Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online

BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Ezekiel 26:1-21

26  At nangyari nga nang ikalabing-isang taon, noong unang araw ng buwan, ang salita ni Jehova ay dumating sa akin, na nagsasabi:  “Anak ng tao, sa dahilang ang Tiro+ ay nagsabi laban sa Jerusalem,+ ‘Aha! Nasira na siya,+ ang mga pinto ng mga bayan!+ Ang baling ay tiyak na sa akin. Mapupuno ako—nawasak na siya,’+  kaya ito ang sinabi ng Soberanong Panginoong Jehova, ‘Narito, ako ay laban sa iyo, O Tiro, at isasampa ko laban sa iyo ang maraming bansa,+ kung paanong pinasasampa ng dagat ang mga alon nito.+  At tiyak na wawasakin nila ang mga pader ng Tiro+ at gigibain ang kaniyang mga tore,+ at kakayurin ko ang kaniyang alabok mula sa kaniya at gagawin ko siyang isang makintab at hantad na ibabaw ng malaking bato.  Siya ay magiging dakong patuyuan ng mga pangubkob na lambat+ sa gitna ng dagat.’+ “ ‘Sapagkat ako mismo ang nagsalita,’ ang sabi ng Soberanong Panginoong Jehova, ‘at siya ay magiging isang bagay na masasamsam ng mga bansa.  At ang kaniyang mga sakop na bayan na nasa parang—sa pamamagitan ng tabak ay papatayin sila, at makikilala nga ng bayan na ako ay si Jehova.’+  “Sapagkat ito ang sinabi ng Soberanong Panginoong Jehova, ‘Narito, dadalhin ko laban sa Tiro si Nabucodorosor na hari ng Babilonya mula sa hilaga,+ isang hari ng mga hari,+ na may mga kabayo+ at mga karong pandigma+ at mga kabalyero at isang kongregasyon,+ isa ngang malaking bayan.  Ang iyong mga sakop na bayan sa parang ay papatayin niya sa pamamagitan nga ng tabak, at siya ay gagawa laban sa iyo ng pader na pangubkob at magtitindig laban sa iyo ng muralyang pangubkob+ at magtataas laban sa iyo ng isang malaking kalasag;  at ang tama ng kaniyang makinang pansalakay ay itutuon niya laban sa iyong mga pader, at ang iyong mga tore ay ibabagsak niya, sa pamamagitan ng kaniyang mga tabak. 10  Dahil sa dumadaluyong na karamihan ng kaniyang mga kabayo ay matatakpan ka ng kanilang alabok.+ Dahil sa ingay ng kabalyero at ng gulong at ng karong pandigma ay uuga ang iyong mga pader, kapag pumasok siya sa iyong mga pintuang-daan, gaya ng pagpasok sa isang lunsod na binutasan. 11  Sa pamamagitan ng mga paa ng kaniyang mga kabayo ay yuyurakan niya ang lahat ng iyong mga lansangan.+ Ang iyong bayan ay papatayin niya sa pamamagitan nga ng tabak, at mabubuwal sa lupa ang iyong mga haligi ng lakas. 12  At tiyak na sasamsamin nila ang iyong yaman+ at darambungin ang iyong mga paninda,+ at gigibain ang iyong mga pader, at ang iyong mga kanais-nais na bahay ay ibabagsak nila. At ang iyong mga bato at ang iyong kayariang kahoy at ang iyong alabok ay ilalagay nila sa gitna mismo ng tubig.’ 13  “ ‘At patitigilin ko ang ingay ng iyong pag-awit,+ at ang tunog ng iyong mga alpa ay hindi na maririnig pa.+ 14  At gagawin kitang isang makintab at hantad na ibabaw ng malaking bato.+ Ikaw ay magiging dakong patuyuan ng mga pangubkob na lambat.+ Hindi ka na itatayong muli; sapagkat ako mismong si Jehova ang nagsalita,’ ang sabi ng Soberanong Panginoong Jehova.+ 15  “Ito ang sinabi sa Tiro ng Soberanong Panginoong Jehova, ‘Sa ingay ng iyong pagbagsak, kapag dumaraing ang nasugatan nang malubha, kapag may pagpatay na may pamumuksa sa gitna mo, hindi ba uuga ang mga pulo?+ 16  At mula sa kanilang mga trono+ ay tiyak na bababa ang lahat ng mga pinuno sa dagat+ at aalisin ang kanilang mga damit na walang manggas, at huhubarin nila ang kanilang mga burdadong kasuutan. Magbibihis sila ng mga bugso ng panginginig. Sa lupa ay uupo sila,+ at sila ay tiyak na manginginig sa bawat sandali+ at tititig sa iyo sa pagkamangha. 17  At sila ay hihiyaw para sa iyo ng isang panambitan+ at magsasabi sa iyo: “ ‘ “Ano’t ikaw ay nagiba, na siyang dating tinatahanan mula sa mga dagat,+ O lunsod na pinapupurihan, na naging isang malakas sa dagat,+ siya at yaong mga tumatahan sa kaniya, yaong mga nagpasapit ng kanilang kakilabutan sa lahat ng tumatahan sa lupa! 18  Ang mga pulo nga ay manginginig sa araw ng iyong pagbagsak. At ang mga pulo na nasa dagat ay maliligalig dahil sa iyong pagyaon.” ’+ 19  “Sapagkat ito ang sinabi ng Soberanong Panginoong Jehova, ‘Kapag ginawa kitang isang wasak na lunsod, tulad ng mga lunsod na talagang hindi tinatahanan, kapag itinabon ko sa iyo ang matubig na kalaliman, at ang malalawak na tubig ay tumakip na sa iyo,+ 20  ilulusong din kitang kasama niyaong mga bumababa sa hukay patungo sa mga tao noong sinaunang panahon,+ at patatahanin kita sa pinakamababang lupain,+ tulad ng mga dakong wasak sa loob ng mahabang panahon, kasama niyaong mga bumababa sa hukay,+ upang huwag ka nang tahanan; at maglalagay ako ng kagayakan sa lupain ng mga buháy.+ 21  “ ‘Gagawin kitang mga biglaang kakilabutan,+ at mawawala ka na; at hahanapin+ ka, ngunit hindi ka na masusumpungan pa hanggang sa panahong walang takda,’+ ang sabi ng Soberanong Panginoong Jehova.”

Talababa