Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online

BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Ezekiel 11:1-25

11  At itinaas+ ako ng isang espiritu+ at dinala ako sa silanganing pintuang-daan ng bahay ni Jehova na nakaharap sa gawing silangan,+ at, narito! sa pasukan ng pintuang-daan ay may dalawampu’t limang lalaki,+ at nakita ko sa gitna nila si Jaazanias na anak ni Azur at si Pelatias na anak ni Benaias, na mga prinsipe ng bayan.+  At sinabi niya sa akin: “Anak ng tao, ito ang mga lalaki na nagpapakana ng pananakit at nagbibigay ng masamang payo laban sa lunsod na ito;+  na nagsasabi, ‘Hindi ba malapit na ang pagtatayo ng mga bahay?+ Siya ang palayok na maluwang ang bibig,+ at tayo ang karne.’  “Kaya manghula ka laban sa kanila. Manghula ka, O anak ng tao.”+  At ang espiritu ni Jehova ay sumaakin,+ at sinabi niya sa akin: “Sabihin mo, ‘Ito ang sinabi ni Jehova:+ “Tama ang sinabi ninyo, O sambahayan ng Israel; at kung tungkol sa mga bagay na bumabangon sa inyong espiritu, iyon ay nalalaman ko mismo.+  Pinarami ninyo ang mga napatay sa inyo sa lunsod na ito, at pinunô ninyo ng mga napatay+ ang kaniyang mga lansangan.” ’ ”  “Kaya ito ang sinabi ng Soberanong Panginoong Jehova, ‘Kung tungkol sa mga napatay sa inyo na inilagay ninyo sa loob niya, sila ang karne,+ at siya ang palayok na maluwang ang bibig;+ at ilalabas kayo mula sa loob niya.’ ”+  “ ‘Isang tabak ang kinatatakutan ninyo,+ at isang tabak ang pasasapitin ko sa inyo,’ ang sabi ng Soberanong Panginoong Jehova.+  ‘At tiyak na ilalabas ko kayo mula sa loob niya at ibibigay ko kayo sa kamay ng mga taga-ibang bayan+ at lalapatan ko kayo ng mga paghatol.+ 10  Sa pamamagitan ng tabak ay mabubuwal kayo.+ Sa hanggahan ng Israel+ ay hahatulan ko kayo; at inyo ngang makikilala na ako ay si Jehova.+ 11  Sa inyo ay hindi siya magiging palayok na maluwang ang bibig,+ at hindi kayo magiging karne sa loob niya. Sa hanggahan ng Israel ay hahatulan ko kayo, 12  at inyo ngang makikilala na ako ay si Jehova, sapagkat ang aking mga tuntunin ay hindi ninyo nilakaran at ang aking mga kahatulan ay hindi ninyo ginawa,+ kundi ang ayon sa mga kahatulan ng mga bansa na nasa palibot ninyo ang inyong ginagawa.’ ”+ 13  At nangyari nga nang ako ay makapanghula, si Pelatias na anak ni Benaias ay namatay,+ at isinubsob ko ang aking mukha at sumigaw ako sa malakas na tinig+ at nagsabi: “Ay, O Soberanong Panginoong Jehova!+ Isang paglipol ba ang inilalapat mo sa mga nalalabi sa Israel?”+ 14  At ang salita ni Jehova ay patuloy na dumating sa akin, na nagsasabi: 15  “Anak ng tao, kung tungkol sa iyong mga kapatid,+ ang iyong mga kapatid, ang mga lalaking nasasangkot sa iyong karapatang tumubos, at ang buong sambahayan ng Israel, silang lahat, ang siyang pinagsabihan ng mga tumatahan sa Jerusalem, ‘Lumayo kayo kay Jehova. Sa amin iyon nauukol; ang lupain ay ibinigay sa amin bilang pag-aari’;+ 16  kaya sabihin mo, ‘Ito ang sinabi ng Soberanong Panginoong Jehova: “Bagaman inilayo ko sila roon sa gitna ng mga bansa, at bagaman pinangalat ko sila sa mga lupain,+ gayunma’y magiging isang santuwaryo ako sa kanila sa kaunting panahon sa mga lupain na kanilang pinaroonan.” ’+ 17  “Kaya sabihin mo, ‘Ito ang sinabi ng Soberanong Panginoong Jehova: “Pipisanin ko rin kayo mula sa mga bayan at titipunin ko kayo mula sa mga lupain na pinangalatan sa inyo, at ibibigay ko sa inyo ang lupa ng Israel.+ 18  At tiyak na paroroon sila at aalisin nila ang lahat ng kasuklam-suklam na bagay nito at ang lahat ng karima-rimarim na bagay nito mula roon.+ 19  At bibigyan ko sila ng iisang puso,+ at isang bagong espiritu ang ilalagay ko sa loob nila;+ at aalisin ko nga ang pusong bato mula sa kanilang laman+ at bibigyan ko sila ng isang pusong laman,+ 20  upang lumakad sila sa aking mga batas at ingatan nila ang aking mga hudisyal na pasiya at talagang isagawa ang mga iyon;+ at sila ay talagang maging aking bayan+ at ako mismo ay maging kanilang Diyos.” ’+ 21  “ ‘ “Ngunit kung tungkol sa kanila na ang puso ay lumalakad sa kanilang mga kasuklam-suklam na bagay at sa kanilang mga karima-rimarim na bagay,+ sa kanilang ulo ay tiyak na pasasapitin ko ang kanilang sariling lakad,” ang sabi ng Soberanong Panginoong Jehova.’ ”+ 22  At ngayon ay itinaas ng mga kerubin+ ang kanilang mga pakpak, at ang mga gulong ay katabi nila,+ at ang kaluwalhatian+ ng Diyos ng Israel ay nasa ibabaw nila, mula sa itaas.+ 23  At ang kaluwalhatian ni Jehova+ ay pumailanlang mula sa loob ng lunsod at nagsimulang tumigil sa ibabaw ng bundok+ na nasa dakong silangan ng lunsod.+ 24  At itinaas+ ako ng isang espiritu+ at nang dakong huli ay dinala ako sa Caldea sa itinapong bayan,+ sa pangitain sa pamamagitan ng espiritu ng Diyos; at ang pangitain na nakita ko ay pumailanlang mula sa akin. 25  At pinasimulan kong salitain sa itinapong bayan ang lahat ng mga bagay ni Jehova na ipinakita niya sa akin.+

Talababa