Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online

BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Ezekiel 35:1-15

35  At ang salita ni Jehova ay patuloy na dumating sa akin, na nagsasabi:  “Anak ng tao, ituon mo ang iyong mukha+ laban sa bulubunduking pook ng Seir+ at manghula ka laban dito.+  At sabihan mo iyon, ‘Ito ang sinabi ng Soberanong Panginoong Jehova: “Narito, ako ay laban sa iyo, O bulubunduking pook ng Seir,+ at iuunat ko ang aking kamay laban sa iyo+ at gagawin kitang isang tiwangwang na kaguhuan, isa ngang pagkatiwangwang.+  Ang iyong mga lunsod ay gagawin kong wasak na dako, at ikaw man ay magiging isang lubusang tiwangwang na kaguhuan;+ at iyo ngang makikilala na ako ay si Jehova,+  sa dahilang ikaw ay may pakikipag-alit+ na namamalagi nang walang takda at lagi mong ibinibigay ang mga anak ni Israel sa kapangyarihan ng tabak,+ sa panahon ng kanilang kasakunaan,+ sa panahon ng kanilang huling kamalian.” ’+  “ ‘Kaya buháy ako,’ ang sabi ng Soberanong Panginoong Jehova, ‘sapagkat inihahanda kita ukol sa dugo, dugo rin naman ang tutugis sa iyo.+ Tunay ngang dugo ang kinapootan mo, at dugo ang tutugis sa iyo.+  At gagawin ko ngang isang tiwangwang na kaguhuan ang bulubunduking pook ng Seir, isa ngang pagkatiwangwang,+ at ihihiwalay ko mula roon ang dumaraan at ang bumabalik.+  At ang mga bundok nito ay pupunuin ko ng mga napatay roon; kung tungkol sa iyong mga burol at sa iyong mga libis at sa lahat ng iyong mga batis, ang mga napatay sa pamamagitan ng tabak ay mabubuwal sa mga iyon.+  Gagawin kitang mga tiwangwang na kaguhuan na namamalagi nang walang takda, at ang iyong mga lunsod ay hindi tatahanan;+ at inyo ngang makikilala na ako ay si Jehova.’+ 10  “Dahilan sa pagsasabi mo, ‘Ang dalawang bansang ito at ang dalawang lupaing ito—ang mga ito ay magiging akin, at tiyak na aariin namin ang bawat lupain,’+ gayong si Jehova mismo ay naroon,+ 11  ‘kaya buháy ako,’ ang sabi ng Soberanong Panginoong Jehova, ‘kikilos din ako ayon sa iyong galit at ayon sa iyong paninibugho na ipinamalas mo dahil sa iyong pagkapoot sa kanila;+ at ipakikilala ko ang aking sarili sa gitna nila kapag hinatulan kita.+ 12  At iyo ngang malalaman na ako mismo, si Jehova, ang nakarinig sa lahat ng iyong kawalang-galang na sinabi mo may kinalaman sa mga bundok ng Israel,+ na sinasabi: “Ang mga iyon ay itiniwangwang. Ibinigay sa atin ang mga iyon bilang pagkain.”+ 13  At patuloy kayong naghahambog laban sa akin sa pamamagitan ng inyong mga bibig,+ at pinarami ninyo laban sa akin ang inyong mga salita.+ Ako mismo ang nakarinig ng mga iyon.’+ 14  “Ito ang sinabi ng Soberanong Panginoong Jehova, ‘Kasabay ng pagsasaya ng buong lupa, gagawin kitang isang tiwangwang na kaguhuan. 15  Kung paanong nagsaya ka dahil sa mana ng sambahayan ng Israel sapagkat iyon ay itiniwangwang, ang gayunding bagay ay gagawin ko sa iyo.+ Magiging tiwangwang na kaguhuan ka, O bulubunduking pook ng Seir, maging ang buong Edom, ang kabuuan nito;+ at kanila ngang makikilala na ako ay si Jehova.’ ”+

Talababa