Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online | BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Ezekiel 46:1-24

46  “Ito ang sinabi ng Soberanong Panginoong Jehova, ‘Kung tungkol sa pintuang-daan ng pinakaloob na looban na nakaharap sa silangan,+ iyon ay mananatiling nakasara+ sa loob ng anim na araw ng paggawa,+ at sa araw ng sabbath ay bubuksan iyon, at sa araw ng bagong buwan ay bubuksan iyon.+  At ang pinuno ay papasok sa daan ng beranda ng pintuang-daan,+ mula sa labas, at tatayo sa tabi ng poste ng pinto ng pintuang-daan;+ at ihahain ng mga saserdote ang kaniyang buong handog na sinusunog at ang kaniyang mga haing pansalu-salo, at yuyukod siya sa may pintuan ng pintuang-daan,+ at lalabas siya, ngunit ang pintuang-daan ay hindi isasara hanggang sa kinagabihan.  At ang bayan ng lupain ay yuyukod sa may pasukan ng pintuang-daang iyon sa mga sabbath at sa mga bagong buwan, sa harap ni Jehova.+  “ ‘At ang buong handog na sinusunog na ihahandog ng pinuno kay Jehova sa araw ng sabbath ay anim na malulusog na lalaking kordero at isang malusog na barakong tupa;+  at bilang handog na mga butil ay isang epa para sa barakong tupa,+ at para sa mga lalaking kordero ay isang handog na mga butil ayon sa kaya niyang ibigay,+ at, kung tungkol sa langis, isang hin para sa epa.+  At sa araw ng bagong buwan+ ay magkakaroon ng isang guyang toro, na anak ng bakahan, yaong malusog, at anim na lalaking kordero at isang barakong tupa; dapat na malulusog ang mga iyon.+  At isang epa para sa guyang toro at isang epa para sa barakong tupa ang ihahain niya bilang handog na mga butil, at para sa mga lalaking kordero ay ayon sa makakayanan niya; at, kung tungkol sa langis, isang hin para sa epa.+  “ ‘At kapag papasok ang pinuno,+ papasok siya sa daan ng beranda ng pintuang-daan, at sa daang ito siya lalabas.+  At kapag ang bayan ng lupain ay papasok sa harap ni Jehova sa mga kapanahunan ng pista,+ yaong pumapasok sa daan ng hilagaang pintuang-daan+ upang yumukod ay lalabas sa daan ng timugang pintuang-daan;+ at yaong pumapasok sa daan ng timugang pintuang-daan ay lalabas sa daan ng pintuang-daan sa dakong hilaga. Walang sinumang babalik sa daan ng pintuang-daan na kaniyang pinasukan, sapagkat siya ay lalabas nang deretso sa unahan niya. 10  At kung tungkol sa pinuno sa gitna nila, kapag pumasok sila ay papasok siya; at kapag lumabas sila ay lalabas siya.+ 11  At sa mga kapistahan+ at sa mga kapanahunan ng pista ang handog na mga butil ay dapat na isang epa para sa guyang toro at isang epa para sa barakong tupa, at ang para sa mga lalaking kordero ay ayon sa kaya niyang ibigay; at, kung tungkol sa langis, isang hin para sa epa.+ 12  “ ‘At kapag ang pinuno ay maglalaan ng buong handog na sinusunog+ bilang kusang-loob na handog, o ng mga haing pansalu-salo bilang kusang-loob na handog kay Jehova, bubuksan din sa kaniya ang pintuang-daan na nakaharap sa silangan,+ at ilalaan niya ang kaniyang buong handog na sinusunog at ang kaniyang mga haing pansalu-salo gaya ng ginagawa niya kapag araw ng sabbath.+ At lalabas siya, at may isang magsasara ng pintuang-daan pagkalabas niya.+ 13  “ ‘At isang malusog na lalaking kordero, na nasa unang taon nito, ang ilalaan mo bilang buong handog na sinusunog sa araw-araw para kay Jehova.+ Uma-umaga ay ilalaan mo iyon. 14  At bilang handog na mga butil ay ilalaan mong kasama nito sa uma-umaga ang isang kanim ng epa at, kung tungkol sa langis, ang isang katlong hin para sa pagwiwisik sa mainam na harina.+ Ang handog na mga butil para kay Jehova ay isang batas na namamalagi nang walang takda, palagian. 15  At ilalaan nila ang lalaking kordero at ang handog na mga butil at ang langis sa uma-umaga bilang palagiang buong handog na sinusunog.’ 16  “Ito ang sinabi ng Soberanong Panginoong Jehova, ‘Kung ang pinuno ay magbibigay ng kaloob sa bawat isa sa kaniyang mga anak bilang kaniyang mana, iyon ay magiging ari-arian ng kaniyang mga anak. Iyon ang kanilang pag-aaring minana. 17  At kung magbibigay siya ng kaloob mula sa kaniyang mana sa isa sa kaniyang mga lingkod, magiging kaniya nga iyon hanggang sa taon ng paglaya;+ at iyon ay mababalik sa pinuno. Ang kaniyang mana lamang—kung tungkol sa kaniyang mga anak—ang mananatiling kanilang sariling pag-aari. 18  At hindi kukunin ng pinuno ang alinmang mana ng bayan upang sapilitan silang paalisin sa kanilang pag-aari.+ Mula sa kaniyang sariling pag-aari ay magbibigay siya ng mana sa kaniyang mga anak, upang ang aking bayan ay hindi mangalat, ang bawat isa mula sa kaniyang pag-aari.’ ”+ 19  At ipinasok niya ako sa pasukang-daan+ na nasa gilid ng pintuang-daan patungo sa banal na mga silid-kainan, yaong sa mga saserdote, na nakaharap sa hilaga,+ at, narito! may isang dako roon sa magkabilang dakong likuran sa gawing kanluran. 20  At sinabi niya sa akin: “Sa dakong ito magpapakulo ang mga saserdote ng handog ukol sa pagkakasala+ at ng handog ukol sa kasalanan,+ at magluluto ng handog na mga butil,+ upang huwag maglabas ng anuman sa looban sa dakong labas anupat mapabanal ang bayan.”+ 21  At inilabas niya ako sa looban sa dakong labas at pinaraan ako sa apat na panulok na poste ng looban, at, narito! may isang looban sa tabi ng panulok na posteng ito ng looban, isang looban sa tabi ng panulok na posteng iyon ng looban. 22  Sa apat na panulok na poste ng looban ay may maliliit na looban, apatnapung siko ang haba at tatlumpu ang lapad. Ang apat na ito na may mga panulok na kayarian ay may magkakatulad na sukat. 23  At may isang hanay sa palibot ng mga ito, sa palibot ng apat na ito, at may mga pakuluan+ na ginawa sa ilalim ng mga hanay sa palibot. 24  Pagkatapos ay sinabi niya sa akin: “Ito ang mga bahay niyaong mga tagapagpakulo, kung saan pinakukuluan ng mga lingkod sa Bahay ang hain ng bayan.”+

Talababa