Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online

BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Ezekiel 19:1-14

19  “At kung tungkol sa iyo, humiyaw ka ng isang panambitan+ may kinalaman sa mga pinuno ng Israel,+  at sabihin mo, ‘Ano ba noon ang iyong ina? Isang babaing leon sa gitna ng mga leon.+ Humiga siyang kasama ng mga may-kilíng na batang leon. Inaruga niya ang kaniyang mga anak.  “ ‘At unti-unti niyang pinalaki ang isa sa kaniyang mga anak.+ Ito ay naging isang may-kilíng na batang leon, at ito ay nagsimulang matutong lumuray ng nasila.+ Lumamon nga ito ng makalupang tao.  At ang mga bansa ay patuloy na nakaririnig ng tungkol sa kaniya. Sa kanilang hukay ay nahuli siya, at dinala nila siya sa lupain ng Ehipto sa pamamagitan ng mga pangawit.+  “ ‘Nang makita niyang siya ay naghintay at ang kaniyang pag-asa ay naglaho, kinuha nga niya ang isa pa sa kaniyang mga anak.+ Inilabas niya siya bilang isang may-kilíng na batang leon.  At nagsimula siyang gumala-gala sa gitna ng mga leon. Siya ay naging isang may-kilíng na batang leon. At nang maglaon ay natuto siyang lumuray ng nasila.+ Lumamon nga siya ng makalupang tao.+  At nakilala niya ang kaniyang mga tirahang tore, at winasak niya ang kanilang mga lunsod,+ anupat ang lupain ay natiwangwang at pinunô niya iyon ng ingay ng kaniyang pag-ungal.+  At ang mga bansa sa buong palibot mula sa mga nasasakupang distrito ay nagsimulang lumagay laban sa kaniya+ at nagladlad ng kanilang lambat sa ibabaw niya.+ Sa kanilang hukay ay nahuli siya.+  Sa kalaunan ay inilagay nila siya sa kulungan sa pamamagitan ng mga pangawit at dinala siya sa hari ng Babilonya.+ Nadala nila siya sa pamamagitan ng mga pangasong lambat, upang ang kaniyang tinig ay hindi na marinig pa sa mga bundok ng Israel.+ 10  “ ‘Ang iyong ina+ ay gaya ng isang punong ubas sa iyong dugo,+ na nakatanim sa tabi ng tubig. Siya ay naging tagapagluwal ng bunga at punô ng mga sanga dahil sa saganang tubig.+ 11  At para sa kaniya ay naging matitibay na tungkod sila, angkop na maging mga setro ng mga tagapamahala.+ At ang taas nito ay unti-unting nataas sa mga sanga, at ito ay nakita dahil sa kataasan nito, dahil sa dami ng mga dahon nito.+ 12  Ngunit sa kalaunan ay binunot siya dahil sa pagkapoot.+ Inihagis siya sa lupa, at isang hanging silangan ang tumuyo sa kaniyang bunga.+ Ang kaniyang matibay na tungkod ay pinutol at natuyo.+ Apoy ang lumamon nito.+ 13  At ngayon ay nakatanim siya sa ilang,+ sa isang lupaing walang tubig at uháw.+ 14  At may apoy na lumabas mula sa kaniyang tungkod.+ Nilamon nito ang kaniya mismong mga supang, ang kaniya mismong bunga, at nawalan siya ng matibay na tungkod, walang setro para sa pamamahala.+ “ ‘Iyan ay isang panambitan, at iyon ay magiging isang panambitan.’ ”+

Talababa