Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online

BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Ezekiel 2:1-10

2  At sinabi niya sa akin: “Anak ng tao,+ tumayo ka sa iyong mga paa upang makapagsalita ako sa iyo.”+  At ang espiritu ay nagsimulang sumaakin nang magsalita siya sa akin,+ at nang dakong huli ay pinatayo ako nito sa aking mga paa upang marinig ko ang Isa na nagsasalita sa akin.+  At sinabi niya sa akin: “Anak ng tao, aking isinusugo ka sa mga anak ni Israel,+ sa mapaghimagsik na mga bansa na naghimagsik laban sa akin.+ Sila mismo at ang kanilang mga ninuno ay sumasalansang sa akin hanggang sa mismong araw na ito.+  At ang mga anak na walang pakundangan ang mukha+ at matigas ang puso+—aking isinusugo ka sa kanila, at sabihin mo sa kanila, ‘Ito ang sinabi ng Soberanong Panginoong Jehova.’  At kung tungkol sa kanila, makinig+ man sila o tumanggi+—sapagkat sila ay isang mapaghimagsik na sambahayan+—tiyak na malalaman din nila na nagkaroon nga ng isang propeta sa gitna nila.+  “At ikaw, O anak ng tao, huwag kang matakot sa kanila;+ at ang kanilang mga salita ay huwag mong katakutan, dahil may mga mapagmatigas+ at may mga bagay na tumutusok+ sa iyo at tumatahan ka sa gitna ng mga alakdan.+ Ang kanilang mga salita ay huwag mong katakutan,+ at huwag kang mangilabot sa kanilang mga mukha,+ sapagkat sila ay isang mapaghimagsik na sambahayan.+  At sasalitain mo sa kanila ang aking mga salita, makinig man sila o tumanggi, sapagkat sila ay mapaghimagsik.+  “At ikaw, O anak ng tao, pakinggan mo ang sinasalita ko sa iyo. Huwag kang maging mapaghimagsik na gaya ng mapaghimagsik na sambahayan.+ Ibuka mo ang iyong bibig at kainin mo ang ibinibigay ko sa iyo.”+  At nagsimula akong makakita, at, narito! may isang kamay na nakaunat sa akin,+ at, narito! naroroon ang balumbon ng isang aklat.+ 10  At unti-unti niyang iniladlad iyon sa harap ko, at iyon ay may sulat sa harap at sa likod;+ at doon ay may nakasulat na mga panambitan at pagdaing at paghagulhol.+

Talababa