Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online

BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Exodo 39:1-43

39  At mula sa sinulid na asul at lanang tinina sa mamula-mulang purpura at sinulid na iskarlatang kokus+ ay gumawa sila ng mga kasuutan+ na yari sa gawang hinabi para sa paglilingkod sa dakong banal.+ Sa gayon ay ginawa nila ang mga banal na kasuutan+ para kay Aaron, gaya ng iniutos ni Jehova kay Moises.  At ginawa niya ang epod+ na yari sa ginto, sinulid na asul at lanang tinina sa mamula-mulang purpura at sinulid na iskarlatang kokus at mainam na linong pinilipit.  At nagpitpit sila ng mga laminang ginto hanggang maging maninipis na piraso, at pumutol siya ng mga hibla upang itahing kasama ng sinulid na asul at lanang tinina sa mamula-mulang purpura at sinulid na iskarlatang kokus at mainam na lino, na gawa ng isang burdador.+  Gumawa sila ng mga dugtungang pambalikat para roon na magkarugtong. Magkarugtong ito sa dalawang dulo nito.  At ang pamigkis, na nasa ibabaw nito bilang panali niyaon, ay yari sa gayunding materyales ayon sa kayarian nito, na ginto, sinulid na asul, at lanang tinina sa mamula-mulang purpura at sinulid na iskarlatang kokus at mainam na linong pinilipit,+ gaya ng iniutos ni Jehova kay Moises.  At inilagay nila ang mga batong onix+ sa mga enggasteng ginto, na nililukan ng mga lilok ng isang pantatak ayon sa mga pangalan ng mga anak ni Israel.+  Sa gayon ay inilagay niya ang mga iyon sa ibabaw ng mga dugtungang pambalikat ng epod bilang mga batong pang-alaala+ para sa mga anak ni Israel, gaya ng iniutos ni Jehova kay Moises.  At ginawa niya ang pektoral+ na yari ng isang burdador, tulad ng kayarian ng epod, mula sa ginto, sinulid na asul at lanang tinina sa mamula-mulang purpura at sinulid na iskarlatang kokus at mainam na linong pinilipit.+  Ito ay parisukat kapag itiniklop. Ginawa nila ang pektoral, na kapag itiniklop ay isang dangkal ng kamay ang haba nito at isang dangkal ang lapad nito.+ 10  At kinalupkupan nila iyon ng apat na hanay ng mga bato. Hanay ng rubi, topacio at esmeralda ang unang hanay.+ 11  At ang ikalawang+ hanay ay turkesa, safiro+ at jaspe.+ 12  At ang ikatlong+ hanay ay batong lesem, agata at amatista. 13  At ang ikaapat+ na hanay ay crisolito at onix+ at jade. Ang mga iyon ay inilagay sa mga enggasteng ginto sa mga lalagyan ng mga ito. 14  At ang mga bato ay ayon sa mga pangalan ng mga anak ni Israel. Ang mga iyon ay labindalawa ayon sa kani-kanilang pangalan, na may mga lilok ng isang pantatak, bawat isa ay ayon sa pangalan nito para sa labindalawang tribo.+ 15  At gumawa sila ng pinagkawing-kawing na mga tanikala sa ibabaw ng pektoral, sa kayariang lubid, na yari sa dalisay na ginto.+ 16  At gumawa sila ng dalawang enggasteng ginto at dalawang argolyang ginto at inilagay ang dalawang argolya sa dalawang dulo ng pektoral.+ 17  Pagkatapos ay ipinasok nila ang dalawang lubid na ginto sa dalawang argolya na nasa mga dulo ng pektoral.+ 18  At ipinasok nila ang dalawang dulo ng dalawang lubid sa dalawang enggaste. Pagkatapos ay inilagay nila ang mga iyon sa ibabaw ng mga dugtungang pambalikat ng epod, sa pinakaharap nito.+ 19  Sumunod ay gumawa sila ng dalawang argolyang ginto at inilagay ang mga iyon sa dalawang dulo ng pektoral na nasa gilid nito sa panig ng epod papaloob.+ 20  At gumawa sila ng dalawang argolyang ginto at inilagay ang mga iyon sa ibabaw ng dalawang dugtungang pambalikat ng epod mula sa ibaba, sa pinakaharap nito, malapit sa pinaghuhugpungan nito, sa ibabaw ng pamigkis ng epod.+ 21  Nang dakong huli ay itinali nila ang pektoral sa pamamagitan ng mga argolya nito sa mga argolya ng epod sa pamamagitan ng panaling asul, upang manatili ito sa ibabaw ng pamigkis ng epod at huwag matanggal ang pektoral mula sa ibabaw ng epod, gaya ng iniutos ni Jehova kay Moises.