mga mangingisda ay tatayo sa tabi nito mula sa En-gedi+ at maging hanggang sa En-eglaim. Magkakaroon ng isang dakong patuyuan ng mga pangubkob na lambat. Magiging ayon sa kani-kanilang uri ang kanilang mga isda, gaya ng mga isda sa Malaking Dagat,+ napakarami. 11  “Naroon ang mga latiang dako nito at ang mga matubig na dako nito, at ang mga iyon ay hindi mapagagaling.+ Sa asin nga ibibigay ang mga iyon.+ 12  “At sa tabi ng ilog ay tutubo, sa pampang niyaon sa panig na ito at sa panig na iyon, ang lahat ng uri ng punungkahoy para sa pagkain.+ Ang kanilang mga dahon ay hindi malalanta,+ ni mauubos man ang kanilang mga bunga.+ Sa kanilang mga buwan ay magkakaroon sila ng bagong bunga, sapagkat ang tubig para sa kanila—iyon ay lumalabas mula sa mismong santuwaryo.+ At ang kanilang mga bunga ay magiging pagkain at ang kanilang mga dahon ay pampagaling.”+ 13  Ito ang sinabi ng Soberanong Panginoong Jehova: “Ito ang teritoryo na itatakda ninyo sa inyong sarili na pinakamana bilang lupain para sa labindalawang tribo ng Israel, at ang dalawang piraso ng bukirin ay para kay Jose.+ 14  At mamanahin ninyo ito, sa bawat isa ay gaya ng sa kaniyang kapatid, na siyang lupain na ipinagtaas ko ng aking kamay bilang panunumpa+ upang ibigay sa inyong mga ninuno;+ at ang lupaing ito ay mahuhulog sa inyo sa pamamagitan ng palabunutan bilang mana.+ 15  “At ito ang hangganan ng lupain sa dakong hilagaan, mula sa Malaking Dagat sa daang patungo sa Hetlon,+ kapag ang isa ay patungo sa Zedad,+ 16  Hamat,+ Berota,+ Sibraim, na nasa pagitan ng hangganan ng Damasco+ at ng hangganan ng Hamat; ang Hazer-haticon, na nasa gawing hangganan ng Hauran.+ 17  At ang magiging hangganan mula sa dagat ay ang Hazar-enon,+ ang hangganan ng Damasco at sa hilaga—sa gawing hilaga, at ang hangganan ng Hamat.+ Ito ang dakong hilagaan. 18  “At ang dakong silanganin ay mula sa pagitan ng Hauran+ at ng Damasco+ at sa pagitan ng Gilead+ at ng lupain ng Israel; ang Jordan,+ mula sa hangganan hanggang sa silanganing dagat ay susukatin ninyo. Ito ang dakong silanganin. 19  “At ang dakong timugan ay sa gawing timog, mula sa Tamar+ hanggang sa tubig ng Meribat-kades,+ ang agusang libis+ hanggang sa Malaking Dagat. Ito ang dakong nasa timog, sa gawing Negeb. 20  “At ang dakong kanluranin ay ang Malaking Dagat, mula sa hangganan at deretso hanggang sa pagpasok sa Hamat.+ Ito ang dakong kanluranin.” 21  “At hahati-hatiin ninyo ang lupaing ito sa inyong sarili, sa labindalawang tribo ng Israel. 22  At mangyayari nga na hahati-hatiin ninyo iyon bilang mana sa inyong sarili+ at sa mga naninirahang dayuhan na naninirahan bilang mga dayuhan sa gitna ninyo,+ na nagkaanak ng mga anak sa gitna ninyo. At sa inyo ay magiging tulad sila ng katutubo sa gitna ng mga anak ni Israel. Kasama ninyo silang magkakaroon ng mana sa pamamagitan ng palabunutan sa gitna ng mga tribo ng Israel.+ 23  At mangyayari nga na sa tribong iyon kung saan ang naninirahang dayuhan ay nakipanirahan bilang dayuhan, doon ninyo ibibigay ang kaniyang mana,” ang sabi ng Soberanong Panginoong Jehova.

Talababa