Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online

BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Exodo 35:1-35

35  Sa kalaunan ay tinipon ni Moises ang buong kapulungan ng mga anak ni Israel at sinabi sa kanila: “Ito ang mga salita na iniutos ni Jehova, upang isagawa ang mga ito:+  Anim na araw na maisasagawa ang gawain,+ ngunit sa ikapitong araw ay magiging banal sa inyo, isang sabbath ng lubusang kapahingahan ukol kay Jehova. Ang sinumang magsasagawa ng gawain sa araw na iyon ay papatayin.+  Huwag kayong magpapaningas ng apoy saanman sa inyong mga tahanang dako sa araw ng sabbath.”  At sinabi ni Moises sa buong kapulungan ng mga anak ni Israel: “Ito ang salita na iniutos ni Jehova, na nagsasabi,  ‘Mula sa inyo ay lumikom kayo ng abuloy para kay Jehova.+ Dalhin iyon ng bawat isa na nagkukusang-loob+ bilang abuloy kay Jehova, samakatuwid ay ginto at pilak at tanso+  at sinulid na asul at lanang tinina sa mamula-mulang purpura at sinulid na iskarlatang kokus at mainam na lino at balahibo ng kambing+  at mga balat ng barakong tupa na tinina sa pula at mga balat ng poka at kahoy ng akasya  at langis para sa ilawan at langis ng balsamo para sa langis na pamahid at para sa mabangong insenso+  at mga batong onix at mga batong pangkalupkop para sa epod+ at para sa pektoral.+ 10  “‘At pumarito ang lahat ng may pusong marunong+ sa inyo at gawin nila ang lahat ng iniutos ni Jehova, 11  samakatuwid ay ang tabernakulo kasama ang tolda nito at ang pantakip nito, ang mga pangawit nito at ang mga hamba nito, ang mga barakilan nito, ang mga haligi nito at ang may-ukit na mga tuntungan nito; 12  ang Kaban+ at ang mga pingga nito,+ ang takip+ at ang kurtina+ ng pantabing; 13  ang mesa+ at ang mga pingga nito at ang lahat ng mga kagamitan nito at ang tinapay na pantanghal;+ 14  at ang kandelero+ na pinakailawan at ang mga kagamitan nito at ang mga lampara nito at ang langis+ para sa ilawan; 15  at ang altar ng insenso+ at ang mga pingga nito; at ang langis na pamahid at ang mabangong insenso;+ at ang pantabing ng pasukan para sa pasukan ng tabernakulo; 16  ang altar+ ng handog na sinusunog at ang parilyang tanso na para roon, ang mga pingga nito at ang lahat ng mga kagamitan nito; ang hugasan+ at ang patungan nito; 17  ang mga tabing ng looban,+ ang mga haligi nito at ang may-ukit na mga tuntungan nito; at ang pantabing ng pintuang-daan ng looban; 18  ang mga pantoldang tulos ng tabernakulo at ang mga pantoldang tulos ng looban at ang mga panali ng mga iyon;+ 19  ang mga kasuutan+ na yari sa gawang hinabi para sa paglilingkod sa santuwaryo, ang mga banal na kasuutan+ para kay Aaron na saserdote at ang mga kasuutan ng kaniyang mga anak para sa paglilingkod bilang mga saserdote.’” 20  Sa gayon ay lumabas ang buong kapulungan ng mga anak ni Israel mula sa harap ni Moises. 21  Pagkatapos ay lumapit sila, ang bawat isang naudyukan ng kaniyang puso,+ at nagdala sila, ang bawat isang napakilos ng kaniyang espiritu, ng abuloy kay Jehova para sa paggawa ng tolda ng kapisanan at para sa lahat ng paglilingkod dito at para sa mga banal na kasuutan. 22  At sila ay nagdatingan, ang mga lalaki kasama ang mga babae, ang bawat isa na may pusong nagkukusang-loob. Sila ay nagdala ng mga alpiler at mga hikaw at mga singsing at mga palamuting pambabae, ng lahat ng uri ng mga kagamitang ginto, samakatuwid ay ang lahat ng naghandog ng gintong handog na ikinakaway ukol kay Jehova.+ 23  At lahat niyaong may sinulid na asul at lanang tinina sa mamula-mulang purpura at sinulid na iskarlatang kokus at mainam na lino at balahibo ng kambing at mga balat ng barakong tupa na tinina sa pula at mga balat ng poka, ay nagdala ng mga iyon.+ 24  Ang lahat niyaong nag-abuloy ng abuloy na pilak at tanso ay nagdala ng abuloy kay Jehova, at lahat niyaong may kahoy ng akasya para sa lahat ng gawaing paglilingkod ay nagdala niyaon. 25  At ang lahat ng mga babae na may pusong marunong+ ay nag-ikid sa pamamagitan ng kanilang mga kamay, at patuloy nilang dinadala bilang estambre ang sinulid na asul at ang lanang tinina sa mamula-mulang purpura, ang sinulid na iskarlatang kokus at ang mainam na lino. 26  At ang lahat ng mga babae na naudyukan ng kanilang mga puso taglay ang karunungan ay nag-ikid ng balahibo ng kambing. 27  At ang mga pinuno ay nagdala ng mga batong onix at ng mga batong pangkalupkop para sa epod at sa pektoral,+ 28  at ng langis ng balsamo at ng langis para sa ilawan at para sa langis na pamahid at para sa mabangong insenso.+ 29  Gayon ang ginawa ng lahat ng lalaki at babae na napakilos ng kanilang mga puso na magdala ng anumang bagay para sa lahat ng gawain na iniutos ni Jehova na gawin sa pamamagitan ni Moises; ang mga anak ni Israel ay nagdala ng kusang-loob na handog kay Jehova.+ 30  Pagkatapos ay sinabi ni Moises sa mga anak ni Israel: “Tingnan ninyo, tinawag ni Jehova sa pangalan si Bezalel+ na anak ni Uri na anak ni Hur mula sa tribo ni Juda. 31  At pinuspos niya siya ng espiritu ng Diyos sa karunungan, sa unawa at sa kaalaman at sa bawat uri ng kasanayan sa paggawa 32  at sa pagdidisenyo ng mga kagamitan, sa paggawa sa ginto at pilak at tanso,+ 33  at sa paggawa sa mga batong pangkalupkop at sa paggawa sa kahoy upang gumawa ng lahat ng uri ng kasangkapang mahusay ang pagkagawa.+ 34  At inilagay niya iyon sa kaniyang puso upang siya ay makapagturo, siya at si Oholiab+ na anak ni Ahisamac mula sa tribo ni Dan. 35  Pinuspos niya sila ng karunungan ng puso+ upang gawin ang lahat ng gawain ng bihasang manggagawa at ng burdador+ at ng manghahabi sa sinulid na asul at lanang tinina sa mamula-mulang purpura, sa sinulid na iskarlatang kokus at mainam na lino, at ng manggagawa sa habihan, mga lalaking gumagawa ng lahat ng uri ng gawain at nagdidisenyo ng mga kagamitan.

Talababa