+ 22  At ginawa niya ang walang-manggas na damit+ ng epod, na gawa ng isang manggagawa sa habihan, lahat ay sinulid na asul. 23  At ang bukasan ng damit na walang manggas ay nasa gitna nito, gaya ng bukasan ng isang kutamaya. Ang bukasan nito ay may sinepa sa palibot upang hindi ito mapunit.+ 24  At sa laylayan ng damit na walang manggas ay gumawa sila ng mga granada na yari sa sinulid na asul at lanang tinina sa mamula-mulang purpura at sinulid na iskarlatang kokus, na pinagpili-pilipit.+ 25  Isa pa, gumawa sila ng mga kampanilyang yari sa dalisay na ginto at inilagay ang mga kampanilya sa pagitan ng mga granada+ na nasa laylayan ng damit na walang manggas sa palibot, sa pagitan ng mga granada; 26  isang kampanilya at isang granada, isang kampanilya at isang granada sa palibot ng laylayan ng damit na walang manggas,+ para sa paglilingkod, gaya ng iniutos ni Jehova kay Moises. 27  Sumunod ay ginawa nila ang mahahabang damit na yari sa mainam na lino,+ na gawa ng isang manggagawa sa habihan, para kay Aaron at sa kaniyang mga anak, 28  at ang turbante+ na yari sa mainam na lino at ang mga pampalamuting kagayakan sa ulo+ na yari sa mainam na lino at ang mga linong karsonsilyo+ na yari sa mainam na linong pinilipit, 29  at ang paha+ na yari sa mainam na linong pinilipit at sinulid na asul at lanang tinina sa mamula-mulang purpura at sinulid na iskarlatang kokus, na gawa ng isang manghahabi, gaya ng iniutos ni Jehova kay Moises. 30  Nang dakong huli ay ginawa nila ang kumikinang na lamina, ang banal na tanda ng pag-aalay, mula sa dalisay na ginto at sinulatan nila iyon ng sulat na mga lilok ng isang pantatak: “Ang kabanalan ay kay Jehova.”+ 31  At nilagyan nila ito ng isang panali na sinulid na asul upang ilagay iyon sa turbante sa ibabaw,+ gaya ng iniutos ni Jehova kay Moises. 32  Sa gayon ay natapos ang lahat ng gawain para sa tabernakulo ng tolda ng kapisanan, sapagkat ginawa ng mga anak ni Israel ang ayon sa lahat ng iniutos ni Jehova kay Moises.+ Gayung-gayon ang ginawa nila. 33  At dinala nila ang tabernakulo+ kay Moises, ang tolda+ at ang lahat ng mga kagamitan+ nito, ang mga pangawit+ nito, ang mga hamba+ nito, ang mga barakilan+ nito at ang mga haligi nito at ang may-ukit na mga tuntungan+ nito, 34  at ang pantakip nito na yari sa balat ng barakong tupa na tinina+ sa pula at ang pantakip nito na yari sa balat ng poka+ at ang kurtina ng pantabing,+ 35  at ang kaban+ ng patotoo at ang mga pingga+ nito at ang takip,+ 36  ang mesa,+ ang lahat ng mga kagamitan+ nito at ang tinapay na pantanghal, 37  ang kandelero+ na yari sa dalisay na ginto, ang mga lampara nito, ang hanay ng mga lampara,+ at ang lahat ng mga kagamitan+ nito at ang langis na pang-ilawan,+ 38  at ang altar+ na ginto at ang langis na pamahid+ at ang mabangong insenso+ at ang pantabing+ para sa pasukan ng tolda, 39  ang tansong altar+ at ang tansong parilya+ para rito, ang mga pingga+ nito at ang lahat ng mga kagamitan+ nito, ang hugasan+ at ang patungan+ nito, 40  ang mga tabing+ ng looban, ang mga haligi+ nito at ang may-ukit na mga tuntungan+ nito at ang pantabing+ para sa pintuang-daan ng looban, ang mga pantoldang panali+ nito at ang mga pantoldang tulos+ nito at ang lahat ng mga kagamitan+ para sa paglilingkod sa tabernakulo, para sa tolda ng kapisanan, 41  ang mga kasuutan+ na yari sa gawang hinabi para sa paglilingkod sa santuwaryo, ang mga banal+ na kasuutan para kay Aaron na saserdote at ang mga kasuutan ng kaniyang mga anak para sa paglilingkod bilang mga saserdote.+ 42  Ayon sa lahat ng iniutos ni Jehova kay Moises, gayon ginawa ng mga anak ni Israel ang lahat ng paglilingkod.+ 43  At nakita ni Moises ang lahat ng gawain, at, narito! ginawa nila iyon gaya ng iniutos ni Jehova. Gayon nila ginawa. Dahil dito ay pinagpala sila ni Moises.+

Talababa