Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online

BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Ezekiel 10:1-22

10  At ako ay patuloy na tumingin, at, narito! sa ibabaw ng kalawakan+ na nasa itaas ng ulo ng mga kerubin ay may gaya ng batong safiro,+ gaya ng anyo ng wangis ng isang trono,+ na lumilitaw sa ibabaw nila.  At sinabi niya sa lalaking nadaramtan ng lino,+ upang sabihin nga: “Pumasok ka sa pagitan ng kayariang gulong,+ sa ilalim ng mga kerubin, at punuin mo ang mga palad ng dalawang kamay mo ng mga baga+ ng apoy mula sa pagitan ng mga kerubin at isaboy mo sa lunsod.”+ Kaya pumasok siya habang ako ay nakatingin.  At ang mga kerubin ay nakatayo sa dakong kanan ng bahay nang pumasok ang lalaki, at pinunô ng ulap ang pinakaloob na looban.+  At ang kaluwalhatian ni Jehova+ ay pumailanlang mula sa mga kerubin hanggang sa pintuan ng bahay, at ang bahay ay unti-unting napuno ng ulap,+ at ang looban mismo ay punô ng ningning ng kaluwalhatian ni Jehova.  At ang ugong ng mga pakpak ng mga kerubin+ ay maririnig hanggang sa looban sa dakong labas, tulad ng ugong ng Diyos na Makapangyarihan-sa-lahat kapag siya ay nagsasalita.+  At nangyari, nang utusan niya ang lalaking nadaramtan ng lino, na sinasabi: “Kumuha ka ng apoy mula sa pagitan ng kayariang gulong, mula sa pagitan ng mga kerubin,” na siya ay pumasok at tumayo sa tabi ng gulong.  Nang magkagayon ay iniunat ng kerubin ang kaniyang kamay mula sa pagitan ng mga kerubin patungo sa apoy+ na nasa pagitan ng mga kerubin+ at dinala iyon at inilagay sa mga palad ng mga kamay niyaong nadaramtan ng lino,+ na siya namang kumuha niyaon at lumabas.  At sa mga kerubin ay may nakitang kawangis ng kamay ng makalupang tao sa ilalim ng kanilang mga pakpak.+  At ako ay patuloy na tumingin, at, narito! may apat na gulong sa tabi ng mga kerubin, isang gulong sa tabi ng isang kerubin at isang gulong sa tabi ng isa pang kerubin,+ at ang anyo ng mga gulong ay tulad ng kisap ng isang batong crisolito. 10  At kung tungkol sa kanilang anyo, silang apat ay may iisang wangis, gaya ng gulong na nasa loob ng isang gulong.+ 11  Kapag sila ay yumayaon, yumayaon sila patungo sa kanilang apat na tagiliran. Hindi sila nag-iiba ng direksiyon kapag yumayaon sila, sapagkat kung saang dako humarap ang ulo, doon sila yumayaong kasunod nito. Hindi sila nag-iiba ng direksiyon kapag yumayaon sila.+ 12  At ang kanilang buong katawan at ang kanilang mga likod at ang kanilang mga kamay at ang kanilang mga pakpak at ang mga gulong ay punô ng mga mata sa buong palibot.+ Silang apat ay may kani-kanilang mga gulong. 13  May kinalaman sa mga gulong, sa kanila ay itinawag sa aking pandinig, “O kayariang gulong!” 14  At ang bawat isa ay may apat na mukha.+ Ang unang mukha ay mukha ng kerubin, at ang ikalawang mukha ay mukha ng makalupang tao,+ at ang ikatlo ay mukha ng isang leon, at ang ikaapat ay mukha ng isang agila.+ 15  At ang mga kerubin ay pumapaitaas+—ito rin ang nilalang na buháy na nakita ko sa may ilog ng Kebar+ 16  at kapag yumayaon ang mga kerubin, ang mga gulong ay yumayaon sa tabi nila;+ at kapag itinataas ng mga kerubin ang kanilang mga pakpak upang pumaitaas sa ibabaw ng lupa, ang mga gulong ay hindi nag-iiba ng direksiyon, sila nga mismo, mula sa tabi nila.+ 17  Kapag tumitigil ang mga ito, sila ay tumitigil; at kapag pumapaitaas ang mga ito,+ sila ay pumapaitaas na kasama nila, sapagkat ang espiritu ng nilalang na buháy ay nasa mga iyon.+ 18  At ang kaluwalhatian+ ni Jehova ay yumaon mula sa ibabaw ng pintuan ng bahay at tumigil sa ibabaw ng mga kerubin.+ 19  At itinaas ng mga kerubin ang kanilang mga pakpak at pumaitaas mula sa lupa+ sa aking paningin. Nang yumaon sila, ang mga gulong din ay kasabay nila; at sila ay nagsimulang tumayo sa silanganing pasukan ng pintuang-daan ng bahay ni Jehova, at ang kaluwalhatian ng Diyos ng Israel ay nasa ibabaw nila, mula sa itaas. 20  Ito ang nilalang na buháy+ na nakita ko sa ilalim ng Diyos ng Israel sa may ilog ng Kebar,+ kaya nalaman ko na sila ay mga kerubin. 21  Kung tungkol sa apat, ang bawat isa ay may apat na mukha+ at ang bawat isa ay may apat na pakpak, at ang wangis ng mga kamay ng makalupang tao ay nasa ilalim ng kanilang mga pakpak. 22  At kung tungkol sa wangis ng kanilang mga mukha, iyon ang mga mukha na ang anyo ay nakita ko sa tabi ng ilog ng Kebar, mismong ang mga iyon.+ Yumayaon sila na bawat isa ay deretso sa unahan.+

Talababa