Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online

BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Ezekiel 17:1-24

17  At ang salita ni Jehova ay patuloy na dumating sa akin, na nagsasabi:  “Anak ng tao, magharap ka ng isang bugtong+ at kumatha ka ng isang kasabihan ukol sa sambahayan ng Israel.+  At sabihin mo, ‘Ito ang sinabi ng Soberanong Panginoong Jehova: “Ang malaking agila,+ na may malalaking pakpak,+ may mahahabang bagwis, punô ng mga balahibo, na may sari-saring kulay, ay dumating sa Lebanon+ at kinuha ang tuktok+ ng puno ng sedro.+  Pinutol niya ang pinakadulo ng mga murang supang nito at dinala iyon sa lupain ng Canaan;+ inilagay niya iyon sa isang lunsod ng mga negosyante.  Karagdagan pa, kumuha siya ng ilang binhi ng lupain+ at inilagay iyon sa isang bukid bilang binhi. Gaya ng puno ng sause sa tabi ng malalawak na tubig,+ inilagay niya iyon na gaya ng isang puno ng sause.  At iyon ay nagsimulang sumibol at unti-unting naging isang punong ubas na lumaki nang mayabong na mababa ang tubo,+ na nakabaling nang papaloob ang mga dahon; at kung tungkol sa mga ugat niyaon, ang mga ito ay unti-unting napasailalim niyaon. At nang dakong huli, iyon ay naging isang punong ubas at nagsibol ng mga supang at nagkaroon ng mga sanga.+  “ ‘ “At may isa pang malaking agila,+ na may malalaking pakpak, at may malalaking bagwis,+ at, narito! ang mismong punong ubas na ito ay may-kasabikang nag-unat ng mga ugat nito patungo sa kaniya.+ At ang mga dahon nito ay iniunat nito sa kaniya upang patubigan niya iyon, malayo sa mga harding taniman na pinagtamnan nito.+  Sa isang mabuting bukid, sa tabi ng malalawak na tubig, ay nailipat+ na ito, upang magsibol ng mga sanga at mamunga, upang maging isang maringal na punong ubas.” ’  “Sabihin mo, ‘Ito ang sinabi ng Soberanong Panginoong Jehova: “Magtatagumpay ba iyon?+ Hindi ba may bubunot sa mismong mga ugat+ niyaon at gagawing makaliskis ang mismong bunga niyaon? At hindi ba matutuyo ang lahat ng bagong-kitil na sibol niyaon?+ Iyon ay matutuyo. Hindi iyon itataas mula sa mga ugat niyaon sa pamamagitan ng malakas na bisig ni sa pamamagitan ng maraming tao. 10  At, narito! bagaman nailipat nga, magtatagumpay ba iyon? Hindi ba iyon lubos na matutuyo, na parang nahipan iyon ng hanging silangan?+ Iyon ay matutuyo sa mga harding taniman ng sibol niyaon.” ’ ”+ 11  At ang salita ni Jehova ay patuloy na dumating sa akin, na nagsasabi: 12  “Sabihin mo, pakisuyo, sa mapaghimagsik na sambahayan,+ ‘Talaga bang hindi ninyo alam kung ano ang kahulugan ng mga bagay na ito?’ Sabihin mo, ‘Narito! Ang hari ng Babilonya ay dumating sa Jerusalem at kinuha ang hari+ nito at ang mga prinsipe nito at dinala niya sila sa Babilonya.+ 13  Karagdagan pa, kinuha niya ang isa sa mga maharlikang binhi+ at nakipagtipan sa kaniya at isinailalim siya sa isang sumpa;+ at ang mga pangunahing tao sa lupain ay kinuha niya,+ 14  upang ang kaharian ay maibaba,+ na hindi maitaas ang sarili nito, upang sa pag-iingat ng kaniyang tipan ay makatayo ito.+ 15  Ngunit siya sa kalaunan ay naghimagsik+ laban sa kaniya nang isugo ang kaniyang mga mensahero sa Ehipto, upang bigyan siya nito ng mga kabayo+ at ng maraming tao. Magtatagumpay ba siya? Makatatakas ba siya, siya na gumagawa ng mga bagay na ito, at sumira ng isang tipan? At talaga bang makatatakas siya?’+ 16  “ ‘ “Buháy ako,”+ ang sabi ng Soberanong Panginoong Jehova, “sa dako ng hari na naglagay bilang hari sa isa na humamak sa kaniyang sumpa+ at sumira sa kaniyang tipan, samantalang nasa loob siya ng Babilonya ay mamamatay siya.+ 17  At sa pamamagitan ng isang malaking hukbong militar at sa pamamagitan ng isang malaking kongregasyon ay hindi siya pananaigin ni Paraon sa digmaan,+ sa pamamagitan ng pagtitindig ng muralyang pangubkob at sa pamamagitan ng pagtatayo ng pader na pangubkob, upang lumipol ng maraming kaluluwa.+ 18  At hinamak niya ang isang sumpa+ sa pagsira sa isang tipan, at, narito! iniabot niya ang kaniyang kamay+ at ginawa ang lahat nga ng mga bagay na ito. Hindi siya makatatakas.” ’+ 19  “ ‘Kaya ito ang sinabi ng Soberanong Panginoong Jehova: “Buháy ako, tiyak na ang aking sumpa na hinamak+ niya at ang aking tipan na sinira niya—pasasapitin ko nga iyon sa kaniyang ulo. 20  At ilaladlad ko sa ibabaw niya ang aking lambat, at tiyak na mahuhuli siya sa aking pangasong lambat;+ at dadalhin ko siya sa Babilonya at doon ay papasok ako sa paghatol sa kaniya may kaugnayan sa kaniyang kawalang-katapatan na iginawi niya laban sa akin.+ 21  At kung tungkol sa lahat ng kaniyang mga takas sa lahat ng kaniyang mga pangkat, sa pamamagitan ng tabak ay mabubuwal sila, at yaong mga naiwan ay mangangalat patungo sa bawat hangin.+ At inyo ngang malalaman na ako mismong si Jehova ang nagsalita nito.” ’+ 22  “ ‘Ito ang sinabi ng Soberanong Panginoong Jehova: “Ako rin naman ay kukuha at maglalagay ng ilang bahagi ng matayog na tuktok ng puno ng sedro;+ mula sa dulo ng maliliit na sanga nito ay puputol ako ng isa na murà+ at ako mismo ang maglilipat niyaon sa isang mataas at matayog na bundok.+ 23  Sa bundok ng kaitaasan ng Israel ay ililipat ko iyon,+ at iyon ay tiyak na magkakaroon ng mga sanga at magluluwal ng bunga+ at magiging isang maringal na sedro.+ At sa ilalim niyaon ay tatahan nga ang lahat ng mga ibon na may iba’t ibang pakpak; sa lilim ng mga dahon niyaon ay tatahan sila.+ 24  At malalaman nga ng lahat ng mga punungkahoy sa parang na ako mismo, si Jehova,+ ang nagbaba sa mataas na punungkahoy,+ nagtaas sa mababang punungkahoy,+ tumuyo sa sariwang punungkahoy+ at nagpamulaklak sa tuyong punungkahoy. Ako mismong si Jehova ang nagsalita at gumawa+ nito.” ’ ”

Talababa