Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online

BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Ezekiel 41:1-26

41  At dinala niya ako sa templo, at sinukat niya ang mga panggilid na haligi, anim na siko ang lapad sa dako rito at anim na siko ang lapad sa dako roon, ang lapad ng panggilid na haligi.  At ang lapad ng pasukan ay sampung siko, at ang mga gilid ng pasukan ay limang siko sa dako rito at limang siko sa dako roon. At sinukat niya ang haba nito, apatnapung siko; at ang lapad, dalawampung siko.  At pumasok siya sa loob at sinukat ang panggilid na haligi ng pasukan, dalawang siko; at ang pasukan, anim na siko; at ang lapad ng pasukan ay pitong siko.  At sinukat niya ang haba nito, dalawampung siko; at ang lapad nito, dalawampung siko,+ sa harap ng templo. Pagkatapos ay sinabi niya sa akin: “Ito ang Kabanal-banalan.”+  At sinukat niya ang pader ng bahay, anim na siko. At ang lapad ng tagilirang silid ay apat na siko, sa palibot; ito ay sa buong palibot ng bahay, sa palibot.+  At ang mga tagilirang silid ay may tagilirang silid sa ibabaw ng tagilirang silid, tatlong palapag, at tatlumpung ulit; at ang mga ito ay papasók sa pader na bahagi ng bahay, samakatuwid nga, ang mga tagilirang silid sa buong palibot, upang ang mga ito ay masuhayan, ngunit hindi nakasuhay ang mga ito sa pader ng bahay.+  At papaluwang at papaikot na paitaas nang paitaas patungo sa mga tagilirang silid, sapagkat ang paikot na daanan ng bahay ay paitaas nang paitaas sa buong palibot ng bahay.+ Kaya papaluwang at paitaas patungo sa bahay, at mula sa pinakaibabang palapag ay makaaakyat ang isa patungo sa pinakaitaas na palapag,+ sa pamamagitan ng panggitnang palapag.  At nakita ko na may isang mataas na plataporma para sa bahay sa buong palibot. Kung tungkol sa mga pundasyon ng mga tagilirang silid, may isang buong tambo na anim na siko hanggang sa dugtungan.+  Ang lapad ng pader na bahagi ng tagilirang silid, sa gawing labas, ay limang siko. At may bahaging iniwang nakabukas sa pagkakagawa ng mga tagilirang silid na bahagi ng bahay. 10  At sa pagitan ng mga silid-kainan+ ay dalawampung siko ang lapad sa palibot ng bahay, sa buong palibot. 11  At ang pasukan ng tagilirang silid ay sa dako ng bahaging iniwang nakabukas, ang isang pasukan ay nasa dakong hilaga at ang isang pasukan ay nasa gawing timog; at ang lapad ng nasasakupan ng bahaging iniwang nakabukas ay limang siko, sa buong palibot. 12  At ang gusali na nasa harap ng nakabukod na dako, na ang gilid ay nasa dakong kanluran, ay may lapad na pitumpung siko. At ang pader ng gusali ay may lapad na limang siko, ito ay sa buong palibot; at ang haba nito ay siyamnapung siko. 13  At sinukat niya ang bahay, isang daang siko ang haba; at ang nakabukod na dako at ang gusali at ang mga pader nito, isang daang siko ang haba. 14  At ang lapad ng harap ng bahay at ng nakabukod na dako sa dakong silangan ay isang daang siko. 15  At sinukat niya ang haba ng gusali sa harap ng nakabukod na dako na nasa likuran nito at ng mga galerya nito sa panig na ito at sa panig na iyon, isang daang siko. Gayundin ang templo at ang pinakaloob na dako+ at ang mga beranda ng looban; 16  ang mga pintuan, at ang mga bintana na papakipot ang mga hamba,+ at ang mga galerya ay nasa palibot ng tatlong iyon. Sa harap ng pintuan ay may entrepanyong kahoy sa buong palibot,+ at mula sa sahig hanggang sa mga bintana; at ang mga bintana ay may takip. 17  Mula sa itaas ng pasukan at hanggang sa pinakaloob na bahay at sa labas at sa buong pader sa buong palibot, sa pinakaloob na bahay at sa labas, ay may mga sukat, 18  mga nakaukit na kerubin+ at mga larawan ng puno ng palma,+ at may isang larawan ng puno ng palma sa pagitan ng kerubin at kerubin, at ang kerubin ay may dalawang mukha.+ 19  At ang mukha ng tao ay nakaharap sa larawan ng puno ng palma sa panig na ito, at ang mukha ng may-kilíng na batang leon ay nakaharap sa larawan ng puno ng palma sa panig na iyon,+ at ang mga iyon ay inukit sa buong bahay sa buong palibot. 20  Mula sa sahig hanggang sa itaas ng pasukan ay may mga nakaukit na kerubin at mga larawan ng puno ng palma, sa pader ng templo. 21  Kung tungkol sa templo, ang poste ng pinto ay eskuwalado;+ at sa harap ng dakong banal ay may anyo na katulad ng sumusunod na anyo: 22  ang altar na kahoy ay may taas na tatlong siko, at ang haba nito ay dalawang siko, at ito ay may mga panulok na poste.+ At ang haba nito at ang mga pader nito ay kahoy. At nagsalita siya sa akin: “Ito ang mesa na nasa harap ni Jehova.”+ 23  At ang templo at ang dakong banal ay may dalawang pinto.+ 24  At ang mga pinto ay may dalawang pohas ng pinto, na ang dalawa ay naipipihit. Ang isang pinto ay may dalawang pohas ng pinto, at ang kabila ay may dalawang pohas ng pinto. 25  At sa mga ito ay may ginawa, sa mga pinto ng templo, na mga kerubin at mga larawan ng puno ng palma,+ tulad ng mga ginawa para sa mga pader, at may isang kulandong na kahoy sa harap sa ibabaw ng beranda sa labas. 26  At may mga bintana na papakipot ang mga hamba+ at mga larawan ng puno ng palma sa dako rito at sa dako roon sa mga gilid ng beranda at ng mga tagilirang silid ng bahay at ng mga kulandong.

Talababa