Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online

BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Ezekiel 45:1-25

45  “ ‘At kapag hahati-hatiin ninyo ang lupain bilang mana,+ maghahandog kayo ng isang abuloy kay Jehova,+ isang banal na bahagi mula sa lupain;+ kung tungkol sa haba, dalawampu’t limang libong siko ang haba, at kung tungkol sa lapad, sampung libo.+ Ito ay magiging isang banal na bahagi sa lahat ng mga hangganan nito sa palibot.  Mula rito ay magkakaroon ng para sa dakong banal, na ang haba niyaon ay limang daan at ang lapad ay limang daan, anupat eskuwalado iyon sa palibot;+ at magkakaroon iyon ng limampung siko bilang pastulan sa bawat panig.+  At mula sa sukat na ito ay susukatin mo ang haba na dalawampu’t limang libo at ang lapad na sampung libo, at ang santuwaryo ay malalagay roon, isang kabanal-banalang bagay.+  Bilang isang banal na bahagi mula sa lupain, iyon ay magiging para sa mga saserdote,+ ang mga lingkod sa santuwaryo, yaong mga lumalapit upang maglingkod kay Jehova.+ At sa kanila ay magiging dako iyon para sa mga bahay, at isang sagradong dako para sa santuwaryo.  “ ‘Magkakaroon ng haba na dalawampu’t limang libo at lapad na sampung libo.+ Iyon ay magiging sa mga Levita, ang mga lingkod sa Bahay. Bilang pag-aari ay magkakaroon sila ng dalawampung silid-kainan.+  “ ‘At bilang pag-aari ng lunsod, magbibigay kayo ng lapad na limang libo at haba na dalawampu’t limang libo, katulad na katulad ng banal na abuloy.+ Iyon ay magiging ukol sa buong sambahayan ng Israel.  “ ‘At ang pinuno ay magkakaroon sa panig na ito at sa panig na iyon ng banal na abuloy+ at ng pag-aari ng lunsod, sa tabi ng banal na abuloy at sa tabi ng pag-aari ng lunsod, ng bahagi sa dakong kanluran sa gawing kanluran at ng bahagi sa dakong silangan sa gawing silangan. At ang haba ay magiging katulad na katulad ng isa sa mga bahagi, mula sa kanluraning hangganan hanggang sa silanganing hangganan.+  Kung tungkol sa lupain, iyon ay magiging kaniya bilang pag-aari sa Israel. At hindi na pagmamalupitan ng aking mga pinuno ang aking bayan,+ at ang lupain ay ibibigay nila sa sambahayan ng Israel ayon sa kanilang mga tribo.’+  “Ito ang sinabi ng Soberanong Panginoong Jehova, ‘Sapat na iyan sa inyo, O mga pinuno ng Israel!’+ “ ‘Alisin ninyo ang karahasan at ang pananamsam,+ at magsagawa kayo ng katarungan at ng katuwiran.+ Alisin ninyo sa aking bayan ang inyong mga pangangamkam,’+ ang sabi ng Soberanong Panginoong Jehova. 10  ‘Dapat kayong magkaroon ng hustong timbangan at hustong epa at hustong takal na bat.+ 11  Kung tungkol sa epa at sa takal na bat, dapat magkaroon ng iisang takdang dami, na ang bat ay maglalaman ng ikasampu ng isang homer at ang ikasampu ng homer ay isang epa;+ batay sa homer ang dapat na maging kahilingang dami nito. 12  At ang siklo+ ay dalawampung gerah.+ Dalawampung siklo, dalawampu’t limang siklo, labinlimang siklo ang siyang magiging maneh para sa inyo.’ 13  “ ‘Ito ang abuloy na ihahandog ninyo, ang isang kanim na bahagi ng epa mula sa homer ng trigo, at ang isang kanim na bahagi ng epa mula sa homer ng sebada; 14  at kung tungkol sa takdang bahagi ng langis, nariyan ang takal na bat ng langis. Ang bat ay ikasampu ng kor. Ang sampung bat ay isang homer; sapagkat ang sampung bat ay isang homer. 15  At isang tupa mula sa kawan, mula sa dalawang daan mula sa mga alagang hayop ng Israel,+ para sa handog na mga butil+ at para sa buong handog na sinusunog+ at para sa mga haing pansalu-salo,+ upang magbayad-sala para sa kanila,’+ ang sabi ng Soberanong Panginoong Jehova. 16  “ ‘Kung tungkol sa buong bayan ng lupain, magiging pananagutan nila ang abuloy+ na ito sa pinuno sa Israel.+ 17  At sa pinuno+ ay maaatang ang mga buong handog na sinusunog+ at ang handog na mga butil+ at ang handog na inumin+ sa mga kapistahan+ at sa mga bagong buwan+ at sa mga sabbath,+ sa lahat ng mga kapanahunan ng pista ng sambahayan ng Israel.+ Siya ang maglalaan ng handog ukol sa kasalanan at ng handog na mga butil at ng buong handog na sinusunog at ng mga haing pansalu-salo, upang magbayad-sala para sa sambahayan ng Israel.’ 18  “Ito ang sinabi ng Soberanong Panginoong Jehova, ‘Sa unang buwan, sa unang araw ng buwan, kukuha ka ng isang guyang toro, na isang anak ng bakahan, yaong malusog,+ at dadalisayin mo ang santuwaryo mula sa kasalanan.+ 19  At ang saserdote ay kukuha ng dugo ng handog ukol sa kasalanan at ilalagay niya iyon sa poste ng pinto+ ng Bahay at sa apat na panulukan ng nakapalibot na ungos na bahagi ng altar+ at sa poste ng pinto ng pintuang-daan ng pinakaloob na looban. 20  At ganiyan ang gagawin mo sa ikapitong araw ng buwan para sa sinumang tao na nakagawa ng pagkakamali+ at para sa sinumang walang-karanasan; at magbabayad-sala kayo para sa Bahay.+ 21  “ ‘Sa unang buwan, sa ikalabing-apat na araw ng buwan, ay gaganapin ninyo ang paskuwa.+ Bilang isang kapistahan sa loob ng pitong araw, mga tinapay na walang pampaalsa ang dapat kainin.+ 22  At sa araw na iyon, para sa kaniyang sarili at para sa buong bayan ng lupain, ang pinuno ay maglalaan ng isang guyang toro bilang handog ukol sa kasalanan.+ 23  At para sa pitong araw ng kapistahan+ ay ilalaan niya bilang buong handog na sinusunog para kay Jehova ang pitong guyang toro at ang pitong barakong tupa, malulusog, araw-araw para sa pitong araw,+ at bilang handog ukol sa kasalanan ay isang barakong kambing araw-araw.+ 24  At bilang handog na mga butil ay ilalaan niya ang isang epa para sa guyang toro at isang epa para sa barakong tupa, at, kung tungkol sa langis, isang hin para sa epa.+ 25  “ ‘Sa ikapitong buwan, sa ikalabinlimang araw ng buwan, sa panahon ng kapistahan,+ maglalaan siya ng gaya rin ng mga ito para sa pitong araw,+ gaya rin ng handog ukol sa kasalanan, gaya ng buong handog na sinusunog, at gaya ng handog na mga butil at gaya ng langis.’ ”

Talababa