Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online | BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Ezekiel 15:1-8

15  At ang salita ni Jehova ay patuloy na dumating sa akin, na nagsasabi:  “Anak ng tao, sa anong paraan naiiba ang puno ng ubas+ sa lahat ng iba pang punungkahoy, ang supang, na nasa gitna ng mga punungkahoy sa kagubatan?  Makakakuha ba roon ng pingga na magagamit sa paggawa ng gawain? O ang mga tao ba ay kumukuha roon ng tulos na mapagsasabitan ng anumang uri ng kagamitan?  Narito! Sa apoy inilalagay iyon bilang panggatong.+ Ang magkabilang dulo niyaon ay nilalamon nga ng apoy, at ang pinakagitna niyaon ay nasusunog.+ Mapakikinabangan ba iyon para sa anumang gawain?  Narito! Nang iyon ay buo pa, hindi iyon ginagamit sa anumang gawain. Lalo na ngang hindi iyon magagamit sa anumang gawain kapag nilamon na iyon ng apoy at nasunog!”+  “Kaya ito ang sinabi ng Soberanong Panginoong Jehova, ‘Tulad ng puno ng ubas sa gitna ng mga punungkahoy sa kagubatan, na ibinigay ko sa apoy bilang panggatong, gayon ko ibinigay ang mga tumatahan sa Jerusalem.+  At itinalaga ko ang aking mukha laban sa kanila.+ Sa apoy sila lumabas, ngunit apoy ang lalamon sa kanila.+ At inyo ngang makikilala na ako ay si Jehova, kapag iniharap ko ang aking mukha laban sa kanila.’ ”+  “ ‘At ang lupain ay gagawin kong tiwangwang na kaguhuan,+ sa dahilang gumawi sila nang di-tapat,’+ ang sabi ng Soberanong Panginoong Jehova.”

Talababa