Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online

BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Ezekiel 30:1-26

30  At ang salita ni Jehova ay patuloy na dumating sa akin, na nagsasabi:  “Anak ng tao, manghula ka, at sabihin mo,+ ‘Ito ang sinabi ng Soberanong Panginoong Jehova: “Magpalahaw kayo, ‘Sa aba ng araw na iyon!’+  sapagkat ang isang araw ay malapit na, oo, ang isang araw na nauukol kay Jehova ay malapit na.+ Iyon ay magiging isang araw na maulap,+ isang takdang panahon ng mga bansa.+  At isang tabak ang tiyak na darating sa Ehipto,+ at ang matitinding kirot ay sasapit sa Etiopia kapag ang isa ay nabuwal na patay sa Ehipto at kinuha nila ang yaman nito at ang mga pundasyon nito ay giniba.+  Ang Etiopia+ at ang Put+ at ang Lud at ang buong haluang pangkat+ at ang Kub at ang mga anak ng lupain ng tipan—mabubuwal silang kasama nila sa pamamagitan ng tabak.” ’+  “Ito ang sinabi ni Jehova, ‘Ang mga umaalalay sa Ehipto ay mabubuwal din, at ang pagmamapuri ng lakas nito ay mábababâ.’+ “ ‘Mula sa Migdol+ hanggang sa Seyene+ ay mabubuwal sila roon sa pamamagitan nga ng tabak,’ ang sabi ng Soberanong Panginoong Jehova.  ‘Ititiwangwang din sila sa gitna ng mga nakatiwangwang na lupain, at ang mga lunsod nito ay mapapasagitna mismo ng mga wasak na lunsod.+  At kanila ngang makikilala na ako ay si Jehova kapag nagpaningas ako ng apoy sa Ehipto at ang lahat ng mga katulong nito ay nawasak na.+  Sa araw na iyon ay lalabas mula sa harap ko ang mga mensahero na nasa mga barko, upang panginigin ang nagtitiwala-sa-sariling Etiopia.+ At ang matitinding kirot ay sasapit sa kanila sa araw ng Ehipto, sapagkat, narito! iyon ay darating.’+ 10  “Ito ang sinabi ng Soberanong Panginoong Jehova, ‘Paglalahuin ko rin ang pulutong ng Ehipto sa pamamagitan ng kamay ni Nabucodorosor na hari ng Babilonya.+ 11  Siya at ang kaniyang bayan na kasama niya, ang mga maniniil mula sa mga bansa,+ ay ipinapasok upang wasakin ang lupain. At huhugutin nila ang kanilang mga tabak laban sa Ehipto at pupunuin nila ng mga napatay ang lupain.+ 12  At gagawin kong tuyong lupa ang mga kanal ng Nilo+ at ipagbibili ko ang lupain sa kamay ng masasamang tao,+ at pangyayarihin kong ang lupain at ang kabuuan nito ay matiwangwang sa pamamagitan ng kamay ng mga taga-ibang bayan.+ Ako mismong si Jehova ang nagsalita.’+ 13  “Ito ang sinabi ng Soberanong Panginoong Jehova, ‘Wawasakin ko rin ang mga karumal-dumal na idolo+ at paglalahuin ko mula sa Nop+ ang walang-silbing mga diyos, at hindi na magkakaroon ng pinuno mula sa lupain ng Ehipto; at maglalagay nga ako ng takot sa lupain ng Ehipto.+ 14  At dadalhin ko ang Patros+ sa pagkatiwangwang at magpapaningas ako ng apoy sa Zoan+ at maglalapat ng mga kahatulan sa No.+ 15  At ang aking pagngangalit+ ay ibubuhos ko sa Sin, ang tanggulan ng Ehipto, at lilipulin ko ang pulutong ng No.+ 16  At magpapaningas ako ng apoy sa Ehipto. Ang Sin ay walang pagsalang daranas ng matitinding kirot, at ang No ay mabibihag kapag nabuwag ito; at kung tungkol sa Nop—magkakaroon ng mga kalaban kung araw! 17  Kung tungkol sa mga kabataang lalaki ng On+ at ng Pibeset, sa pamamagitan ng tabak ay mabubuwal sila, at ang mga lunsod mismo ay yayaon sa pagkabihag. 18  At sa Tehapnehes+ ay magdidilim ang araw, kapag binali ko roon ang mga pamatok ng Ehipto.+ At paglalahuin sa kaniya ang pagmamapuri ng kaniyang lakas.+ Kung tungkol sa kaniya, mga ulap ang tatakip sa kaniya,+ at ang kaniyang mga sakop na bayan ay yayaon sa pagkabihag.+ 19  At maglalapat ako ng mga kahatulan sa Ehipto;+ at kanila ngang makikilala na ako ay si Jehova.’ ” 20  At nangyari pa nang ikalabing-isang taon, nang unang buwan, noong ikapitong araw ng buwan, ang salita ni Jehova ay dumating sa akin, na nagsasabi: 21  “Anak ng tao, ang bisig ni Paraon na hari ng Ehipto ay babaliin ko,+ at, narito! hindi iyon tatalian sa paanuman upang bigyan ng kagalingan sa pamamagitan ng paglalagay ng benda na panali roon,+ upang iyon ay lumakas at makatangan sa tabak.” 22  “Kaya ito ang sinabi ng Soberanong Panginoong Jehova, ‘Narito, ako ay laban kay Paraon na hari ng Ehipto,+ at babaliin ko ang kaniyang mga bisig,+ ang malakas at ang may bali,+ at palalaglagin ko ang tabak mula sa kaniyang kamay.+ 23  At pangangalatin ko ang mga Ehipsiyo sa gitna ng mga bansa at pananabugin ko sila sa mga lupain.+ 24  At palalakasin ko ang mga bisig ng hari ng Babilonya+ at ibibigay ko ang aking tabak sa kaniyang kamay,+ at babaliin ko ang mga bisig ni Paraon, at gaya ng isang nasugatan ng ikamamatay, tiyak na daraing siya nang labis-labis sa harap niya.+ 25  At palalakasin ko ang mga bisig ng hari ng Babilonya, at ang mismong mga bisig ni Paraon ay babagsak; at kanila ngang makikilala na ako ay si Jehova kapag ibinigay ko ang aking tabak sa kamay ng hari ng Babilonya at iniunat nga niya iyon laban sa lupain ng Ehipto.+ 26  At pangangalatin ko ang mga Ehipsiyo sa gitna ng mga bansa+ at pananabugin ko sila sa mga lupain; at kanila ngang makikilala na ako ay si Jehova.’ ”

Talababa